Chapter 33

106K 3.1K 801
                                    

Pam

Nakita kong nagri-ring ang cellphone ko sa kitchen counter kaya nagtaas ako ng kamay sa photographer.

Napatingin naman sa' kin si Julian.

He is currently on a photoshoot session. Tumango ito sa' kin, signalling me to go on.

"Hello," I answered the call.

"Hey, can you pick me up?"

Halos maibagsak ko ang cellphone ko ng marinig ko ang boses n'ya.

"Summer!" I called her name. "Kamusta ka? Nasaan ka na? Saan ka nagpunta? Okay ka na ba ngayon?"

"Can we talk when you get here? Hindi dumating 'yong kotse ko, at ayoko namang mag-commute."

"Nasaan si Primo?" I asked her.

"Susunod, may tinatapos pang trabaho and dadaanan n'ya pa 'yong girlfriend n'ya."

"Hindi ka na gusto ng kapatid ko?! Pupuntahan kita!" I asked her dahil nakakabigla talaga!

"Medyo maraming tao rito, can you please pick me up and 'wag mo ng sabihin kahit kanino na umuwi ako, lalo na sa boss mo."

"Okay! Sige! I-send mo na lang sa' kin ang exact location mo. Magpapaalam lang ako," sabi ko at binaba n'ya na ang pagtawag.

Pagpasok ko sa loob ay kasalukuyang nagpapalit ng outfit si Julian, he agreed to be featured sa isang kilalang magazine.

"Julian, gusto kong kumain ng lasagna today."

Na-interrupt ako ng biglang lumapit si Melissa rito.

Tumingin sa kanya si Julian at ngumiti.

"We'll get one after this," sabi nito.

Gusto kong masuka pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to work for Julian dahil naka kontrata ako hanggang end of term n'ya.

"Baby is hungry." Melissa said and laugh. Napahinga ako ng malalim ng makita ang tyan n'yang hinawakan n'ya.

I think she is 4-5 months.

I bit my lip, ito siguro ang dahilan kung bakit hindi na bumalik agad si Summer.

Mag-iisang taon na halos ang lumipas simula ng mamamatay si Draven. The Ace team was tasked to bring him home to United States dahil doon nakabase ang pamilya ni Draven.

They were supposed to stay there for a month or two dahil may special mission sila doon pero ang bumalik na lang sa pinas ay 'yong tatlo. Yuki, Zeiya, and Walter. Sa pagbalik nila, hindi na nila kasama ang kapitan nila.

Hindi namin alam ang nangyari pero the last thing we heard is nag-undergo ng trial si Summer dahil nga nag fake identity siya. I wanted to go pero hindi kami hinayaan ni Yuki saying mas mapapahamak lang si Summer and that General Del Mundo and Dr. Scottfield will take care of her.

Primo followed her to US pero hindi siya nagbabalita ng kahit ano tungkol kay Summer. Masyado iyong loyal sa alaga ko kaya kahit nagkakausap kami, hindi siya nagsasabi sa' kin about Summer.

'Yon na ang huling balitang narinig ko sa kanya not until three months ago wherein Summer sent their annulment papers at dahil makapangyarihang tao sila parehas, it was smooth. They were annuled in a month.

She is no longer Mrs. Grayson.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa after nung mag bakasyon sila at na ambush ang Ace Team at ang Presidente. Hindi ko matanong si Summer dahil wala kaming communication, at si Julian naman ay iniiwasang pag-usapan siya at nangyari sa kanila.

THE PRESIDENT'S WIFE (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now