Chapter 22: Are you reading my mind?!
Sabrina's P.O.V.
Weare now entering the Life Science room. Thank God dahil Margo 'The Queen Bee' and I are no longer classmates in LS. Salamat talaga.
"Good Morning Class!" Magiliw na bati sa amin ni 'tong professor namin sa Life Science..
"Good Morning Sir." We said.
"I'm Mr. Joshua Hener and I will be your lecturer in Life Science, did you get it class?"
"Yes Sir."
"Ang tamlay naman. Wala ba kayong energy? Lakasan nyo pa nga para magising na yung mga tulog pa dyan." Aniya at tumingin sa likod.
Yung isang kasama ni Mateo kasi ay tulog. Papalapit naman si Sir sa kanya.
"Hay, mga estudyante nga ngayon. Palaging puyat. Pinuyat pero hindi jinowa. Hahaha." anong pinagsasabi ng isip ko? Ganyan talaga pag NBSB.
"Would you shut up? May natutulog dito." I heard a deep voice from my mind. WTF?!
"Wait who is this guy who suddenly speaks in my mind?" I asked, still in my mind.
"I said shut up." Mahinahon nitong sabi sa isipan ko. Ano to? Communicate with my mind lang?
"Sino ka ba?"
"Look behind you" wika ni 'to.
Tumingin naman ako sa likuran ko at kitang kita ko kung kagano ka lamig ang tingin nya sa akin. What's his problem ba? Galit lang?
Kinakausap rin pala sya ni Sir. Hindi nya ba naririnig?
"Syempre, naririnig ko." Aish. Lahat nalang ng sinasabi ko sa isipan ko naririnig nya!
"Stop reading or talking to me with my mind! Mababaliw ako nito!" Sabi ko at ipinatong ang ulo ko sa mesa.
Wala na akong naririnig pang mga salita sa isipan ko kaya naging kalmado narin ang isip ko.
"Phew."
Bumalik na si Prof. sa unahan at kagaya nga ng sa akin kanina, warning pa lang daw yun. Alam nang may pasok natutulog.
*Bell rings!
"You know what Sab, nag enjoy ako sa pag turo ni Sir kanina. Hindi gaya ng ibang mga professor. Boring." Kim said while arranging her things.
"Yeah. Mula ngayon, masasabi ko nang I love science. Hahaha." at nag tawanan nalang kami.
Tumingin naman ako sa pwesto ni Mr. Sleepyhead. At ayun, tulog nanaman. Mas grabe naman yung passion nya sa pagtulog kaysa sa akin.
Nag lalakad na kami pababa ng hagdan. Lunch break na kaya mag kikita kita nalang daw kami nila Cail sa labas ng gate.
"Hurry up and walk faster. My boyfriends are coming!" Sigaw sa amin nitong dalawang babae. Hindi po kami bingi.
Gumilid nalang kami ni Kim dahil ayaw naman namin ng gulo. Boyfriend nya daw tapos parang bodyguard kung umasta.
Napansin ko naman na wala nang baba pa kaya tumuloy na kami ni Kim sa paglalakad.
"You know what Sab. They have no respect for their fellow students. Nag sisimula nang uminit ang ulo ko sa kanila!" Galit na galit? Parehas lang tayo Kim.
"Yes. They are super—"
*Boooooghhh! Blaaaaamm! Tadyak anywhere!
"Psh. Napaka clumsy mo talaga Sabrina." Sya nanaman! Mateo the freaking mag nanakaw ng libro.
Hindi ko nalang sya pinansin dahil pag mas lalo ko syang pinansin, baka magalit naman sa akin yung mga fans nya.
And wait. Where's Kim?!
Luminga linga naman ako sa paligid."KimLei!" Pag sisigaw ko. Sana naman narinig nya ako.
"Kim— Hoy! Andyan kalang pala." Sabi ko sa kanya sabay tapik ng likod nya.
"Ohh, Sab. Sorry kong napahiwalay ako. Yung mga fans kasi nung tatlo, pinagtutulak ako kaya ayun naha—" Sabay hawak nya sa bibig nya. What is it?
"Na what?" I asked her with a curious look.
"Nahahalo na ang nararamdaman ko. Hehehe."
I just shook my head and we just went out of the gate.
"Cail! Layt!" Tawag ko sa kanilang dalawa.
"Hey, guys!" At nag yakapan naman kami.
"Where are we going to eat?"
"Uhmm, may narinig akong usapan na may malapit daw na Mall dito. Doon nalang tayo kumain" sabi ni Layt. Sumangayon naman kaming lahat at pumunta na doon.
"Aba't napaka chismosa mo naman ilaw." Sabi ni Cail. Tinagalog pa talaga yung name ni Light.
"Aba't narinig ko lang naman, Ares." Bigla namang napatigil sa paglalakad si Cail at tinitigan si Layt ng matagal. Hay, ito nanaman.
"Diba sabi ko huwag mo 'kong tatawaging Ares..." Ugh, shit... Here we go again...
"What did I say to you that don't Tagalog my name." Ayan, nag English na si ilaw
I can feel the tension between these two. Walang kurapan. Parang mga timang naman 'to. Kung saan nagugutom na ako, dun pa sila nag away.
"Ohh, come on! Gutom na ako guys. Kanina pang walang kumukurap sa inyong dalawa." Saway ko. Napatingin naman sa akin si Cail.
"Oh, sorry—"
"You blink Cail! So it means, ililibre mo ako ng lunch ko ngayon." Biglang sabat ni Layt. What are they talking about?
"Tss, ang daya. Tara na nga." At nauna nang umalis si Cail.
Patawa-tawa naman ni Layt sa gilid namin while me and Kim parang na estestatwa na. Wala kasi kaming alam sa mga nangyari ngayon. Mga timang talaga.
———
"Salamat sa pagkain." Ani Layt na nauna na ngang kumain. Napansin ko naman si Cail na parang naiinis. Gosh, ganun pala yung game nila.
Ganito kasi yun, pag-tinagalog ni Cail ang name ni Layt which means Light talaga. Then pagtinawag naman ni Layt si Cail sa name nyang Ares, doon na silang dalawa nagtatalo.
Wala naman kaming pagkaalam dun sa game nila dahil Hindi naman namin sila tinatawag sa kahit anong name or so.
At pag nag-talo na saw silang dalawa doon na magsisimula ang laban na ang tawag ay never blink or your be sorry.
Hays, mga paandar talaga nitong dalawa, walastik!
"About pala doon sa incident mo kanina Cail, may lead ka na ba kung nasaan na yung gumawa nyan sa'yo?" I asked. I'm just curious.
Uminom na muna sya ng tubig. "Wala pa. Saka, bigla namang hindi nagpakita yung mga duwag na yun."
Napatango naman ako.
"What do you mean na hindi na sila nagpakita? Bawal diba lumabas ng school without permission sa mga ganung oras." Kim said. She has a point too.
Nakapagtataka nga lang. Hindi naman nila kanyang akyatin yung wall ng MIS para makatakas.
"Ewan, sa pagkakatanda ko lang ay may isang boses na lalaki ang narinig ko bago ako mahimatay."
Lalaki? Sino naman kaya yun? Nakapagtataka lang na sa tuwing nakalugay kami sa panganib ay palaging may isang tao'ng nagliligtas sa amin.
Hindi kaya totoo ang mga superhero? Like duh, sa palabas oo pero hero narin ang tawag sa mga tao'ng tumutulong o nagliligtas sa atin sa panganib.
What a coincidence right?
BINABASA MO ANG
Strange Love (Vampire Series #1)
VampireThey say vampires and werewolves are only in fiction. Yeah I agree with it but some still believes with those fantasies. But all of those mystery things that happens in my surroundings makes me starting to believe with them. Thinking of it I even ha...