KABANATA SIYAM

37 30 9
                                    

HUWEBES

"Ipaglalaban kita."

Paulit-ulit ko iyong naririnig kaya naman hindi ako madapu-dapuan ng antok. I don't know what would I feel, tama bang kilig ang aking nararamdaman? Pa'no niya ako ipaglalaban? Pa'no namin ipaglalaban ang nararamdaman sa isa't isa?

Hindi lang basta kung sino ang aming babanggain. It's my parents, parents ko ang lalabanan namin at tama ba 'yon?

Kairex, gustong-gusto ko ring lumaban.

God knows how much I want to fight with you.

Napalingon ako sa aking clock at saka nanlaki ang mata, alas tres na? Hindi pa rin talaga ako dinadapuan ng antok. Ako'y gulong-gulo na.

Dapat nga'y masaya ako because we have a mutual feelings for each other pero imbes na matuwa ay natatakot ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari.

Kinabukasan ay nagising akong parang Panda. Mabuti na lang hindi ako tinubuan ng pimples.

"Ma'am Brin, pinapatawag po kayo ng mommy niyo." Sandali ko munang dinapuan ang nakasaradong pinto na para bang sa paraang iyon ay makikita ko ang aking ex-bestfriend. Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na sumagot. I miss her.

Pagkatapos maligo ay simpleng yellow t-shirt at short ang aking sinuot. There's nothing special para mag-ayos ako. Lumabas ako ng aking k'warto at sinilip muna kung sino ang nasa sala.

Napahawak ako sa aking bibig habang nanlalaki ang mata. What is he doing here? Mabilis pa sa alas kwatrong bumaba ako ng hagdan namin. Sheyt, bakit ba ang dulas nito?

Bakit siya pumunta rito? Anong binabalak niya?

Halos mabaliw ako sa sobrang daming tanong sa aking utak. Habang palapit sa kanila ay mas lalong lumalakas ang kabog nang aking puso.

"Kairex..." Sabay-sabay silang lumingon sa akin. Sa kaniya ko na lamang tinuon ang paningin ko sapagkat alam kong masamang titig ang pinupukol nina mommy sa akin.

Kung nakamamatay lang talaga ang masamang tingin ay inuuod na ako ngayon.

Nagtatanong ang titig ko sa kaniya ngunit ngumiti siya at pinatabi ako sa sofa. Nababaliw na ba siya?!

"Melody Brin." Parang may bumarang kung ano sa aking lalamunan ng tawagin ni daddy ang pangalan ko. Sa oras na tawagin niya ako with my second name that's mean hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. Nilingon ko si Kairex, mukhang nagpaliwanag na siya.

Anong gagawin ko?

"Dad, mom, b-boyfriend ko po si K-Kairex." Parang gusto kong sampalin ang aking mukha, napayuko na lamang ako. Sa pagkakaalam ko'y mutual ang feelings namin pero hindi kami magboyfriend kaya ba't 'yon ang sinabi ko?

Sheyt, bahala na. D'on din naman tuloy no'n.

"Boyfriend mo?" sarkatiskang ani mommy.

"Yes, madam. I'm her boyfriend." Nanginginig ang tuhod kong tinitigan sina mommy, ramdam kong galit sila. Galit na galit. Sa paraan pa lang ng paghawak ni mommy sa kaniyang pamaypay ay mahahalata na ang kaniyang galit. Si daddy naman ay naglalaro ang daliri sa lamesa.

"Alam mo bang——"

"Yes, alam kong may fiance siya pero 'di ba mali namang ipakasal ang isang tao sa hindi naman niya mahal?" Gustuhin ko mang ngumisi ay hindi ko magawa lalo na't alam kong hindi maganda ang mangyayari ngayon.

"Tama ka r'yan kaya hindi ko pipigilan ang pagsasama niyong dalawa." Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi ni mommy. For real?! I can't believe na hindi sila tumutol.

Tumayo si daddy gano'n din naman si mommy. Bago pa 'yon ay humalik muna ito sa aking pisnge at may binulong, "Pakasaya ka."

Lumunok ako. Anong ibigsabihin no'n?

"Hindi ko akalaing tayo na pala," natatawa niyang sabi kaya naman inis ko siyang pinalo sa braso. Infairness, matigas.

"Ba't ka ba pumunta rito?" Tumitig siya sa akin, kitang-kita ko sa kaniyang mata ang saya. Gano'n din naman ako, masaya ako pero hindi pa rin maiwasang kabahan.

Pa'nong pumayag sila ng gano'n-gano'n?

"Gusto ko kasing makita ang aking reyna kaya naman pumunta ako rito." Pinigilan kong kiligin sa paraang pagkuyom ng kamao, kailan pa siya naging mais? Ang corny pero sheyt kinikilig ako.

Tinanong ko na lamang siya kung siya ba'y kumain na pero hindi pa raw. Maaga raw kasi siyang gumising para lang hanapin ang mansion. Naikwento niya ring napagkamalan pa siyang trabahador. Natutuwa ako dahil hinanap niya talaga kung saan ang aming mansion.

"Labas tayo?" tanong ko kaya naman tumango siya. Ito ang unang date namin na mayroong label. Masasabi ko ng akin siya at ako'y sa kaniya.

"Hindi naman pala ganoong kahirap kausapin ang magulang mo. 'Di manlang ako nakaramdam ng takot." Ngumiwi ako dahil sa kaniyang tinuran, kung siya walang takot ako naman ay halos tumalon na palabas ang puso sa sobrang kaba. Nakatatakot kaya.

Naisipan naming sa isang mall tumungo. Kotse ng kaniyang kaibigan ang dinala niya, halatang lumang-luma na ito pero ayos lang. Wala naman 'yan sa gara ng kotse.

"Anong favorite na song mo?" out of the blue niyang tanong habang nagmamaneho. Nilingon ko ang labas habang nakasandal sa salamin, gumuhit sa aking mata ang luha. May naalala lang akong pangyayari noon.

"Favorite ko ay air supply, carpenters, westlife, MLTR, eraserheads, and rivermaya. Basta old songs." Marahan kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata upang 'di niya mapansin. Tandang-tanda ko pa noong 4 years old ako, lagi kaming kumakanta ni papa ng mga song ng air supply. Bonding naming mag-ama pero nang umapak ako sa edad na pito ay nawala ang bond namin. Isa na lamang akong bata sa mansion, tila isang bula nawala ang saya ng pamilya.

Kung hindi pinamana ni lolo ang negosyo kay papa ay hindi mawawala ang saya namin. Gusto kong sisihin si lolo ngunit ang babaw ng aking rason.

"Gusto mo rin pala ang mga kanta nila, same. Nasanay kasi ako lalo na't 'yon ang laging pinapatugtog nina mama noon at tunay namin kasing magaganda ang liriko."  Ngumiti ako habang tumango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Hindi sa ayaw ko sa mga kanta ngayon sadyang 'di lang no'n makuha ang aking interes.

Napuno ng tawanan ang kotse. Puro kakornihan ang nasa katawan ni Kairex. Halos sumakit ang tiyan ko katatawa. Sheyt kasi 'yan.

Dagdag mo pang wala pa akong kinakain kaya naman ang sakit ng sikmura ko. Kung nakakain lang ang mga mais na jokes ni Kairex ay kanina pa ako busog kaso hindi.

"Puro talsik nang laway mo ang kotse," pang-aasar niya kaya ilang beses ko siyang pinalo. Tawa naman ito nang tawa, mabuti na lang ay nakatigil na ang kotse kun'di nabundol na kaming dalawa.

Tumigil ako sa pagpalo nang hawakan niya ang aking kamay at hinila palapit. Kaya ngayon ay magkatitigan kaming dalawa. Parang ayoko ng alisin ang mata ko sa kaniyang mukha, gusto ko na lang ay habambuhay na nakatitig sa kaniya.

"I love you." Ngumiti ako sabay dampi ng halik sa kaniyang labi.

"I love you more."

•••••
October 21, 2020

When Lundi Comes Where stories live. Discover now