Chapter 28 Tito Arnold

235 30 3
                                    

A.j POV

"Paki tulungan naman ako dito...kanina pa kayo naka upo diyan"inis kung saad sa kanila,tinignan lang naman nila ako at bumalik na sa mga ginagawa nila kanina,yumuko ako ka agad at tumawa ng mahina,pasalamat kayo kasi di ko kayo papatayin...Asan na kasi si Nick? Sabi niya dadating na siya.



"Kaya mo na yan,MALAKAS ka diba"



Sinamaan ko ng tingin si Calvin dahil sa sinabi niya,may gusto ata to'ng sabihin ehh.


Binaba ko yung tatlong box na malalaki at pumunta sa kanila,napatigil sila sa pag iinom ng hinampas ko yung lamesa.



Magsasalita na sana ako ng pinigilan ako ni Shane at hinila pa pasok sa convenience store,ng makapasok na kami ay agad naman akong umupo sa counter.



Nag aalala namang nakatingin si Shane sakin,binigyan niya ako ng tubig at ininum ko naman yun.


"Nag away bah kayo ni kyle? Init ng ulo mo."




"Diko alam,kanina pa yan siya sa bahay nila...dinatnan siguro!"saad ko.tumango lang naman siya sakin.



"Kung wala ka ng may e tatanong pwede paki sabi sa mga unggoy na yun,tumulong man sila." Umalis nako sa harap ni Shane at bumalik na dun sa mga naiwan kung kahon,padabog kung kinuha yung tatlong kahon,para marinig naman nila na nahihirapan ako...Sabi tutulong tapos.... Ahh!! Lintek na!



Pilit ko namang nilalagay yung mga kahon sa pinaka taas na cabinet,kahit nahihirapan na ko dito di nako magpapatulong...Mga bwesit talaga sila.



"Tulongan ka na namin."


Tatayo na Sana si Calvin ng pinigilan ko siya,sinenyasan ko naman siya na upo ulit.


"Salamat na lang!"


Bumalik nako sa ginagawa ko,malapit ko na naman na ma abot tuktuk , kaya salamat na lang sa tulong.



Napangiti ako ng malagay ko na sa pinaka taas yung tatlong kahon,mabuti na lang at di nahulog,mga lata ng coke pa naman lahat ng laman nun,sumandal ako sa cabinet at proud ko naman silang tinignan na kaya ko,at diko kaylangan ng tulong nila,nginitian ko naman ng nakakaloko si kyle.


"A.j!"


Nagulat ako ng sumigaw si kyle palapit sakin,napatingin naman ako sa taas ng ulo ko at mahuhulog yung mga kahon,mas lalo akong nagulat ng niyakap ako ni kyle at nagpalit kami ng pwesto,siya yung mahuhulugan ngayon ng mga lata,pinikit ko yung mga mata ko sa takot,rinig na rinig ko yung mga lata na nahulog sa likod ni kyle at alam ko na masakit yung sa likod kasi madami yun.



"Boss ayos ka lang bah?"



Dahan dahan ko namang minulat yung mga mata ko at nakita ko si kyle na nakatingin sakin, nakikita ko sa mga mata niya na pinipilit niyang maging malakas kahit na nasasaktan na siya.



"Ayos ka lang bah A.j?" Tanong niya sakin,nabalik naman ako sa realidad at umiwas ng tingin.


"Di ako si superman o si batman pero ako ang magliligtas sayo"


Nagulat ako sa sinabi ko ng may ma alala ako, mag kaparehas yung sinabi niya at ni Nick.



Kumawala na siya sa pag kayakap sakin at lumayo,hinila naman siya ng section infinity pa pasok sa storage room,napatingin ako kay Calvin ng hinila niya ako pa upo sa upoan.


I'm The Only Girl In Section Infinity (Complete)Where stories live. Discover now