CHAPTER 24

38.8K 1K 346
                                    

Third Person's POV

Nabigla si Isabel sa mga sinabi ng anak. Nanumbalik sa isipan niya ang mga masasakit na salitang binitaan niya kay Xavier nang makita niya ito. Malaki ang utang na loob niya dito.

Iniligtas nito ang anak niya. Iniligtas ni Xavier ang anak nila. Kung nagkataong wala si Xavier sa lugar, marahil ay may masama nang nangyari kay Chuckie.

Isa lamang ang tumatakbo sa isip ng dalaga nang mga sandaling iyon, ang pasalamatan si Xavier at humingi ng tawad dito.

Ilang sandali pa ay nakatulog si Isabel habang binabantayan ang anak. Habang nakayakap siya sa anak at payapang natutulog, unti-unting bumukas ang pinto ng silid.

Iniluwa nito si Xavier, magulo ang buhok, mugto ang mga mata dahil sa labis na pag-iyak, maputla ang labi dahil sa sinat at may pasa ang kanang pisngi dahil sa suntok na natamo mula kay Kenjie.

Dahan-dahang lumapit si Xavier sa dalawa, pinagmasdan niya ang mag-inang nahihimbing sa kalaliman ng gabi. Nang isugod sa ospital si Chuckie, mabilis na sumunod si Xavier upang masiguro ang kaligtasan ng bata.

~~~

Hindi siya nagpakita sa mag-ina kagaya ng huling wika ni Isabel. Naiintindihan niya ito dahil bilang magulang, ganun din ang mararamdaman niya kung sakaling mapunta sa ganoong sitwasyon ang anak niya.

Habang nakikita niya mula sa malayong parte ng ospital si Isabel na hindi mapakali, paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili niya. Hindi niya kakayanin kung sakaling may mangyaring masama sa bata. Kung sana ay maaga niyang nahanap ang bata, hindi ito mawawalan ng malay at malalagay sa alanganin.

"I seldomly prayed but please... If ever you're real. Save the child. Save Chuckie. That's all that I will ask for you," usal ni Xavier habang hawak-hawak ang card na binigay sa kaniya ng bata noong nasa park pa lamang sila.

Maging ang mga mata niya ay napagod na sa paglalabas ng likido kung kaya't mahihinang hikbi ang lumalabas sa kaniyang mga bibig nang mga sandaling iyon.

Hindi na niya kakayanin na biguin ang isang taong naniniwala sa kaniya. Nawala na si Conrad, hindi na siya makapapayag na mawala si Chuckie.

~~~

Hinaplos niya ang pisngi ni Isabel kagaya ng dati niyang ginagawa. Tulad ng dati, hindi niya maalis ang tingin sa maamo nitong mukha. Ang inosenteng mukhang nakakapagdulot ng panlalambot ng kaniyang tuhod at pagbilis ng tibok ng kaniyang dibdib.

Sunod niyang ibinaling ang tingin sa batang yakap ni Isabel. Kagaya ng ina nito, napakaamo ng itsura nito habng natutulog, malayo sa masungit nitong imahe kapag gising ito.

Napangiti si Xavier nang makitang ligtas ang bata. Pinahid niya ang mga tumutulong luha sa kaniyang pisngi. Inilapit niya ang mukha sa bata, hinalikan niya ang noo nito.

Ilang minuto niyang tinitigan ang mag-ina. Sinusulit niya ang pagkakataong makikita pa niya ito nang malapitan. Kagaya ng hiling sa kaniya ni Isabel, handa na siyang hindi magpakita sa dalawa. Mananatili siyang nakakubli sa dilim at hindi na muli pang magpapakita sa dalawa.

Napangiti ng mapakla si Xavier. Gustuhin man niyang manatili sa ganoong posisyon, alam niyang anumang oras mula sa sandaling iyon, darating si Kenjie at hindi maaaring makita siya nito.

"If I can only stop the time, I'd spent my whole life like this," huling wika ni Xavier habang inilalapag sa mesa ng silid ni Chuckie ang isang piraso ng rosas at isang Chuckie para sa mag-ina.

Sa huling pagkakataon, muli niyang sinulyapan ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya. Umiiyak niyang isinara ang pinto ng silid at tuluyang naglakad palayo.

Nakakailang hakbang pa lamang siya palayo sa silid nang matigilan siya. Hindi niya kayang malayo sa mag-ina. Alam niyang mali iyon ngunit sa pagkakataong ito ay gagawin na niya ang bagay na dapat noong una pa niya ginawa.

Ilalaban niya si Isabel kahit na may asawa na ito.

Tumakbo siya pabalik sa silid nang mabigla siya sa nakita. Hindi niya inasahan ang mga sunod na pangyayari.

Bumukas ang pinto ng silid at inuluwa niyon si Isabel habang tumatakbo din papunta sa kaniya.

Sinalubong niya ang tumatakbong dalaga at nang magkalapit na silang dalawa, niyakap ito ni Xavier nang mahigpit. Niyakap siya pabalik ni Isabel. Dumaloy ang luha sa mata nilang dalawa at tumagal ng ilang minuto ang yakap na iyon.

Walang may balak magsalita. Tanging sa yakap naiparamdam ng dalawa ang labis na pangungulila sa isa't isa. Tila bumagal ang ikot ng mundo nang mga sandaling iyon na para bang silang dalawa lamang ang naroroon, binabaw ang mga panahong hindi nakasama ang isa't isa.

"S-sorry, Xavier. Hindi ko alam na..."

"Sssh. It's alright. I missed you, darling. I missed you, Isabel," putol na wika ni Xavier dito. Naiintindihan niya ang dalaga at sa pagkakataong iyon, mas gugustuhin niyang kalimutan ang nangyari.

Kumalas ang dalaga mula sa kanilang pagkakayakap. Ang mga luha ng pighati at pangungulila ay napalitan ng luha ng galak at pananabik.

"Namiss din kita, Xavier ngunit si ate..." Iniwas ni Isabel ang kaniyang tingin kay Xavier. Naririto si Xavier sa kaniyang piling ngunit kasal ito sa kaniyang kapatid. Hindi niya kakayaning sirain ang pamilya ng kapatid.

Tahimik ang bumalot sa kapaligiran. Napansin ni Isabel na pinapaikot-ikot ni Xavier ang suot na singsing sa kanang kamay nito.

Kinagat ni Isabel ang kaniyang labi. Mukhang wala silang ibang magagawa kun'di tanggapin ang katotohanan na sa pagkakataong iyon ay kailangan nilang gawin ang tama.

"Your sister goes back in the province. She choose to go back. She's with your mother."

Hindi niya alam na nasa probinsya pala ang kapatid niya. Ni minsan ay hindi nabanggit ng kaniyang ina na naroroon ang kaniyang kapatid. Napansin ni Xavier ang pagkabigla sa mukha ni Isabel kung kaya't muli itong nagsalita.

"She don't want you to know that she's there."

Tila nabasa ni Xavier ang tanong sa isip niya. Wala naman siyang problema sa pag-uwi ng kapatid niya sa probinsya. Ang problema niya ay ang masaklap na kapalarang mag-asawa na ang taong mahal niya at ang nag-iisang kapatid.

"But she's your wife."

Napabaling si Xavier sa kaniyang kaliwa kung saan naroroon si Isabel. Humarap siya dito at gamit ang dalawang kamay, hinawakan niya ang pisngi ng dalaga atsaka iniharap iyon sa kaniyang mukha.

Hinagkan niya ang noo ng dalaga bago tuluyang nagsalita.

"We're not married. I'll only wear this ring to one person. That person is you, Isabel."

Itutuloy...

BDSM (Billionaire's Den:Stripping Maiden) | PUBLISHED UNDER PIP Where stories live. Discover now