Chapter 36

113K 3.1K 783
                                    

Julian

"Summer," I called her name again dahil hanggang ngayon ay hindi siya makaharap sa' kin.

She's acting really weird.

Huminga siya ng malalim at dahan-dahang humarap sa' kin.

Naging sunod-sunod ang paglunok ko ng makita ang pamilyar n'yang ngiti.

She is still the most beautiful woman for me pero kusang huminto ako sa paghinga ng maglapat ang tingin ko sa tyan n'ya.

"Y-you're pregnant." Hindi ko alam pero kabang-kaba ako ng oras na iyon. Halos hindi ako makarinig ng maayos sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"I am, Julian." She smiled at me at hinawakan ang tiyan n'ya.

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng paghinga ko. This is much worse than waiting for the election result.

"H-how long?" I gather all my courage to ask.

Kinakabahan ako, is it my child?

"Six months," she answered.

Hindi ako agad nakasagot, 6 months? She was gone for 8-9 months. That was the last time I saw her.

Her womb is a bit bigger for 6 months but too small for a full-term pregnancy and I wanted to beg her at this moment that she should tell me that this is our baby.

Pinanghinaan ako ng loob. I wanted to touch her pero ano pa bang karapatan ko sa kanya? Pumayag akong iwan n'ya ko, pumayag akong mawala siya sa buhay ko.

How can I ask her to stay and choose me? She will have a family of her own.

Ganoon lang ba kadali para sa kanya na kalimutan ang lahat?

I cleared my throat at saglit na nag-iwas ng tingin sa kanya. I am really hoping na hindi ako mukhang tanga sa harapan n'ya ngayon.

Muli ko siyang binalingan ng tingin, this time nakatingin na siya sa sapatos n'ya kaya mas natititigan ko siya.

Sya talaga 'yong nasa shop kanina and she was buying baby's stuff. So Primo was lying! Maybe siya 'yong tinutukoy n'yang asawa ni Summer.

"You married Primo?" I asked her, tumingin siya sa mata ko.

She smiled a little.

"Are we really gonna talk about me?"

She married him! Hindi man n'ya ko sinagot ay nagawa akong sagutin ng utak ko.

"Congratulations then," sabi ko at pilit na ngumiti.

"Congratulations too! I heard magkaka-baby na kayo ni Melissa. I knew it, para kayo sa isa't isa."

Nawala ang ngiti sa mukha n'ya pero sinasalubong ako ng tingin n'ya.

"Thanks." 'yon na lang ang sinagot ko.

It is better for her not to know the truth. Ayoko namang kaawaan n'ya ko ngayon. Isipin na lang n'ya na magkakaroon din ako ng masayang pamilya at hindi ang katotohanang hinihintay ko siya...na I wanted to start from the beginning.

🎶I fell by the wayside like everyone else
I hate you, I hate you, I hate you, but I was just kidding myself

Our every moment, I start to replace
'Cause now that they're gone, all I hear are the words that I needed to say

When you hurt under the surface
Like troubled water running cold
Well, time can heal, but this won't🎶

THE PRESIDENT'S WIFE (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now