Unseen Mystery

679 34 157
                                    

Erryn

Ang sabi ng matatanda kapag bago ka mamamatay ay makikita mo muna ang isang taong malapit sa 'yo na matagal nang patay. Maaari ka nilang isama kapag talagang oras mo nang mamatay o 'di naman kaya ay kakausapin ka para bumalik ka na at ipagpatuloy ang iyong buhay.

Ayoko namang mag-drama pa, pero sa tingin ko ay ito na 'yong sinasabi ng matatanda.

Nakatalikod ang isang babae sa 'kin. May mahaba siyang buhok at nakasuot siya ng puting bestida. Hindi ko siya maaninag nang malinaw dahil para siyang araw—masakit sa mata.

Ang huli kong natatandaan ay may sumusunod sa sasakyan ko. Sa takot ko ay napapasulyap ako sa rear view mirror at hindi ko nakita ang paparating na sasakyan. Bumangga ang kotse ko sa isang poste at nagdilim na ang aking paningin hanggang sa mawalan ako ng malay.

Humarap na ang nakatalikod na babae sa akin.

"Erryn . . ."

Namutla ako sa aking nakita kaya napaatras ako. May parte sa puso kong biglang kumirot. Parang piniga ito na naghatid ng mahapding sakit.

Si Mama.

Kung ibang tao ang nandito ay siguradong yayakap na sa kanilang ina, pero nanghina ang buong sistema ko. Anumang oras ay lalabas ang mga luhang matagal nang pinipigilan ng aking puso para sa aking nanay—ang aking inang kailanman ay hindi ko nakita at nahagkan.

"Erryn . . . anak." Lumapit siya at niyakap ako. Napakalamig ng kaniyang balat. Para siyang nabuong hangin na madulas sa pakiramdam. Niyakap ko rin siya at kumawala na ang aking mga luha.

Kailanman ay hindi ako nagalit kung bakit ang ibang tao ay may ina, samantalang ako ay lumaking wala. Ni minsan ay hindi ako nagalit sa mundo kung bakit hindi ko naranasang magkaroon ng nanay, pero alam ko sa sarili ko na pinalamig ako ng panahon para protektahan ang puso kong maalala ang sakit na aking naramdaman noong bata ako. Ang magkamuwang na walang ina ay isa sa masakit na pinagdaanan ko dahil ang bawat araw ko ay puno ng pagtatanong na kailanman ay hindi nagkaroon ng kasagutan.

Hindi ko alam kung gaano katagal ko siyang hinagkan. Kung may hihilingin ako ngayon ay ang tumigil ang oras para mayakap ko pa siya nang mas matagal.

"Erryn . . ."

Binitiwan ko na siya, pero hinawakan niya ang aking mga kamay.

"Kailangan mong bumalik dahil may kailangan ka pang gawin."

Napakalambot pala ng boses ni Mama. Parang boses na puno ng pagmamahal. Boses na lagi kong hinihiling noong kabataan ko na sana kahit isang beses ay marinig ko man lang.

"Huwag mo nang ulitin ang pagkakamali ko, Erryn. Bumalik ka at hanapin mo ang katotohanan."

Sa mga oras na ito ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Mama . . ."

"Erryn, wala ng oras. Tandaan mong mahal na mahal kita. Kailanman ay hindi kita iniwan, alalahanin mo lang ako sa iyong puso."

Napatango ako. "Mahal na mahal din po kita, Mama."

Muli niya akong niyakap.

"Erryn, linlangin ka man ng mga bagay na nasa paligid mo ay lagi mong hanapin ang totoong pagmamahal na magdadala sa 'yo sa katotohanan . . ." Binitiwan niya ako. Napatitig ako sa kaniyang napakaganda at mapupungay na mga mata.

"Habang may oras pa, anak."

💍

"Ano'ng nagustuhan mo sa 'kin?"

The Lost MarriageWhere stories live. Discover now