Famous But Unknown

81 2 0
                                    

After a 13465685 million years nakapagUD rin! Sorry guys at natagalan. Alam niyo naman na siguro ang dahilan hehe. Anyway, enjoy reading!

*****

Chapter 3

Diana's POV

"DIANA!"

Napatayo ako sa gulat nang may sumigaw ng pangalan ko. Inangat ko ang paningin ko at nakita si Nikole na nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin.

"Kanina ka pa tulala diyan. Iniisip mo pa rin ba yung lalaking 'yon?"

Napalunok ako. Totoong iniisip ko ang tinutukoy niya. Alam na rin nila na magkasama kami ni Killian kanina at hinatid niya ako. Nakuhanan pala kami ng litrato kanina at kalat na iyon sa social media.

"I'm curious Diana,", biglang saad ni Nikole at umupo sa tabi ko, "Bakit ka pumayag na magpahatid?"

Natigilan ako sa sinabi nito. Kahit ako ay nagtataka kung bakit basta basta ako pumayag, "Hindi ko rin alam."

Kumunot ang noo nito, "Hindi mo alam? Nakakapagtaka lang na pumayag kang sumama sa hindi mo kilala. Yes kaya mong labanan kung pagtangkaan ka man nang masama pero bakit ka sumama sa kaniya na parang friends kayo?"

Napakagat ako ng labi, "Ano kasi.."

"Ano?", tanong nito na may halong pagtataka.

Napabuntong hininga ako, "Parang ang gaan kasi ng loob ko sa kanya."

Napataas ang isang kilay nito, "What? Don't tell me na love at first---"

"Hindi ganon!", pagputol ko sa sinabi nito. Baka may makarinig sa'min isipin pa na totoo ang sasabihin niya.

"Eh ano?"

Huminga ako nang malalim, "Hindi ko talaga masabi kung ano, parang kaibigan ko siya noong magkasama kami."

Dahan dahang tumango si Nikole, "Mabuti naman, akala ko papalitan mo na si Caiele e."

Nakaramdam ako muli ng lungkot. Imposibleng may pumalit kay Caiele sa puso ko. Kung noong una ay bumalik ako dito para iligtas si Caiele, hanggang ngayon iyon pa rin ang layunin ko.

"Base sa itsura mo si Caiele pa rin talaga. Kaya't halina na at kumain na ng hapunan. Hanapin natin bukas ang pasilyong 'yon.", saad nito at naunang umalis.

*****

"I'm sorry Ma'am, Sir, wala po ganoon dito."

Napabuntong hininga kaming lahat sa narinig. Napagpasyahan na naming magtanong sa mga museum na napupuntahan namin at panglimang museum na itong napuntahan namin. Napahawak na lamang ako sa noo ko.

"Ano bang mayroon sa artifact na 'yon at ang hirap hanapin?", naiiritang saad ni Eros.

Napansin kong parang natigilan ang mga kasama ko. Kumunot ang noo ko nang makitang may tinititigan ito sa likod ko.

"Diana Arbellia?"

Gulat akong napatalikod nang marinig ang buong pangalan ko. Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

"Killian Prosberg?"

Ngumiti ito at tumango, "It's nice to see you again Diana."

"Ganoon rin sa'yo.", saad ko saka pilit na ngumiti.

Napansin ko namang may nahagip ang paningin nito at tumutok doon. Nilingon ko ito at nakita si Rhaine na mataray na nakatingin dito.

"Hello Miss Warfreak.", biglang bati ni Killian dito.

NAMELESS 2: SAY MY NAME (ON-HOLD)Where stories live. Discover now