Chapter 27

1.9K 119 12
                                    

BLAKE POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Sinubukan ko'ng bumangon ngunit may nakadagan sa aking braso.Tiningnan ko ito at ako'y napangiti.

Ginawang unan ni Shaun ang braso ko. Napangiti ako, sa wakas pinatawad na niya ako. Pero hindi dapat ako makampante. Lumapit ako at hinalikan ang kaniyang noo. Umungol siya sa aking paghalik.

"I love you babe." sabi ko at hinalikan ang kaniyang labi.

Bago siya magising ay tumayo na ako at nagluto muna ng breakfast. Egg and hotdog lang ang nasa fridge kaya 'yon lang ang naluto ko. Pero may fried rice din naman. Natutunan ko 'to noong tinutulungan ko si Manang sa kusina.

Sumilip ako sa pintuan kung gising na ba siya. Nang malaman kong hindi pa ay kinuha ko na ang nakahandang pagkain para sa aming dalawa at dinala na ito sa kama.

"Babe, wake up. Breakfast is ready." sabi ko at nakapikit siyang bumangon.

Kumuha ako ng table at ipinatong doon ang niluto ko. Nang maamoy niya ang breakfast ay dumilat siya at ngumiti.

"Wow! Thank you!" sabi niya at ginawaran ako ng halik sa pisngi. Napangiti ako doon. "Can I go to bathroom first?" nakangiti niyang tanong.

"Of course."

Tatayo na sana siya nang bigla siyang umungol sa sakit. Na-alarma ako at agad na humarap sa kaniya.

"What happened?" nag-aalala kong tanong.

"Asshole!" sabi niya at hinampas ang balikat ko. "My back and ass hurts!" nakanguso niyang sabi.

"O-oh." na lamang ang nasabi ko dahil kapag hindi ko napigilan ang aking tawa ay baka magtampo siya.

"Help." mahinahon niyang sabi at agad ko naman siyang inalalayan.

"Sorry, hehehe."

"Sorry your face!" sabi niya at sinarado na ang pintuan.

Natawa na lamang ako sa kaniya habang hinahanda ang mga pagkain. Ilang minuto din siyang nasa loob bago siya lumabas.

"Here. Kain na." sabi ko.

"Parang nangyari na 'to." sabi ni Shaun.

"Really?" tanong ko.

"Yeah, noong unang ano natin, you know." nahihiya niyang sabi na ikina-ngiti ko.

"Unang what?" maang-maangan kong tanong.

"You know what it is."

"No, ano ba 'yon?"

"Blake!" sigaw niya.

"Yeah, yeah, yeah. I'm just kidding." natatawa kong sabi.

"I hate you." nagtatampo niyang sabi pero umupo pa din sa tabi ko at nagsimula na'ng kumain.

"I love you too."

Tumingin lang siya sa akin at ngumiti ng kaunti. Nagsimula na kaming kumain, bawat subo niya ay tinitignan ko siya. Ngayon ko na lang siya nakitang kumakain kasama ako. Grabeng tadhana.

Nang matapos kaming kumain ay tumambay muna kami sa living room dahil masakit pa daw ang pwetan ni Shaun. Kasalukuyan kaming nanonood ng news at nang ang topic ay showbiz nangunguna ako.

'Ang multi-talented actor na si Blake Martinez ay nakuhaan ng litrato kasama ang lalaking hinihinala ng mga netizens na si Shaun Klein Mendoza. Si Shaun Klein Mendoza din ang nasabing karelasyon ni Blake noong sila ay highschool pa lamang. Totoo kaya ang mga ito? Hmm...' sabi ng reporter.

Shaun and Blake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon