Chapter 25

20.5K 1K 47
                                    

“Her lover died.”

Nag-angat ng mukha si Gelier mula sa binabasang memorandum na kailangan niyang aprubahan para mai-distribute na sa opisina. Nagsalubong ang mga kilay niya, nagtatanong ang mga tingin sa kapatid.

“Ang lalaking sinamahan ni Mama, pumanaw na. Lung cancer.”

Napabuntong-hininga siya. “And how is she?” tukoy niya sa ina nila.

“I’d like to think that she’s okay but the reports show that she is a poor, lonely woman.”

“Reports from your investigators?”

“Yes. Nalaman ko pang hindi naman pala ubod ng yaman iyong lalaki. The man was only starting to make a name for himself when he met our mother. Siguro ay nalinlang niya ang Mama. Nang malaman ng Mama ang totoong estado sa buhay ng lalaking sinamahan ay baka wala na siyang mukhang maihaharap sa atin kaya hindi na nagpakita.”

Ibinaba niya ang mga dokumento at iminosyon ang upuan sa harapan ng executive desk. “Sit down, Gav. Itigil mo na ang pagpapa-imbestiga mo sa ina natin. Wala ka namang mapapala riyan. So, we now know that her lover died. End of story. Leave her alone. Matagal na siyang hindi parte ng buhay natin.”

Tumango si Gavino. “I guess you are right.” Bumuntong-hininga ito. “Kumusta na kayo ni Azul?”

A smile formed on Gelier’s lips and his eyes held that special glow in them. Kahit na hindi sabihin ay malinaw na masaya siya. “We are happy, Gav. I have never been this happy my whole life. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa buhay ko kung hindi niya ako pinatawad.”

“Well, that was her plan—to not forgive you. Pero pinagpilitan mo ang sarili mo sa kanya.” Gavino chuckled. “And it actually worked. Bilhan ka ba naman ng kotse at lahat-lahat na ng mamahaling bagay, hindi ka pa bibigay?”

Pinukol niya ng matalim  na tingin ang kapatid. “Hindi niya itinuloy ang pagpapabili ng kotse. Iniinis niya lang ako n’on. Tinanggihan din naman niya ang mga regalo ko sa kanya. So, do not ever think that we got back together because of my money or—”

“Hey, kalma. Nagbibiro lang ako. I just want to rub it in your face what a big love pup you have become.”

Tumunog ang cell phone niya. It was from the man he tasked to maintain the balance in Azul’s card. Ano kaya ang problema? Ang sabi nito nang nakaraan ay hindi na raw nababawasan ang pera.

“Yes?” sagot niya.

“Sir, may kumakalat pong video ng interview mula sa umatras na kandidato para mayor.” Binanggit nito ang lugar kung saan tatakbong mayor dapat ang sinasabi nitong tao.

“And why is this man so important?”

“Nabanggit niya po kasi si Ms. Azul sa interview niya. At dahil kilala ko po si Ms. Azul bilang ako ang nagmimintina ng pera sa account niya kaya nabahala po ako.”

“Send me that video. Now.” Hindi nga naglipat segundo ay natanggap na niya ang file. Habang pinapanood niya iyon ay nanginginig ang mga kalamnan niya. Gusto niyang basagin ang pagmumukha ng walanghiya.

The man in the video was telling the media that he was once romantically involved with Azul Madrideo. Si Azul diumano ang dahilan kung bakit nagkalabuan sila ng asawa. At ang dahilan nito kung bakit hindi na ito tatakbong Mayor ay dahil nanggugulo raw si Azul sa pamilya nito. He also said that Azul was a gold-digger.

Sa galit ay naibato niya ang cell phone. Ikinagulat ni Gavino ang ginawa niya.

“May problema ba?”

“Someone is trying to destroy Azul,” tiim-bagang niyang usal. “I’ll find that assh*le and I will break his jaw with my own hands!”


PAG-UWI ni Gelier ng bahay ay nanibago siya sa bumungad sa kanyang katahimikan. Kinabahan siya. Baka umalis si Azul. Baka iniwan na siya nito. Patakbo na siya ng hagdanan nang magsalita ito mula sa kusina.

“Nandito lang ako,” mahina nitong sambit, paos ang tinig.

“A-are you crying?” Oh, God, his heart was already breaking. Nakaupo si Azul sa silya at kabig ang mga tuhod sa dibdib. Ibinaba niya ang suitcase sa ibabaw ng mesa at hinila ang upuan, ipinuwesto iyon sa harap nito. He held her hands tightly. “Why are you crying, baby?”

Humikbi ito. Sumakit ang dibdib niya. Kinubkob niya ang mukha ng dalaga. Namumugto ang mga mata nito at namumula ang ilong. Looked like she had been crying for hours now. The muscles in his jaw flexed by just thinking that Azul had been crying hard while he was still in the office.

Pinahid nito ang mga luha. “Si Tilly, kailangan ko na sigurong padedehin. Sorry sa—”

“Shhhh, Tilly is okay. Ikaw ang hindi. Tell me, what happened?” tanong niya kahit parang alam na niya ang dahilan ng pag-iyak nito. Bumuntong-hininga siya. “Is it because of that assh*le?”

Marahas itong napatingin sa kanya, kagat-kagat nito ang ibabang labi. “Paano—”

“I saw the video.”

“Hindi totoo iyon! Hayop siya! Napakawalanghiya niya! Pumayag akong makipag-date sa kanya noon dahil hindi ko pa alam na may asawa at apat na anak pala siya! At hindi ko sila ginugulo ngayon! Kahit kailan ay hindi ako nanggulo sa kanila. Wala akong kinalaman sa pag-atras niya.” Suminghot ito. "Maybe he did give me expensive gifts before, pero kusang loob niyang ibinigay ang mga iyon!"

Humagulhol ito kaya kinabig niya ito at isinandal ang pisngi ng dalaga sa dibdib niya. “I never believed a single word that he said.”

“Pero kapag nalaman ng mga tao ang tungkol sa atin ay masisira ka…”

“Do I look like someone who cares about other people’s opinion? You and Tilly are all that I care about. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.” Itinaas niya ang mukha ng dalaga at ginawaran ng mainit na halik ang labi nito. “I love you, Azul.”

“Mahal din kita, Gelier.”

Mahigpit niyang niyakap ang dalaga. Sa likod ng utak niya ay iniisip na niya kung paano pagbabayarin ang lalaking sumisira sa babaeng pinakamamahal niya. Pagbabayarin niya ito nang mahal. That assh*le had no idea who he was messing with. Hindi nito kilala kung paano magalit ang isang Gelier Verratti.

Possessive 7: SECRETS (Completed)Where stories live. Discover now