Chapter 9

2.6K 161 12
                                    

SHAUN POV

Natapos ang araw ko sa paglalaro ng gadgets at panonood ng movies. Matutulog na sana ako ng makatanggap ako ng text message galing kay Blake.

Natulog akong may ngiti sa labi dahil napapadalas na talaga ang pagte-text nisa akin. Ang lakas maka-babae.

Nagising ako ng maygiti sa labi, ikaw ba naman mapanaginipan ang crush mo tapos magka-holding hands pa habang naglalakad.

Tumayo na ako at dumiretso sa pagligo. Mabilis lang akong natapos dahil nae-excite na akong pumasok, siyempre makikita mo yung crush mo. Sino ba naman ang hindi masasayahan doon.

Bumaba na ako at nag-breakfast. Nagpaalam na ako kay Mom at sumakay na sa kotse.

Pababa pa lamang ako sa kotse nang mapansin ko ang kotse ni Blake na nasa likod ng kotse'ng kinauupuan ko.

'Kanina pa ba siya naka-sunod? O baka kanina pa siya nandiyan? Bahala na.'

Bumaba na ako at dumiretso sa room. Mabuti naman at wala akong narinig na mga bulungan pero naririnig ko.

Nasa pintuan palang ako ng room ng makita ko si Kevin na naka-ngiti sa akin. Ginantihan ko naman siya ng ngiti.

Umupo ako sa tabi niya, wala pa si Blake pero nandoon na ang kotse niya. Ilang minuto lang din ay pumasok na siya kasunod ng Lecturer namin.

Pag-upo niya sa tabi ko ay ang amoy niya agad ang napansin ko. Ang bango! Kung pwede lang siyang singhutin ginawa ko na.

Umayos na ako ng upo at nakinig sa lecturer.

Discuss.

Discuss.

Lunch Break.

Mag-aayos palang sana ako ng gamit nang yayain ako ni Kevin mag lunch.

"Shaun, sabay na tayo lunch. My treat."

"Nako, huwag mo na akong ilibre sabay na lang tayo." nahihiya kong sabi.

"Ako na lang ang ilibre mo!" singit ni Freya sa usapan.

"O-okay."

Bumaba na kami sa building at dumiretso sa canteen. Doon kami umupo sa inuupuan namin ni Freya.

Mabilis na umalis si Kevin at dumiretso sa pila kahit hindi ko pa sinasabi ang order namin. Bumalik siya ng may dalang tatlong order ng kanin at ulam.

"Sabi ko ako na ang magbabayad ng sa akin e. Nakakahiya naman." mahina kong sabi.

"Wala 'yon, basta ikaw." nakangiti niyang sabi.

'Teka? Sinabi din yan ni Blake kahapon ah?'

"Nako, nagpapa-bebe lang yan si Shaun." natatawang asar ni Freya sa akin.

"Freya, ano ka ba?" bulong ko sa kaniya.

Tumawa lang siya. Tinignan ko si Kevin na natatawa din. Nakakahiya!

Kumain na lang ako at ganoon na din ang ginawa nila. Tumayo si Kevin at nagpaalam pumunta sa CR.

Ilang segundo lamang bago mawala si Kevin ay dumating si Abby kasama yung mga alipores niyang mukhang tuko.

"What do you want?" mahinahon kong tanong kay Abby.

"Ay, may dumating na masamang espirito. Dapat pala nagdala ako ng holy water." sabi ni Freya na animo'y nanghihinayang.

"Shut up! Ikaw ba ang kausap ko? Loser!" sigaw ni Abby kay Freya.

"Okay na'ng loser kaysa naman sa masamang espirito." natatawang sabi niya.

Shaun and Blake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon