CHAPTER 6

62.5K 1.4K 168
                                    

Isabel's POV

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Isabel? Baka magbago pa ang isip mo, sabihan mo lang ako besprend ha," tanong sa akin ni Denise habang inaayos ang zipper sa likuran ng pulang mini dress na ipinahiram niya sa akin.

Tango na lamang ang tanging naitugon ko sa kaniya bago muling pinagmasdan ang sarili sa salamin. Pinasadahan ko ng isang mabilis na sulyap ang aking repleksyon. Kitang kita ang aking makinis at maputing hita dahil sa maiksing dress. Dahil sa disenyo nito, ang aking malulusog na dibdib ay lantad na lantad. Maging ang aking likod ay nakabulatlat dahil ang mahaba kong buhok ay nakapusod.

This red deep v strappy asymmetric hem wrap bodycon mini dress suits me. Kumumpleto sa aking suot ang isang pares ng kulay itim na pointed heels na may humigit kumulang na dalawang pulgada ang taas. Inaamin kong bumagay sa akin ang munting telang nabili ni Tiya Rosa sa ukay-ukay ngunit hindi ako komportable sa pagsusuot dito.

Takaw pansin ito sa mata ng mga lalaki. Paano ko nasabi? Nahuli ko ang isang binatang kapitbahay namin na nakasilip sa bintana habang isinusuot ko ito kanina. Sinigawan ko ito atsaka dali-daling isinara ang bintana sa kwarto.

Kinakabahan ako. Andito pa lamang ako sa bahay ngunit tila nakakaramdam na akong may mangyayaring masama mamaya pero kailangan kong gawin ang bagay na ito dahil si Itay naman ang malalagay sa alanganin kapag hindi pa ako makahagilap agad ng pera para sa operasyon niya.

Matagal na panahon na ang iginugol ng Tatay sa pagsasakripisyo para sa amin. Ngayon, panahon na para ako naman ang gumawa nito para sa kaniya.

Ilang sandali pa ay nilisan namin ni Denise ang bahay. Nauna na si Tiya Rosa kung kaya't siya lamang ang kasama ko. Lulan kami ngayon ng traysikel at kasalukuyang papunta sa lugar na iyon. Hindi ako mapakali at maya't maya ang ginagawa kong paghila sa laylayan ng piraso ng tela na suot ko ngunit sa bawat paghilang ginagawa ko dito ay lalong nalalantad ang aking dibdib.

Malamig naman nang mga sandaling iyon ngunit ang mga butil ng pawis ay hindi mapigilan ang pag-agos sa aking pisngi. Ang make-up na inilagay ni denise ay unti-unting nababasa dahil dito. Napansin ng aking matalik na kaibigan ang aking pagkabalisa. Hinawakan niya ang aking kamay at hinaplos ito.

"Huwag ka mag-alala, sa una lang iyan. Masasanay ka din," wika niya habang pinapahid ang pawis sa mukha ko.

"Para kay Tatay," iyan na lamang ang naibulong ko sa hangin atsaka ipinikit ang mga mata upang ikalma ang sarili.

Nagising ako sa dahil sa pagyugyog ni Denise sa aking balikat. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako sa byahe patungo dito sa lugar. May kalayuan din kasi ito sa bahay na tinutuluyan namin.

Sumunod ako kay Denise na ngayon ay kasalukuyang naglalakad papasok sa isang eskinita. Maganda din si Denise at bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang sexy dress na kulay ginto. Kumikinang ang mga ito sa tuwing natatapatan ng liwanag. Confident siya habang suot ito. Ang bawat paghakbang niya ay nagdudulot ng pagkembot ng kaniyang balakang at ang sexy niyang tingnan habang ginagawa ito.

Habang naglalakad, nakarinig kami ng mga sipol mula sa mga kalalakihang nakatambay sa gilid ng kalsada. Mga bastos. Ang ilan ay sinisitsitan pa kami upang matawag ang aming pansin na nagdulot sa akin ng labis na pagkairita.

Hindi dahil sa nakasuot kami ng ganito ay gusto na naming mabastos. Hindi ang suot ng mga kababaihan ang magdidikta upang bastusin kami.

Pansin ni Denise ang pagkainis ko sa mga iyon at akmang huhubadin ko na ang suot kong takong upang ibato sa kanila nang pigilan ako ni Denise.

"Tangina kasi eh," wika ko kay Denise bago mabilis na nagpatiuna upang makalayo sa mga bastos na nilalang na iyon.

Natigilan ako nang makarating sa tapat ng pupuntahan namin. Ang maliit at lumang establishementong tutulong sa akin upang kumita ng pera. Kung natanggap lamang sana ako sa mga inaplayan ko nitong nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na sana kailangang pumasok sa lugar na ito.

BDSM (Billionaire's Den:Stripping Maiden) | PUBLISHED UNDER PIP Where stories live. Discover now