Lunatic Confession

750 33 162
                                    

Erryn

Ang sabi nila, mas maganda raw na hintayin mong manligaw sa 'yo ang lalaki kaysa ikaw ang gagawa ng paraan para magkaroon kayo ng relasyon.

Pero parang may isang babae rito ang may lakas ng loob para ipakita ang pagmamahal niya sa kaniyang napupusuan.

Nagkalat ang mga bulaklak sa labas ng buong apartment. Lahat na yata ng klase ng bulaklak ay nandito.

Kung ako siya ay hindi ko kayang gawin 'to.

Hindi ako taliwas sa mga babaeng gumagawa ng first move. There's no rule na dapat lalaki ang unang gumawa ng hakbang sa panliligaw.

My point is—hindi ko kaya, 'tsaka, 'yong ipinagpipilitan mo ang sarili mo kahit hindi ka naman gusto ay tinatawag na . . . desperada!

Belle.

This woman is currently clutching red heart balloons in front of Ethan's apartment. She is anticipating Ethan's arrival. Binilang ko pa nga ang hawak niyang mga lobo, twelve balloons. Wow. Ano'ng gagawin ni Ethan sa mga balloons?

Nag-leave ba siya sa trabaho niya to prepare those things? Well, I can't blame her. Ethan is a stunning man. He is warm and sensitive beneath his pompous and cold exterior. Tristan was right, Ethan is a good man. Meron kasi 'yong iba, mabait tingnan, pero pretender and deceiver.

Bumalik na ako sa aking desk at hindi na sinilip si Belle. I'm still thinking sa pangyayari noong nakaraang linggo. Nakita ko sa apartment ni Ethan ang isang bagay na alam kong sa akin.

"That's my . . . stuff toy." A caterpillar stuff toy was lying on his bed. Bukas ang pintuan ng kaniyang kuwarto kaya agad akong pumasok. Lumapit ako para tingnan kung may letter E na naka-embroider sa dulo ng kaniyang buntot. Napanganga na lamang ako. Mayroon nga!

Naramdaman kong tumayo si Ethan at pumasok sa kuwarto. Naglakad siya palapit sa akin. Ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking batok na nakapagbibigay sa akin ng matinding sensasyon.

"Sa iyo ba 'yan? Honestly, hindi ko alam kung saan nanggaling 'yan, biglang lumitaw sa condo ng parents ko. Iniwan ko naman doon kaso no'ng lumipat ako ay naisama ko pala. I know it's childish, pero katabi ko ito matulog dahil mahimbing ang tulog ko mula no'ng mayro'n 'yan."

Bigla akong tinablan ng hiya. Nakakahiya kasi pumasok ako sa kuwarto niya! Humarap ako sa kaniya. "I'm sorry. Baka nga sa 'yo 'yan or sa parents mo. Kasi 'yong sa akin ay nasa probinsiya namin. May ganyan din kasi ako. Noong nasa tiyan pa lang ako ni Mama ay binili na niya 'yon para sa akin at naging tanging ala-ala ko sa kaniya. Coincidence lang siguro na parehas na may nakatahing letter E kasi nga parehas tayo ng initial sa pangalan."

Agad kong ibinalik ang stuff toy sa kaniyang kama.

Sa mga oras na ito ay kung ano-ano na ang sinasabi ko. Tumataas ang balahibo ko dahil sa hiya. Ano ba'ng pinag-iisip ko? Alangan namang ninakaw niya sa akin? Hay, Erryn!

Napatango lamang siya. Aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatitig na lamang ako sa aming mga kamay at nabaling ang aking paningin sa kaniyang mukha. Kay bilis ng pintig ng aking puso na para bang nakisali ako sa isang karera sa takbuhan. Nakatingin lamang siya sa aking mga mata. Tila nagliyab ang aking damdamin nang mapunta ang kaniyang paningin sa aking mga labi. Mas lalo pa niyang inilapit ang kaniyang mukha. Oh my god! What's happening?

Napatalon kami sa gulat nang marinig namin ang tunog ng cellphone niya.

Napamura siya nang mahina sa kaniyang sarili. Agad na akong lumabas mula sa kaniyang kuwarto at nagtungo sa aking unit dahil hindi ko kinaya ang aming hindi maipaliwanag na tagpo.

The Lost MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon