12

195 82 39
                                    


"Gaga ayos ka lang? Umiiyak ka ata, eh" pang-iinis ko kay Ayo

Unti-unti n'ya akong binalingan, "Hindi, ah, napuwing lang" pagpapalusot n'ya

"Sabi mo, eh" sabay lagok sa isang baso ng wine

"Ayos ka lang na nakita siya ulit?"

"Si Ark? Hindi na ako magpapanggap, ah. Pero hindi talaga, napakasakit parin ng lahat. It feels like it's suffocating me. I hate him... I hate him for not accepting my daughter! I despise him!" Parang bata akong nagsusumbong kay Ayo. Wala akong magawa, wala— kung hindi umiyak na lang.

"Fuck you Ark! Go die! Go to die and your body will be rotten in that fucking hell!" I scream my heart out

"Fuck you! Fuck you! You ruined me, you ruined my life! You're a monster!"

Nasa upuan lang si Ayo at sa kabila ng kadiliman ay ramdam ko ang init ng titig n'ya sa akin.

Nagsimula akong sinukin kaya hinagod n'ya ang aking likod, nandito lang siya sa tabi ko at binabantayan ako

"Alam mo... kahit tanga ka mahal kita Ate Fire. Sorry, sorry dahil isa ako sa mga dahilan bakit hindi kayo kompleto ngayon. K-kung pinaalam lang namin noong una palang sa-sana buhay si Pierre, sana masaya ka ngayon. P-Patawad... patawad" nabubulol n'yang sabi, sa pagkawari ko ay parang may nababara sa lalamunan n'ya

"Huwag kang humingi ng tawad, wala kang kasalanan. It's my fault kung bakit nawala si Pierre, at sa case namin ni Ark ay labas ka narin doon. 'Wag kang humingi ng tawad"

"Kahit na kung maaga lang naming naipaalam ni ---"

"Ayo! Paano tayo uusad kung magsisisihan tayo? Hindi kita sinisisi, wala kang kasalanan kaya itigil mo na" Tumayo ako at hinarap siya

"Sarili mo naman ang sinisisi mo, kaya hindi mo parin matanggap hanggang ngayon"

"Dahil ako ang mag kasalanan! Huwag ka nang sumali pa!" napataas ang aking boses dahil sa inis

"Tama na. Paki-usap" iyon ang huling salita bago ko siya talikuran na at umakyat sa taas.

"Napakarami na ng problema ko sa buhay nakikisawsaw pa si Ayo" bulong ko sa sarili

Nang marating na ang aking kwarto ay pinihit ko na agad ito para mabuksan

Iginala ko ang mga mata sa kabuan ng kwarto. Nasa tamang pwesto ang lahat, mabuti naman.

Kinuha ko ang cellphone at ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Kay sarap magpahinga.

Agad kong binuksan ang mga messages ko at binasa ang mga 'yon

From: Xia
     Ma'am 'yong mga files po nasa drawers n'yo po. First drawer to be exact. Pirmahan n'yo po.

Xia is  one of my favorite secretary. She's kind and quite most of the time, more formal compare to others

Sunod ko namang binasa ang kay Joyce

From: Joyce
     9:00- meeting with Investors.
  Yun lang ang ma late may tae sa pwet.

Natawa ako noong nabasa iyon, bwisit na babae talagang 'yan!

That's Joyce by the way. Siya ang in charge sa mga schedule ko. She's crazy bitch.

From: Jen
  Kelan kayo dadalaw? next time na lang kaya? Vacation kami, eh. Bawi ako sa susunod. Love and hugs

Crap! Nangako nga pala akong bibisitahin siya at  ipapa check ang ngipin ni Vierre!

Kaagad akong nag reply sa kaniya na i reschedule na lang dahil naging busy ako.

Speaking of busy, hindi pa tumatawag sa akin ang bruhildang Vanilla. Napaka busy naman ata?

HIDING THE HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon