21

509 25 195
                                    


"Engineer Cashcade Lyle Montage!"


Agad naman ako nagfliphair nang tawagin ako ni Cazzie nang dumating ako sa simbahan. Niyakap niya agad ako.

"OMG, grabe how long has it been?" tanong sa akin ni Cazzie. "Nakita kita nung graduation ko diba?" nakangiting tanong niya.

"Yeah, it's already four years," sabi ko at ngumiti.

"Look at you, ang ganda mo lalo" sabi niya at nginitian ako. "I invited Bree and the others kaso mga busy sila," sabi niya naman.

Umiling ako, "S'yempre, si Bree hinid pa din nakakamove-on kay Min kaya nililibang niya sarili sa pagtatrabaho. Si Trevor naman busy din pati si Trex,"

"Si Haielle?" tanong niya.

"Magsi-speaker si Haielle sa about sa technology and chuchu sa New Jersey, next week pa balik niya kaya hindi na daw siya makakahabol," pagpapaliwanag ko naman.

"Neo!" sigaw ni Cazzie kaya napalingon ako agad, and it was Neo. "Welcome," sabi niya at niyakap si Neo.

"Late na ba ako?" tanong niya.

"Wala pa, hindi pa nga nagsastart 'e," sagot naman ni Cazzie, "Laki nang inasenso mo ah," pagbibiro niya habang nakatingin kay Neo. Agad naman lumapit sa akin si Neo at inakbayan ako.

"Pinapautang ako ni Cash," pagbibiro niya pa agad ko naman siyang siniko. "Yaman 'to si Engineer 'e,"

"Gag—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang takpan ni Neo ang bunganga ko at sinenyasan ako na tumahimik.

"Orb, nasa simbahan tayo" sabi niya pa at umiling. "Oo nga pala, ba't nakayellow ka? White ang pinapasuot ni Cazzie sa mga ninang at ninong nang baby niya diba?" tanong sa akin ni Neo habang nakatingin sa suot ko na dress. "Eeksena ka ha," sabi niya at tumawa.

"Ganon talaga," sabi ko naman at tumawa.

Nandito ako sa church para mag-ninang sa baby ni Cazzie, hindi kasi ako nakaattend nang kasal niya last year ayoko naman na mamiss ko pati binyag nang anak niya. Actually ayoko magninang, wala akong pera pampamasko kaso nakakahiya tumanggi.

"Cute nang baby nila 'no?" tanong ko kay Neo habang nakatingin sa baby ni Cazzie.

"Kapag nagkababy tayo, mas cute pa d'yan 'yon," agad na banat niya kaya sinamaan ko agad siya nang tingin. "As a friend, ito naman hindi mabiro 'e" sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Mukha kang aso," sabi niya sa akin.

"Mukha kang tae nang aso," sabi ko naman sa kanya.

"Ah talaga ba?"

Nailing nalang ako, Neo and I became bestfriends na din since the incident four years ago. As in super close na kami, nagkaayos na kami nang mga kaibigan ko pero hindi ko din naman sila lagging nakakausap since masyado silang busy sa mga sariling buhay nila.

May mga jobs na din kasi sila at ganon din ako but we hangout din naman if we are not busy atleast once a month.

"Cash, picture kayo ni baby ko" sabi ni Cazzie habang hawaka ng baby niya. "Oh, buhatin mo siya," sabi niya at agad na binigay sa akin ang baby niya. "Sama ka kay Ninang Cash, madaming pera 'yan," pang-aasar pa ni Cazzie.

"Neo, oh" sabi ko kay Neo at inabot ang phone ko sa kanya, "Picture-ran mo kami nang may magawa ka," sabi ko at tumawa agad naman niya kinuha ang phone ko inikot ikot pa iyon na parang inuusisa pa ang phone ko.

Fair Winds, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon