KABANATA LABINDALAWA

28 20 5
                                    

BIYERNES

Third Person's POV

Wala sa sarili niyang inihahakbang ang dalawang paa, mga mata'y tulala ngunit may tumutulong luha. Hindi niya alam na ilang tao na ang kaniyang nakababangga dahil malalim pa sa balon ang iniisip. Ang ilan ay nagagalit at sumisigaw ngunit wala iyong patama upang bumalik siya sa ulirat.

Hindi 'to maaari. Iyan ang mga salitang paulit-ulit niyang sinasambit sa isipan na para bang sa paraang iyon ay mapipigilan niya ang maaaring mangyari.

"Bakit ganito ang nangyayari sa amin?" tanong niya sa kaniyang isipan at nagbabakasaling may sasagot sa katanungan na iyon.

"Miss, are you okay?" Katulad kanina ay hindi niya nilingon o tinapunan ng tingin ang babaeng nagtanong, hindi sa wala siyang pakialam kundi sa kadahilang tulala pa rin ito.

Kung saan-saan na siyang parte ng parke nakararating at hanggang ngayon ay malalim pa rin ang kaniyang iniisip. Ano nga bang gagawin niya? Ano nga bang pipiliin niya? Iyon bang ikasasaya niya ngunit may mapapahamak o iyong ikalulungkot niya ngunit ito naman ay para sa kabutihan ng kaniyang minamahal?

Noong una ay akala niya basta-basta lang ang pag-ibig. She thought everything will be fine as long as their feelings is mutual. Ang alam niya ay puro saya ang pag-ibig, walang nalulungkot sa pag-ibig subalit ngayon tila naging bula ang mga akalang iyon.

Hindi niya napapansin ang isang lalaki na nakatitig sa kaniyang likuran, tahimik itong nakasunod sa babae. Malalim din ang iniisip at hindi alam kung ano ang gagawing desisyon. Halata sa mga mukha nila ang pagod, lungkot, at paghihirap subalit pinipilit pa rin.

Bumalik lamang sa ulirat ang babae ng may humawak sa kaniyang pulsuhan. Nang dumapo ang malambot nitong palad sa kaniyang balat ay alam na niya kung sino ang nagmamay-ari niyon. Gamit ang isang kamay ay pinunasan niya ang luhang kanina pa pala tumutulo sa pisngi kasabay rin niyon ang ilang ulit niyang paglunok. Huminga siya nang malalim bago nilingon ang taong nakahawak sa kaniya.

Tinitigan niya ang mukha ng lalaki simula buhok pababa sa kilay, mata, matangos na ilong, at mapupulang labi.

"Kairex..." bulong nito, may gusto siyang sabihin ngunit may kung anong pumipigil sa kaniya. Bumuntong-hininga na lamang ito at walang pasabi na yumakap sa kasintahan.

Hindi naman nagsalita si Kairex at hinayaang nakayakap ang babae. Hinaplos niya ang malalambot nitong buhok, walang pakialam kung sila'y pagtinginan ng mga tao.

"Kairex," muling pagtawag nito sa pangalan. Hindi naman sumagot ang lalaki dahil alam niya sa kaniyang sarili na ayaw niya ring marinig ang kung ano mang sasabihin nito. Parehas nilang mahal ang isa't isa. Parehas nilang gustong lumaban, subalit parehas din nilang alam na kahit lumaban sila ng paulit-ulit ay wala iyong patutunguhan kaya oras na ba upang sumuko?

Kalilimutan na ba ang katagang ipaglalaban kita?

Misty's POV (Melody's mother)

"Are you sure bang matutuloy ang kasal ng mga bata?" Ngumisi ako at pinaglaruan ang yelo na nasa aking baso. Hindi ako gagawa ng isang hakbang if I'm not sure na mapagtatagumpayan ko ito.

Nagsalin ako ng wine at mahinhing hinalo sa baso. Nang tikman ito'y hindi ko maiwasang huwag mapangiti. Perfect.

Ang wine na ito ay matagal ng nakatago ngunit hindi manlang nagbago ang lasa. Sakto ang tamis, sakto lang ang amoy hindi nakahihilo. Maaari kong ihalintulad ang aking anak na si Melody sa wine na ito, matagal mang nakatago o nagtatago ay alam kong hindi ito nagbabago. I know susunod pa rin ito sa aking gusto. 

Kilala ko ang batang iyon, alam ko ang kahinaan niyon.

Tumunog ang aking phone kaya naman kinuha ko ito na siyang nakapatong sa glass table na nasa aking harapan. Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi at halos magniningning ang mga mata ng makita kung anong message ng aking mahal na anak.

Napasandal ako sa malambot na couch ng maalala ang naging usapan naming dalawa.

"And where do you think your going, My Dear?" Halata ang gulat nito ng makita niyang nakatayo ako sa gilid ng pinto nang kaniyang kuwarto. Of course I know what she's planning and I'm not stupid para hayaan iyong mangyari.

"A-Aalis ako at walang makakapigil sa akin even you, mom!" Ngumisi ako at hinayaan siyang maglakad palapit sa hagdan. Ngunit bago pa humakbang pababa ay may sinabi ako.

"Sa oras na hindi matuloy ang kasal. Mamamatay ang Kairex na iyon." Mabilis pa sa alas kuwatrong nilingon niya ako, nanlalaki ang mata't nakabuka ang bibig. Nakikita ko rin ang pagkuyom ng kamao nitong nakahawak sa dalang bag.

"Hindi kita pipigilang umalis. Gusto mo ihatid pa kita? Pero kilala mo ako, Melody, sa oras na sinabi ko ay gagawin ko. Ngayon... anong pipiliin mo? Ang makasama ang lalaking iyon na bilang na ang oras sa mundo o ang ikasal kay Roy na siya namang dahilan upang mabuhay ng mahaba si Kairex?" Pabagsak niyang binitiwan ang dalang bag habang namumula ang buong mukha, ang dalawang mata nito'y tila nagliliyab na apoy habang sa akin ay nakatitig. Hindi naman malayo ang distansya namin sa isa't isa ngunit malalaki ang hakbang nito upang kami ay magkalapit.

"Paano mo nagagawa ito? Bakit mo 'to kailangang gawin?!" sigaw niya habang may luhang tumutulo sa mata. Bakit ba ang drama ng batang ito at ano bang klaseng tanong 'yan?

Kailangan bang paulit-ulit kong sabihin na ginagawa ko ito upang hindi bumagsak ang kompanya.

"Just once, mom! Isipin niyo naman ang kaligayan ko. Hindi ba puwede iyon?" Nagkibit-balikat lamang ako upang inis nitong sabunutan ang sariling buhok. Nagpapadyak din ito kaya sarkastiko akong tumawa.

"Stop for being dramatic Queen..." Tinitigan ko siya sa mata, kitang-kita ko ang namumuong luha. "And, I know you know the answer to your own questions. Melody Brin, my daughter, hanggang lunes na lang kayo puwedeng magkita ni Kairex pero nasa sa 'yo pa rin ang huling decision kung aalis kayong dalawa. Think. Think. Think wise." Niyakap ko siya subalit hindi naman ako umaasang yayakapin ako nito pabalik. Bumitiw ako rito saka hinaplos ang kaniyang buhok. Naglakad na ako palapit sa hagdan ngunit muling may naalala kaya hinarap ko ang aking anak.

"Sa tuesday na pala ang kasal niyo." Nginitian ko siya ng matamis na animo'y inaasar lalo.

"Mabuti naman at ginawa mo ang tama," bulong ko habang nakangiting nakatitig sa screen ng aking phone.

Pumapayag na ako sa kasal pero hayaan niyo muna akong makasama si Kairex hanggang lunes.

Nilingon ko ang mama ni Roy na nakasilip sa labas ng bintana. Napatakip ako sa aking ilong ng maamoy ang usok nang sigarilyo.

"Matutuloy ang kasal ipabatid mo iyon sa iyong anak na si Roy." Lumabas ako ng kuwartong iyon dahil hindi ko na kakayanin ang usok na nanggagaling sa kaniyang sigarilyo.

Tuesday...

•••••
November 16, 2020

When Lundi Comes Where stories live. Discover now