Chapter 10

66 10 32
                                    

Bumangon na ako sa higaan dahil unang araw ng klase na namin ngayon. Ayaw ko kayang ma-late sa first class ko. Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang aking buhok bago isuot ang uniform.

Naisipan ko na pa-bun na lang ang tali ko ngayon dahil mukhang pagpapawisan ako sa room. Ang blouse uniform namin ay simple white na may kasama ng school patch. May tie rin kami. Bago lumabas ng kuwarto kinuha ko ang bag kong itim sa may table. Naihanda ko na halos ng kailangan para sa unang araw ng klase.

"Good morning, Ma!" magiliw kong sigaw mula dito sa sala.

Naabutan ko siyang nagkakape na sa hapag kaya naman ay nilapitan ko siya at hinalikan sa noo. Naupo ako sa tabi niya. Inabutan ako ni Ate Mae ng pagkain sa lamesa kaya nagsimula na akong kumain may thirty minutes pa naman bago ang unang klase.

Matatapos na akong kumain nang lumabas si Hans galing sa room niya. Nakasukbit ang isang strap ng kaniyang bag sa balikat at ang magulo niyang buhok ang una kong napansin.

"Hindi ka ba marunong magsuklay?" agad kong puna.

Kinuha ko ang suklay sa sala at binigay iyon sa kaniya. Nagsimula na siyang kumain. Mukhang antok pa ang tukmol dahil halata naman sa papikit pikit nitong mata. Nag laro 'to ng mobile legends for sure.

"Ikaw, nagsusuklay ka ba?" pang aasar niya.

Siyempre hindi ako nagsuklay, ang sakit kaya! At saka straight naman ang buhok ko kapag natuyo na ito. Mamaya na lang ako magsusuklay. Hindi ko na lamang pintulan pa si Hans at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Mga seven-thirty pa lang ng umaga at alas otso ang oras ng klase namin. Kaya tantiya ko mga alas dose pa matutuyo ang buhok ko.

Kapal eh!

Kasing kapal ng pagmumukha ko.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay at naghintay na lang sa sala. Sabay daw kaming papasok sabi niya kahapon sa akin. Parehas kami ng school, floor ng room pero hindi kami magkaklase sa taong ito.

"Tara na!" aya niya sa akin matapos niyang lumabas sa dining. Kaya naman isinukbit ko na sa isang balikat ang isang strap ng bag ko at lumabas na.

Pinuntahan ko muna ang mga aso at pi-nat sila isa-isa sa ulo. Nginitian ko sila at tumayo na dahilan para umalis ulit sila sa puwesto at pumasok sa bahay.

Ako ang unang pumasok sa sasakyan, saka siya sumunod habang katawagan ang girlfriend niya sa telepono.

Malapit lang naman ang school namin kaya nakarating ka agad kami. Sabay naming binuksan ni Hans ang pintuan ng sasakyan sa magkabilang gilid saka lumabas.

Namataan ko na sa may gate si Damian kasama ang mga kaibigan niya. Kumaway ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Ngumiti siya ng malapad habang hinihintay akong makalapit. Kaya naglakad ako papalapit sa kaniya habang si Hans naman ay halos hindi na makaalis sa puwesto niya dahil pinagkakaguluhan na ng mga kababaihan. Kaya bumalik ulit ako sa kaniya at hinila siya para makaalis sa mga babaeng nagkakagulo.

"Good morning, love!" bati ni Damian sa akin nang makalapit kami ni Hans sa kanila.

Ngumiti ako para hindi maipahalatang kinikilig ako sa simpleng bati niya.

Jowa ko na ito?

As in?

Hindi pa rin ako makamove-on na mag on na kaming dalawa ngayon. Lumapit sa akin si Damian at hinapit ang bewang ko dahilan para marinig ko ang tili ng ibang nakakakita sa amin.

"Good morning din!"

Siniko ako ni Hans at kita ko ang nakakaloko niyang ngiti dahilan para paluin ko siya ng malakas sa braso niya. Napa-aray naman siya dahil doon. Siraulo talaga!

My Own Sunset (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon