11

4.1K 55 2
                                    







Maaga akong umalis sa condo para kitain ngayon si Sicji at Sky. As expected ay wala na naman si Luna, napansin ko lang na hindi na masyadong nakikipagusap si Luna sa akin. Probably she have a problem that needs to deal with herself alone. Hihintayin ko na lang siya hanggang sa handa na siyang magsabi sa akin o sa amin.





Ngumiti ako ng makita si Sicji sa may parking lot, hindi pa dumadating si Sky, baka nasa law firm pa. Lumapit ako sa kanya at bumati bago kami pumasok sa loob ng Alley's restaurant.





"Wala na naman ba si Luna?" tumaas ang kilay ni Sicji sa akin.





"May problema yata." umiling ako.





"Hi!"





Napalingon ako sa humalik sa akin sa pisngi. It was Luna with Sky! Akala ko hindi siya darating ngayon?





"Oh? Anong pumasok sa kokote mo at ngayon ka lang nagpakita sa amin?" tumaas ang kilay ni Sicji sa kay Luna.





Napalingon naman si Luna kay Sky kaya tumaas na rin ang kilay ko. I smell something fishy between this two.





"May inaasikaso lang. I'm sorry!" humalik siya sa pisngi ni Sicji na ngayon ay nakataas pa rin ang kilay.




Ngumiti ako kay Sky na napanguso lang kay Sicji na nagsimula na sa sermon niya sa kanila. Nagpipigil ako ng tawa.





"Anong nakakatawa Chanel?" bumaling sa akin si Sicji na iritado sa amin.




Oh!





"Nag-away ba kayo ni Poncio?" nagpipigil ng tawa si Luna.





"Huhulaan ko, Oo." ngumisi si Sky.





Ngumisi ako ng hindi umimik si Sicji. Gotcha!





"Ikaw? Ano ba talaga kayo ni Rafael, Chanel? May label na ba kayo o fubu? Ano ba talaga kayo?" bumaling na naman sa akin si Sicji.





Nasamid ako bigla sa sinabi ni Sicji pati na rin si Luna. Really?





"Walang kami 'no! Shut up nga!" I defensively defended.





"Talaga lang..." bulong naman ni Sky na narinig ko naman.





"If I know." ngumisi si Sicji.





Luna smiled widely at me. Naging masaya siya bigla at pumalakpak pa. Ang weired niya.





"OMG! Bagay kayo! Pakasal na kayo Chan!" excited niyang sabi.





"Wala naman kami." napasinghap ako.





"Oh? Bakit naman? Hindi ka ba niya gusto?" imik ni Sicji.





Natahimik ako bigla sa sinabi ni Sicji. Nakita ko si Luna at Sky na nagkukulitan at nagbubulungan na sa isang tabi. Si Sicji naman ay nakatingin lang sa akin, naghihintay sa sagot ko.




Napasinghap akong napatingin sa lasagna sa harap. Medyo hindi ko gusto ang amoy kaya medyo inilayo ko ito sa akin bago inilapit kay Sicji na nananantiya ng tingin.





"Hoy! Ayos ka lang ba?" niyugyog ako ni Luna sa balikat bago nilapit ang lasagna sa akin.





"Ha? Uh... Kainin mo 'yan Sicji! Ayoko ang amoy niyan." reklamo ko at inilapit ulit sa plato ni Sicji.





The Law Of LoveWhere stories live. Discover now