Chapter 2

4.3K 148 6
                                    

Xerra's POV

Napatitig ako sa labas ng bahay habang umiinom nga tsaa. Malamig  pa rin ang simoy nang hangin at masyadong tahimik ang buong paligid na tipong ingay lamang na nagmumula sa mga ibon at insekto ang siyang nagbibigay nang musika ngayong umaga.

Nandito ako ngayon sa mansion ni Kuya Lust. The mansion is located in a very seculded part of Manila kaya walang makikitang bahay o building rito, kun'di nagtataasang kahoy ang makikita mo.

Alas sais pa lamang ng umaga kung kaya'y ganoon na lamang ang paligid. Hindi ako nakatulog kagabi. I felt the uneasiness especially when the plane landed here in the Philippines. Kahit pagod masyado ang aking katawan ay hindi ko mahanap ang tulog ko.

After two years ay bumalik na ako sa lugar kung saan ako isinilang. Wala pa rin namang nagbago, tulad pa rin noon. Hindi ko rin namang maikakaila na namiss ko rin ang lugar na to. I am currently staying in my brother's masion. Hindi din naman kami magtatagal, after getting what I came here for ay uuwi na agad kami sa Canada.

Binisita din namin ni Kuya kahapon si Nanay at Tatay sa sementeryo. Bumili kami nang rosas na paborito ni nanay at nagsindi ng kandila.

Napasulyap ako sa anak kong mahimbing na natutulog sa taas nang malambot na kama. Ibininaba ko ang hawak kong tasa sa taas nang mesa rito sa veranda, saka lumapit at nahiga sa tabi nya.

I caressed his hair softly. Bahagya naman itong gumalaw at sumiksik pa sa akin. I knew that he loves the feeling of combing his hair with my fingertips, tulad ng ama nya. Napansin ko na iyan noon pa nang maliit pa sya. Kung hindi na nakukuha ang tulog nya ay iyon ang ginagawa ko para mapatahan sya.

Funny to think that I carried him for nine months yet he doesn't get his face from me. Kamukhang-kamukha nya si Ram. He got his father's almond eyes, his lips, and even his brown skin. Whenever I look at him, it kept on reminding me of my husband.

I'm really sorry for not giving you a complete family, Rin pero pangako ni mama na mamahalin kita, aalagaan ng higit pa sa inaakala mo. Hindi natin kailangan ang daddy mo. Masayang-masaya na sya sa buhay nya ngayon. I bet he is happy with your step siblings.

Pasensyahan tayo Ram, subalit hindi ko hahayaang malaman mo ang tungkol kay Rin. Akin lang ang anak ko, makukuha ko rin ang gusto ko.
Makakalaya din ako sayo.

Sumulyap ako sa maliwanag na langit. Gagawin ko ang lahat makawala lang sayo Ram. Gaganti ako sa sakit na ipinaranas mo sa akin. Ibabalik ko sa iyo iyon nang doble.

----------
Magtatatlongpung minuto na akong naghihitay rito sa Lovemir cafe. Address na binigay sa akin ni Ram noong magkausap kami sa telepono noong nakaraan. I couldn't even believe that he assumed that I was his mom! Maybe her mom called first before me kaya nagkaganoon.

Hindi ko nga din inaasahang papayag sya agad-agad na magkita kami! Well pabor na rin iyon sa akin, at least hindi ko na sya hahanapin.

Pero ang lintik ay wala yatang balak na siputin ako! Like I've been waiting for half hour here! Hindi lang sya ang nasa schedule ko! Naiinis na ininom ko ang iced coffee na inorder ko kanina habang hinihintay sya. Melted na rin ang icecubes noon dahil sa tagal ng paghihintay ko.

I sigh, I stared at the brown envelope na naglalaman nang divorce papers namin. Matagal ng gawa to hinihintay ko lang ang pagkakataong handa na ako para harapin s'yang hindi nagmumukhang kawawa at lumuluha. Ipinagawa ko to noong nasa Canada pa kami sa tulong ng abogado ni Kuya.

Hindi nya ba talaga ako sisiputin? This is what he wanted right? We both wanted this, but where is he now? Mayroon ba s'yang importanteng ginagawa at nakalimutan nyang mayroon kaming usapan?

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ