Chapter 2 Room 100 Section infinity

1.9K 141 17
                                    


A.j POV


Kakatok bako? Hayst!!! Hindi na nga lang...pero kung di ako kakataok hindi ako makakapasok,e kung kakatok namn ako baka pagkapasok ko palang pagkakaguluhan nako ng mga tao sa loob...e sino ba naman ang hindi matatakot kanina kasi nung pupunta palang ako dito may narinig akong sabi sabi tungkol sa section nato.







FLASHBACK




Habang pa punta ako sa room 100 may narinig akong usap usapan ng mga ilang babae sa sulok huminto ako sa pag lalakad at nakinig sa pinag uusapan nila.



"uyy girl narinig ko kanina na meron daw nag transfer dito sa university natin."


Napalaki ako ng mata sa sinabi nung babae na yun.


"Yah..narinig ko din kanina at sa section infinity daw yung section na papasokan niya..."


Napataas namn yung kilay ko,ako bah pinag uusapan ng mga babae nato? Eh ano naman kung dun yung section ko?



"Oo nga mga girl...kung lalaki man siya kakawa siya...baka bugbug sarado na siya dun.."


Ano tong pinagsasabi nila na bugbug sarado?


"yah...pero kung babae man siya..ewan ko kung anong gagawin sakanya,ayaw pa namn ni baby kyle na merong pumasok na babae dun..pero ang swerte niya kasi siya lang yung babae dun"

Naguguluhan nako!! Ano bah talaga ang pinagsasabi ng mga babae nato?

"Wait!"

So ang ibig sabihin nila w-walang b-babae dun!!!


END OF FLASHBACK

Yan kasi A.j,sana pala hindi na lang ako naging pasaway!!! Sa lahat ng pinasokan ko ito lang talaga yung iba kasi wala akong kasamang babae!!!!!



Parang ayaw ko ng pumasok dito!! Nakakainis na talaga...sasabihin ko na lang kay kuya daniel na hindi nako mang aaway...yah!! Tama tama!!



Tatalikod na sana ako ng saktong bumukas yung pinto napatingin namn sakin yung lalaking bumukas ng pinto nagtitigan lang kaming dalawa hindi ako makagalaw sa kina tatayuan ko.


Shit kasi!! Sana kanina pako umalis!! Yan tuloy nakita ako.


"boss sinong nandiya---"


Hindi natuloy nung isa pang lalaki ang sasabihin niya ng makita niya ko,hayst ito na nga kasi yung sinasabi ko eh!! Baka anong gagawin nilang masama sakin....








































Kyle POV

"Anong oras naba? Kanina pa tayo naghihintay dito ah!! Akala ko ngayon papasok yung si asher na yun"



"Oo nga e,mukhang walang balak ata pumasok yun! Natakot siguro satin"


"Eh kung wala,pasalamat na lang tayo dahil wala ng dadagdag sa section natin,pasakit ulo lang yun"




Napairap ako sa mga pinagsasabi nitong tatlong mga unggoy nato,atat na atat makilala yung transfeere,pero kung ako lang masusunod dito ayaw kung merong papasok dito na lalaki,pero mas ayaw ko talaga ang mga babae.



Bakit ba kasi dito pa sa section namin,ang dami namang iba,nakakabwesit naman kasi!"



Tumayo ako at naglakad pa puntang pinto,lalabas muna ako ayaw kung makita yung asher na yun...

Pagbukas ko ng pinto na gulat ako sa nakita ko,isang babae ang nasa harapan ko gulat din siya ng makita ako nagtitigan lang kaming dalawa,fuck! Sino tong babae nato? Bakit siya nandito sa harapan ng classroom namin? At bakit parang may ka----hindi!! Hindi siya yun.



"boss sinong nandiya---"


Hindi na natuloy ni calvin yung sasabihin niya dahil nakita niya rin tong babae nato,sino ba kasi tong babae nato? Hindi naman siya isa sa mga fans ko bahil ngayon ko lang siya nakita dito.



"Ms.sanjose,bakit kapa nasa labas?"


Napatingin kaming tatlo kay sir albert nakakarating lang,napakunot naman yung noo ko sa sinabi ni sir albert.



Anong ibig niyang sabihin?




"oh bakit pa kayo nandito sa labas? Pumasok na kayo sa loob at i papakilala ko sa inyo ang magiging ka klase niyo!"




Napalaki yung mga mata ko sa sinabi ni sir albert,tinignan ko naman ng masama yung babae nato.



So siya pala yung asher? Kakasabi ko lang kanina na ayaw ko ng mga babae na papasok sa classroom namin!!




Pumasok na si sir albert sa room at sumunod din sakanya yung lintik na babae na yun,tinignan ko lang siya habang pumapasok sa loob ng classroom.




"Boss kyle,anong gagawin mo ngayon?"



Nilingon ko naman ka agad si calvin,tinignan ko lang siya at bumalik sa pagiging cold ang mukha at pumasok na din,ayaw ko munang may kumausap sakin,nabwebwesit ako ngayon.




pagpasok ko sa loob ng room kita ko ang pagkagulat ng lahat,except dun sa feeling president sa likod.



"Ok class good morning,so diba excited kayong makita yung transfeere? Oh ito na siya ngayon sa harapan niyo!"


Napanganga lang silang lahat,at lahat ng tingin nila sakin kasi alam nila yung ayaw ko...umirap lang ako at tinignan tong si asher nato,bakit napunta tong babae nato samin? Eh mukhang mahinhin toh!! Papaano ko naman kaya mapapaalis tong lintik nato sa room namin?



"Ms.sanjose can u tell us your fullname?"


Tinignan lang ni asher si sir alfred at hinarap niya na kaming lahat.


"Uhmm...h-hello,ako nga pala si aher june sanjose,pwede niyo kung tawaging A.j para mas maikli lang"saad ni A.j at nag bow,ang hinhin talaga nitong babae nato...


"Boss,anong gagawin mo ngayon?"


Hindi ko sinagot si calvin,alam niya naman ang gagawin bakit tatanungin niya pa ako.



"---Gaya ng dati?"


Tinignan ko siya at ngumisi,nakuha niya naman rin ang ibig kung sabihin.


"A.j,magsisisi ka na dito ka pumasok!"bulong ko at ngumisi ulit



[END OF CHAPTER 2]

I'm The Only Girl In Section Infinity (Complete)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin