Part 2

56 2 1
                                    

Tapos na bakasyon, grade 3 na kami. Magkaklase pa rin kaming tatlo kasi nagpalipat si Inigo at si Jeila, kaya 3 na lang kami. First day sino ba naman ang hindi natutuwa kung first day of school diba. Magkatabi kami ni Althea tas meron pa siyang katabi si Jhasmine bestfriend ko rin, may crush din kay Andrei na crush din siya. Ayun na nga magkaklase kami so inaabangan ko siya, nagkita kami pero hindi niya ako pinansin. It's okay first day lang naman yan. Syempre pag may first day may seating arrangement, magkakahiwalat na rin kaming tatlo.. So sad but true haha.

Nabago pa yun after 2 days, nasa likod ko si Andrei naman si Althea sa may gilid ko, parang di kami pinaglalayo ng tadhana. Then para kaming mga hating magkakapatid, sa classroom di naman mawawala ang pasahan ng papel, siguro samin lang uso. Pasapasa kami ng papel and yun nag-a-asaran gamit ang papel dahil may tagalista ng noisy.

Dumating ang recess si Althea may Apple, sabi ni Althea "Ang panget ng lasa" pinatikim niya samin kagat muna ako sabi ko "Lasang qtics" si Andrei naman tumikim din sabi din niya "Oo nga bakit ganun lasa?" Sabi Althea "Ewan ko" tas tinapon ang mansanas. Ito talaga pinaka masakit na tawag sakin na tinawag pa sakin ni Andrei "Hotdog Yezha" pinaka nakakainis kasi nakapin pa yan sa styro, dahil sinumbong ko siya, nilagay naman ng teacher namin sa styro at nakapin.

Then nag-open ako ng account ko sa fb friend request from Andrei edi ina accept ko. Kinabukasan unang chat "hotdog yezha" eh di pa ako marunong masyado sa pagchat, kinabukasan inis ako sakanya. Then nagpalit ako ng display pic sabi ba naman sakin, pagpasok sa classroom "Palit ka ng palit ng profile pic mo" pinakelaman pa ako.

2nd quarter ng grade 3, nagkapalit lang kami ni Althea ng pwesto at si Andrei di na napalitan sa pwesto niya. Masyado kaming close kaya ang dami naming kalokohan. Di ko na nga alam kung na-a-alala pa nila lahat. So napakabait kong kaibigan, katabi kasi ni Andrei si Kristine, may crush din sa kanya. Yung mga teacher inaasar silang dalawa ako napapatawang di maintindihan.

3rd quarter, dahil sa tuwing second grading wala namang importante. Seating arrangement magkatabi sana kami kaso lang humyper ako, nalipat tuloy ako sa tabi ni Mark. Same energy as Andrei but magkaiba sila ng ugali at personality dahil we don't need to compare them. Sobrang magkaiba sila, si Mark maputi, maliit, malusog at nakakatawa, si Andrei dark, matangkad, payat at nakakatawa rin. Magkabaliktaran lang. 3rd grading hanggang 4th grading si Mark and katabi ko.

Periodical test, medyo wala namang importanteng bahagi.

To be continued

Seating Arrangement - (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora