11

974 44 0
                                    

"Tara rito! ang ganda oh tingnan mo!"



rinig kong sabi nung isang batang lalaki, tiningnan ko kung sino yung kinakausap nya, siguro kuya nya? baka, pero hindi ko na inalala yon


dahil sa kasabikan mabilis akong tumakbo para makita ang dagat, ngayon nalang uli ako nakapunta dito


hindi ko na hinintay sila kuya ba makababa sa van, dahil agad-agad ko nang inihagis ang shoulder bag kong pikachu at rubber shoes na suot, nakasuot na sakin kanina pa yung flamingo na salbabida ko, dahil nga hindi ako marunong lumangoy at sa sobrang excited kanina ko pa to suot sa biyahe palang


nagtatakbo nako sa dalampasigan, masayang masaya ako dahil buo kaming pamilya ang pupunta rito, dati kasi si kuya wala, may entrance exam ata sya nun, pero hindi ko na maalala yun weh

agad agad akong nagtatakbo sa tubig, hindi ko inaalala kung nasaan na ba akong banda at kung malalim na ba, basta ang mahalaga naeenjoy kong magpa-anod anod sa tubig,



Third person's pov


Masayang masaya si zowie dahil nakapunta uli siya sa dagat, dalampasigan lang ang habol nya ngunit tila tinatawag siya ng kristal na tubig ng dagat, kaya siya ngayo'y nasa malayo na,



mula sa kinaroroonan niya, makikita ang isang batang lalaki na kasama ang kuya niya, nag babangka sila, pinipilit kasi nung batang lalaki na makakahuli sila ng isda

Falling Out of Love [editing]Where stories live. Discover now