Chapter 2: Before

340 43 1
                                    

WATCHOUT FOR HOMOPHOBC

A baby Reminder please bare with my typos and grammar.


A/N: Ang Susunod na mga kabanata ay ang kwento at kaganapan sa nakaraang dalawang taon. Baka kako magulohan kayo hehehe.

2 Years Ago

Peter

Nagising ako na nakatali ang dalawa kong kamay at nasa loob pa rin ako ng kotse, mukhang nasa lugar kami na hindi ko alam kung saan, magubat at madilim ang paligid at tanging ilaw lang nang kotse ang siyang nagbibigay liwanag sa boung paligid, at mukhang sa tingin ko ay hinayaang lang na pailawan, at nakikita ko rin sa kalayuan ang dalawang lalaki na parang seryosong nag-uusap.

Nakaramdam ako ng takot para sa aking sarili at sa mga batang nasa sinapoponan ko, kaya hindi maiwasan ng mga luha kong biglang umagos, dahil sa takot na namuo sa isipan ko.

"Anak kapit kalang hindi ka hahayaang masaktan ni Papa" turan ko sa aking sarili dahil alam ko na ano mang oras ngayon ay hindi ako sigurado sa papasukin kong landas.

Alam ko na di maganda ang mangyayari sa akin. Pero sana hindi sa ganitong pagkakataon kung kailan sasabihin ko na kay Troy na buntis ako. Na inaasahan ko na ang magandang buhay para sa akin at sa anak ko. Masakit na bakit sa ganito pang pagkakataon gusto ko magpakatatag para sa amin ng mga anak ko pero hindi ko maiwasang panghinaan ng loob.

Muli akong napatingin sa labas habang pinipilit na matanggal ang tali sa aking mga kamay. Naramdaman ko ang pagluwag ng tali kaya agad ko itong tinanggal at ng mapagtagumpayan ay masusing pinag-aralan ko mona ang kanilang susunod na gagawin. Mabuti na lang at di nila naisip na pati paa ko ay itali.

Nagulat ako sa nakita at namutla ng biglang inilabas ng isang lalaki ang kanyang baril at masaya ito hinaplos haplos at pagkaraan ng ilang saglit ay bigla nalang nito itinutok sa akin ang baril na siyang ikinagulat ko at ikinayuko, na tela ba't na alerto ako bigla baka ipaputok ito sa akin.

Bigla akong napayuko at pigil ang boses na hindi marinig ng mga lalaki sa labas. Umiiyak parin ako habang pinipilit na matangggal ang nakatali sa akin. Pagkaraan lang ng ilang sandali ay natanggal din ang tali kaya sinubokan kung buksan ang pintuan, at napangiti ako sa kalagitnaan ng sitwasyon na meron ako.

Dahan dahan akong lumabas sa pintuan para hindi ako marinig ng mga lalaki sa labas pero nagkamali ako dahil biglang napalakas ang pagsara ko ng pintuan at napatingin sa aking gawi ang dalawang lalaki.

Gulat ang namutawi sa mga itsura nila at kasabay no'n ang palapit ng mga ito sa akin habang hawak hawak ang mga baril at dinig ko ang pagkasa ng mga ito sa mga baril na hawak.

Wala akong maisip na pweding gawing kung hindi tumakbo. Oo tumakbo ako na para bang walang katapusan. Hindi ako lumilingon, hindi ko rin ininda ang mga maliit na sanga na nadaanan ko at mga matutulis na dahon natumatama sa aking balat ramdam ko na may mumunti na akong sugat sa kamay at braso ko.

Dinig ko rin ang tunog ng mga paang humahabol sa akin at pagpaputok ng mga ito sa baril ni lang hawak. Sa bawat putok ng baril ay dubli ingat ang ginagawa ko baka kako matamaan ako. Takot at kahit tumatakbo ay radam ko ang panginginig ng katawan ko. Hanggang sa madapa ako sa isang putikan dahil nasamid ako ng isang malaking ugat na nakaharang.

Naramdaman ko ang sakit ng tiyan ko dahil tumama ito sa lupa. Diko alam ang gagawin naiiyak na ako at natatakot hindi para sa akin kungdi para sa mga anak ko.

Mahapdi ang tiyan ko pero pinilit kung tumayo, at nagpatuloy sa pagtakbo, kahit masakit ay tumakbo ako ng tumakbo hanngang sa mapahinto ako sa isang malaking puno.

"Huli ka!" ani ng tao mula sa likuran ko, at huli na rin ng marealize ko ang pagtama ng mainit na bagay sa balikat ko at pag-alingaw ngaw ng isang malaking putok ng baril.

Naramdaman ko ang sakit at agos ng dugo ko sa aking balikat at hinarap ang lalaki na nasa harapan ko habang nakangiti itong nakatingin sa akin.

Para bang isang demonyo na kakain ng tao kahit ano mang oras.

"Akala mo siguro ay makakatakas ka sa amin!" ani nito at nakangiti sa akin.

"Parang awa mona pakawalan niyo ako!" pagmamakawa ko rito.

"Alam mo kung hindi ka nalang sana nagtatakbo edi sana kanina pa tayo tapos at hindi na sana nagtagal ang paghihirap mo!" ani nito sa akin habang ako ay namimilit na sa sakit ng balikat at tiyan ko.

"Ohh pare nahanap mona pala siya" ani ng kasama nito na nakangting nakatingin din sa akin.

"Any last word?" Ani ng lalaki na nakatutok ang baril sa akin.

"Please don't kill me parang awa niyo na!" pag mamaka- awa kung sabi kahit nahihirapan na ako.

"Sorry again, napag-utosan lang!" ani ng lalaki at pinaputok ang baril nito ng dalawang magkasunod at naramdaman ko ang pagtama ng mainit na bagay sa dib-dib ko.

Napapikit ako at napa atras hanngang sa naramdaman ko ang pagkahulog ng katawan ko sa isang medyong kataasang bangin.

Hindi ko iyon napansin siguro dahil sa madilim at tanging ilaw lang ng buwan ang meron ay hindi na kita na sa likod nang natataas na damo ay isa na palang dead end.

Napapkit nalang ako hanggang hinahawakan ang tiyan at mapaluha habang iniisip ang masasayang araw sa buhay ko.

Naramdam ko ang paglapat ng katawan ko sa isang semento at pagduwal ko ng dugo.

Dahan dahan kung minulat ang aking mga mata at tumingalang nakangiti sa langit.

"Siguro hanngang dito nalang ako, masakit mang isipin pero tadhana na mismo ang gumwa ng paraan para hindi matuloy ang forever na hinangad ko." Hinawakan ko ang tiyan ko at naluhang namimilipit sa sakit
"Mga anak sorry dahil hindi manlang kayo nakilala ng ama niyo, ni hindi niya nalaman nabuntis ako. Sorry sana mapatawad niyo si Dada at sana mapatawad ako papa niyo.
Ma, Pa mukhang magkikita na tayo. TROY sorry mahal na mahal kita." Mga huling katagang na sinabi ko hanngang sa maramdaman ko ang pagbigat ng mata ko at pagkawalan ng lakas. Napangiti ako sa huling pagkakataon dahil sa wakas ay maiibsan na din ang pag-hihirap ko.

Third Person's POV

Biglang tumigil ang driver ni Clarise sa kalagitnaan ng masukal na kalsada naguguluhan siyang napatingin sa driver.

"Kanor bakit?" ani ni Clarise sa driver nito.

"Ma'am may katawan po ng isang tao sa kalsada!" ani nito na ikinagulat ni Clarise

"Puntahan natin dali" Utos ni Clarise at dali dali silang lumabas at nauna ang driver niya para tingnan ang katawan na nasa kalsada.

"Is it still breathing?" tanong nito sa driver at tumingin ito sa kanya.

"Ma'am may pulso pa siya!" ani ng kanyang Driver At inutosan naman niya itong buhatin at dalhin likuran ng kotse para itakbo sa hospital.

Ng buksan ang ilaw ng Kotse ay bumongad sa kanila ang isang madumi at madugong katawan ng isang lalaki pero hindi doon naka sentro ang tingin ni Clarise kungdi sa mulka ng isang lalaki na halata na mababawian na ito ng buhay.

"Kanor bilisan mo" Kinakabahang utos ni Clarise habang di maiwasang mapaluha at mapatingin sa namumutlang katawan ng lalaki.

"Pete, not now please, kung kailan nasa harapan na kita please lumaban ka!" sabi ni Clarise at hinawakan ang kamay ng lalaki.

Mr_Nobody
Y.Y

A/n: Matagal ako na stock kasi paulit ulit na nabura ang draft ko. Kaya paulit ulit na sinulat ko ang part na 2..

Red and Wine V2Where stories live. Discover now