Chapter 16: Enrollment
Sabrina's P.O.V
Kakauwi palang namin ng Tenement at sinalubong naman kami nila Tita Cassandra kanina kung maayos naba ang lagay ko.
Alam kong hindi naman masyadong malala ang tama ko at mabuti nalang hindi ako nagka pasa sa mukha.
Naka higa na ako dito sa kama ko. Nakaharap ako sa kisame at nag iisip.
"Sabrina, just chill. It's all right" pagpapagaan ko sa sarili ko. Bakit kasi palagi ko nalang napapaginipan ay tungkol sa mga lobo at bampira?
Lumabas nalang ako ng kwarto namin para uminom ng tubig. Abala silang lahat ha. Ano kaya yun?
"Girls, abala yata kayo? " Tanong ko sa kanila habang umiinom ng tubig.
"Malapit na diba ang pasukan." Ani Cail habang abala sa pag-kakakalikot ng phone nya
"So?" I asked.
"So, hindi pa tayo nakapag pa-enroll. Like next month na talaga ang pasukan."
Shit lang. Akala ko pa naman wala na kaming problema. Nakalimutan ko pala ang enrollment.
"Oo nga! Saan ba tayo this year?" Tanong ko at umupo sa tabi nya.
"Wait, naghahanap pa kasi ako."
Sana lang talaga makahanap na agad kami ng University na hindi naman masyadong mahal ang tuition.
"Girls! Tingnan nyo to dali!" Tawag sa amin ni Layt.
Lumapit naman kami sa kanya at ipinakita nya yung screen ng phone nya.
"Manila International School or MIS. Open for enrollment anytime you want. All you need is to kindly fill up the forms and submit your files... We're delighted to educate you at all cost." Basa ni Cail.
"So, ano na guys. Pwede tayo dito nalang mag aral." Exited na tugon ni Layt. Pwede nga naman.
"Magkano ba ang tuition?"
"Wait, tingnan ko."
Binasa nya ulit ito at nag antay kami ng tugon nya "Twenty thousands pesos kada semester. Saka libre na ang mga libro."
"Talaga? Tingnan mo pa nga ulit kung kailan ang enrollment." Tanong ulit ni Cail.
"For senior-high-school students... Saturday and Sunday." Bukas na yun ha.
"Bukas na. Ihanda nyo na girls lahat ng mga documents nyo. Aalis na tayo bukas."
Lahat sila ay sobrang bibilis kumilos habang ako, lakad zombie lang. Sa totoo lang, hindi pa ako handa para dyan. Ngunit, kailangan. Tumatanda na nga ako. Malapit na ako nang legal age.
Pumunta nalang ako sa kama ko at nahiga. "Bakit naka higa ka pa dyan Sab. May iba ka pa bang nararamdam?" Tanong sa akin ni Kim. Tumingin naman ako sa kanya.
"Wala naman." At bumaling ulit ako sa taas ng kisame.
"Ayos ka lang ba?"
Tumango naman ako. "Syempre naman." At umupo na muna ako sa kama ko.
"Sige, basta huwag kang mahihiyang mag sabi sa amin ng mga problema mo Sab. I'm always here for you." She said so I reached her arms and hug her.
"Thanks," I said softly.
"Mag aayos na ako ng mga gamit na dadalhin ko bukas. Mag ayos kana rin."
Napatango naman ako. Kinuha ko na muna yung phone ko. Matagal ko na rin pala itong hindi ginagamit. Baka may mga messages pa akong hindi pa nababasa.
BINABASA MO ANG
Strange Love (Vampire Series #1)
VampireThey say vampires and werewolves are only in fiction. Yeah I agree with it but some still believes with those fantasies. But all of those mystery things that happens in my surroundings makes me starting to believe with them. Thinking of it I even ha...