Chapter One

383 4 0
                                    


"AHH-RRRAAAY! Dahan-dahan lang po!" Napasigaw si Sasha matapos hilahin ng therapist ang wax strip sa singit niya.


"Nakakaloka ka naman, Sasha. Feeling virgin lang? Ikatlong sesh mo na ito, 'di ba?" nayayamot na tanong ni Lulu habang nagse-selfie para ipakita ang bagong kabit na eyelash extensions nito. Lulu was her cousin, part assistant sa kanyang mga raket.


"Sorry, ma'am. Masyado lang siguro mababa ang pain tolerance ninyo," mariin na sagot ng spa therapist.


Napailing na lang siya kasi alam niyang hindi talaga sila trip ni ate. "Alam mo naman na ngayon lang ulit ako nagpa-wax kasi sumali ako sa Januahairy Challenge kaya hindi na-trim itong forest ko. Malay ko ba na masukal na pala sa kagubatan," naluluhang sagot ni Sasha, sabay pahid sa mata nito dahil sa sobrang sakit na paghila ng bruhang attendant.


Nasa Relax & Wax sila ngayon para sa free hair removal services na inoffer kay Sasha ng may-ari para ma-ifeature sa kanyang Instagram saka blog. Ininda na lang niya ang sakit dahil libre at babayaran siya, pero mas gusto niya pa rin ang paninless laser hair removal kaysa rito.Sasha's an Instagram influencer with over seven hundred thousand followers and her IG handle was Sasha Slays. She was posting anything about beauty, fashion or trending travel destinations which made her very "Instagram Famous." Actually, accidental lang ang pagiging influencer niya kasi nagpopost lang naman siya noon ng reviews ng mga binibili hanggang sa lumaki ang following niya. Hindi na siya nag-apply pa ng ibang work dahil ito na ang full time raket niya.Sinuot ni Sasha ang panties sabay reklamo kay Lulu, "Lamog na lamog na 'tong pechay ko."


"You need to sacrifice for art and beauty. 'Lika na nga, baka mainip si Mama B kasi late na tayo."Pagkatapos ng torturous Brazilian wax niya ay pumunta naman sila sa isang swimwear boutique para kunin ang mga swimsuits na imomodel niya sa Instagram.


"Sana kasing-sexy mo ako para mahiram ko naman ang mga 'di mo bet na swimsuits," wika ni Lulu habang tinitingnan isa-isa ang bagong collection ni Mama Beki na designer ng Sirena Swimwear.


"Shhh... huwag kang maingay, baka sabihin nila na hindi ko bet ibang designs," saway niya kay Lulu na nagkibit-balikat na lang.


"Naku, Sasha, baka gusto mo itong bagong design," narinig niyang tawag ni Mama Beki. Inabot nito sa kanya ang isang floral Bandeaukini. Ito ay isang klaseng bikini without straps, napailing si Sasha nang makita gaano kaliit ang bra cups niyon kasi medyo "gifted" 'yong hinaharap niya."Hindi kayang i-support nito ang aking kambal."


Sabay na napatawa sina Mama Beki at Sasha. Kumuha ng bagong swimsuit si Mama Beki mula sa dressing rack saka inabot sa kanya.


Isa iyong white na High Cut Monokini. Napangiti si Sasha dahil alam niyang babagay ito sa hubog ng kanyang katawan. It had criss cross sections with mesh around the waist that her full Brazilian wax was perfect even if it hurt like hell.


"This is perfect, Mama B," aniya. Napatalon sa tuwa ang bakla sabay sabi, "Bongga ito sa iyo! Excited na ako sa kalalabasan ng photoshoot mo, Sasha."


"For sure dadagsain na naman kayo, Mama B! Kami pa ba? Thank you ulit." Nagbeso-beso ang dalawa saka nagpaalam na sina Sasha at Lulu.

Heaven's Point Series : Trapped With You (NO LONGER AVAILABLE )Where stories live. Discover now