26

2K 39 5
                                    

Napahikbi ako ng maabutan si Sicji sa loob ng mansion. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"What's wrong with you? May nangyari ba? Are you okay?" salubong niya.

"Sicji... A-Alam na niya..." mas napahikbi ako.

He saw the twins. Hindi siya naniniwala sa akin na hindi niya anak sila Raia. Now, I am afraid.

"What?" gulantang na tanong ni Sicji.

"Hindi siya naniniwala sa akin kahit anong tanggi ko." pilit kong pinatatag ang boses ko.

"Shhhh. Calm down. Dadaanin natin sa magandang paraan ang pakikipagusap kay Rafa." alo niya.

I don't think so. Galit siya.

Bago pa lang kaming nakauwi galing sa stranded sa tagaytay ng sinubukan kong kausapin si Rafael tungkol sa nangyari kagabi pero hindi siya umiimik. Hindi siya naniniwala sa akin. Sino ba naman ako para pakinggan niya diba?

"Chanel!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin mula sa pintuan, halos malalag ang panga ko ng makita si...

"Sky?"

"Chan!" lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Goodness! Ikaw na ba 'yan?" napakurap-kurap ako.

Patago kong pinunasan ang luha ko para hindi makahalata si Sky na umiiyak ako. Bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin!?

"Kailan ka pa dumating?" gulat na tanong ko.

"Last month lang! Pasensya na ah? Ngayon lang kasi sinabi ni Sicji sa akin na nandito na pala kayo haha!" tawa niya.

Umirap ako. "Whatever!"

"Wag ka ng magtampo Chan! Ampanget mo!" saway niya.

"Tss. Mas panget ka kaysa sa akin." pambubuyo ko rin.

Ngumisi siya bago ako akbayan papuntang living area. Si Sicji naman ay niyakap lang si Sky at nagbatian na rin sila bago siya pumuntang dinning area para kumuha ng mirenda.

Matagal ko ng hindi nakikita si Sky. Kamusta na ba ang lalaking 'to? May anak na ba siya? Nakamove on na ba siya kay Luna?


"Nagkabalikan kayo ni Rafael?" biglang tanong niya.


Napatanga ako bigla sa tanong niya. Is he serious? Anong nakain ni Skyler? Bakit naman kami magkakabalikan ni Rafael kung in the first place, walang kami? Boomerang lang?

"Walang kami! Gago ka! Naamnesia ka ba bigla!?" I raised my brows.

"Ows? Hindi siya kumilos? Weak pala 'yon e." bulong niya sa hangin na narinig ko naman.


"Ha?" naguguluhang tanong ko.


"Mommy! Good morning!"


I smiled widely when I saw Raia run towards me. Nakasunod si Rain na nakasimangot na naman. I sighed happily and embrace them.


"Good morning! Do you too have eaten?" I asked softly.


"Not yet." sagot ni Rain na nakatingin kay Sky na natulala ng makita ang kambal.


Tinampal ko ang tiyan niya dahilan para bumalik siya sa sarili. Ngumiwi naman siya na ikinangisi ko.

"Aray ha! Sadista!" late reaction niya.

"Ang OA 'mong depunggal ka!" tinulak ko siya kaya medyo lumayo siya sa akin.


"Is he our Daddy?" Raia asked out of nowhere.


The Law Of LoveWhere stories live. Discover now