Chapter 3

117 16 59
                                    

"Saan ka pupunta?" ate asked when she saw me down the stairs.

"Aalis."

"May ka date ka ano? Iyong lalaki ba na naghatid sayo noong nakaraang gabi?" chismosa talaga. "Sige papayag ako, basta maka move-on ka lang do'n sa ex mong walang kwenta," dagdag pa ni ate. Ang aga-aga ang ingay na ni ate!

May kwenta naman siya sadyang ganiyan lang talaga ang ibang tao.

"Kailan daw babalik sila Mama at Papa?" pag iiba ko sa usapan.

Tatlong araw na noong huling pagkikita namin ni Damian kaya naisipan naming dalawa na gumala or what. Lagi kaming mag ka-chat since we're friends naman na.

"Walang sinabe eh. Siguro mamaya?" ngumuso siya at nagkibit balikat. Kumakain siya ng sinangag na gawa ko kanina. Napaaga kasi ang gising ko kanina kaya nagluto na rin ako.

"Alis na ako!" paalam ko sa kaniya.

"Umuwi ka na ng mga alas dose ng gabi!" sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga ang pangit maging kapatid nitong si ate.

"Alas otso dapat nandito kana ah!" biglang bawi niya sa kaniyang sinabi kanina nang nasa labas na ako.

"Aalis ka na?" tanong ni manang sa akin ng maabutan ko siya sa may labas ng bahay na nag didilig.

"Opo."

"Saan kayo pupunta?" malapad ang ngiti ni manang. Hala!

"Kami nino po, Manang?" litong tanong ko.

"Sino pa ba..." nang aasar niya akong tinignan. "Iyong kasama mo noong isang gabi ang kasama mo ngayon hindi ba?" paano ba nila ate nalalaman 'yon? Kailan pa sila nagkaroon ng superpowers?

"Nariyan na pala siya. Mukhang susunduin ka rin ata." She looked behind me. May kumalabit sa akin kaya humarap ako sa taong kumalabit sa akin.

"I told you I'll just walk." napakamot ako sa aking noo.

"I told you I'll pick you up, didn't I?" panggagaya niya.

"Manang Ester, ihahatid ko na lang po siya mamaya," paalam niya kay Manang.

Manang nodded, "Inagatan mo siya."

Kinuha niya ang kamay ko para makasabay sa kaniya. We stopped in front of the car. Sure naman akong kaniya 'to.

"May driver?" tanong ko.

"Ako," turo niya sa sarili.

"Puwede ba 'yon?" taka kong tanong. Natawa siya.

"Yup, besides more like province ito kaya hindi naman masyadong marami ang mga sasakyan. And also I have a student license." binuksan niya ang pintuan ng sasakyan para makapasok ako.

My Own Sunset (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon