Chapter 16

38 3 0
                                    

"Kumusta exam?" tanong ni Ate na
kauuwi pa lang galing sa school nang madatnan kami nina Mama sa kusina na kumakain.

"Ayon piniga utak ko." sagot ko saka ako kumagat ng apple. Kumuha ako ng plato saka inilapag sa harapan ni Ate at naglagay ng apple na slice na.

"Binilhan kita ng condo sa manila, Aetrish," sabi ni Mama kay Ate.

Si Manang naman ay naka-alalay kay Mama habang nagluluto. Sa susunod na araw ay babalik na naman ulit silang dalawa ni Papa sa Manila para muling mag trabaho pero saglit lang si Papa, mga dalawang araw lang.

"Omg! I love you, Ma." yumakap si Ate kay Mama at hinalikan ito sa noo. Hinila niya pa ako at niyakap din.

"Gosh, Ate!" pag iinarte ko at nag kunwari pang pinapagpagan ang katawan.

"Arte mo po!" pang-aasar niya pero niyakap ko rin siya pabalik.

Natawa kami nang marinig ang boses ni Papa. "Ah sige, kinalimutan niyo na ako. Okay. bye..." kunwaring aalis na si Papa nang agad din siyang humarap at lumapit sa amin dahilan para paluin siya ni Mama sa balikat.

"Gabi na, nasaan na si Hans?" paghahanap ni Mama kay Hans.

"Nag basketball lang po, Ma." sinabi ko na lang kahit na hindi. Patay nagsinungaling ako kay mamski.

Kanina ko pa napapansin ang pagkatulala ni Hans pero isiniwalang bahala ko lang iyon kanina dahil akala ko ay okay lang siya pero nang ma kompirma ko ito ngayon-ngayon lang ay napaisip ako.
May problema ata siya at sigurado akong hindi siya okay.

Nagsimula na kaming magsikain dahil wala pa rin si Hans. Tinirahan na lang siya ng ulam ni Papa dahil kailangan niyang kumain bago matulog. Hindi puwedeng hindi makakain 'yon dahil baka biglang atakihin ng sakit iyon sa tiyan kapag nagpalipas ng gutom.

Tumawag ako kay Damian pagka-akyat ko sa kuwarto. Humiga ako saka niyakap ang unan. "Good Evening, love!" I greeted him when he answered my call.

"Late na ah. Bakit hindi ka pa rin natutulog?" iyon ang tanong niya pag katapos ko siyang batiin.

Napakamot ako sa sentido ko. "Eleven pa lang naman ng gabi," bulong ko.

Eleven na at wala pa rin si Hans kaya talagang hinihintay ko siyang umuwi at kapag hindi pa siya umuwi magtatawag na talaga ako ng pulis.

"Nakita mo ba si Hans kanina?" tanong ko sa mahinang tono.

"Hindi," diretsahang sagot niya. Naririnig ko sa kabilang linya na may kausap siyang katulong nila. "Pero naglakad siya papuntang court kanina noong papunta tayo sa tambayan natin." napangiti ako ng tawagin niyang tambayan ang dagat kung saan una kaming nagkita at kung saan ko siya unang sinagot.

Magsasalita na sana ako nang may narinig akong bukas ng pinto. "Nandito na ata siya," pagsabi ko sa kaniya.

"Okay, matulog kana kapag tapos mo na siyang kausapin. Good night, love," sabi niya at napakagat labi na lang ako. Pinatay niya na ang tawag kaya naman umalis ako sa pagkaka-yakap ko sa aking unan.

Sigurado akong kay Hans iyon dahil hindi naman binubuksan ni Ate ang pinto niya tuwing gabi dahil sigurado akong nag aaral iyon. Kaya dali-dali akong nagsuot ng tsinelas at binuksan ang pinto ng kuwarto ko. Naabutan kong isisirado na sana ni Hans ang pinto niya kaya pinigilan ko ito.

My Own Sunset (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now