Kabanata 3

2.3K 94 85
                                    

LAST SPEAKER

"Girls! Let's go, my exam tayo kay Ma'am Hairpin ngayon," sambit ni Carly habang nililigpit ang kanyang mga gamit na nasa mesa.

Andito kami ngayon sa study room ng school . Well, our University has a study room for the students. May free wifi, may lamesa na malaki, at may komportabling sofa na pwedeng tulogan ng mga taong may hang-over.

"Hhm, maya na ang sakit pa ng ulo ko," reklamo ko.

"Ewan ko sayo. Sino ba kasing nag-utos sayo na tunggain yung sampong bote ng beer?" Carly scolded me. I got up from the sofa and faced her. She was sitting on the other sofa opposite mine.

"Iyan, pasikat kasi," sabat ni Elegen.

"Ginawa ko iyon para sa inyo, libre inumin natin sa susunod," pangatwiran ko.

"Salamat naman at naiisip mo pa kami," Carly said in sarcasm.

"Tumayo kana diyan at baka ma-late pa tayo sa exam natin kay Ma'am Hairpin,"sambit ni Elegen saka tumayo silang dalawa at sabay na naglakad paalis.

"Hintay! Iyong cheating arrangement natin, ah!" Tumayo ako at inyos ang vest na suot.

"Tanga! Sama-sama tayong babagsak kasi hindi tayo nag-aral, walwal pa more!" sabay nilang sigaw sa mukha ko.

"Kainis, engineering pa more!" sambit ko at ginulo ang buhok dahil sa inis.

Nang makarating sa classroom ay agad kaming naghanap ng upuan na kung saan pwede naming isagawa ang aming naisip na plano.

CHEATING OPERATION

Pinili namin ang upuan na nakadikit sa wall at umupo si Elegen sa ika-apat na upuan, si Carly sa likod at ako ang nasa likod ni Carly.

"Okay Class good morning, we will have our exam today so be ready. Strickly, no cheating!" anunsyo ni Ma'am Hairpin.

Namahagi na si Ma'am ng mga questionnaire at booklet kung saan namin pwedeng isulat ang aming mga sagot.

"So, kailangan natin ngayon ay ang kumalma at maghintay ng grasya, prayers lang," bulong ni Carly.

"Wait, Anong grasya? hindi tayo nag-aral," pabulong kong sagot.

"Pakalmahin mo muna pempem mo, nasa unahan natin ang dean's lister ng department at manliligaw iyan ni Elegen," aniya at naiwan akong nakanganga sabay tango.

Gets ko na...

The exam went well... for me.

"Tangina! Elegen naman hirap na hirap akong intindihin yung hand writing mo, ang liliit. Pinaglihi ka ba sa cute? Punyemas, buti nalang matalino 'tong pepe ko at madaling maka catch-up," mahabang litanya ni Carly sa mga hinanakit niya habang si Elegen ay parang mamatay na sa kakatawa.

"Tumigil nga kayo baka marinig kayo ni Ma'am," suway ko sa kanila.

Hinila ko na sila pababa ng building nang may napansin kaming nagkukumpolan na mga studyante malapit sa may exit. Lumapit kami rito at nagmasid.

"Ang gwapo naman ni Kuya, rawr!" Rinig kong malanding pagkakasabi ng isang estudyante.

"May gwapo raw?" usisa ni Elegen. "Omg! makisali tayo Girls!" Elegen exclaimed in excitement.

Notche Series #1: His Temptation✓[UNDER REVISION] Where stories live. Discover now