KABANATA SAMPO

40 26 7
                                    

HUWEBES

Kairex's POV

"Ang daya naman kasi!" sigaw niya habang nakacrossed-arms, sobra din kung makanguso ang labi, p'wede ng sabitan nang kawali.

Nakailang ganiyan na ba siya simula kanina?

"Kanina ka pa laging nananalo tapos ako ni-isa ay hindi pa nananalo! Dinadaya mo ba ako?" Tumawa lang ako at inakbayan siya pero mahina niya lang akong tinulak. Nagyaya kasi siyang maglaro ng basketball dito sa arcade, naka-ilang laro na kami at hindi pa rin siya manalo-nalo.

"Bahala ka nga r'yan." Ngumisi ako at sumunod na lang sa kaniya. Ang cute-cute talaga ng babaeng 'to. 'Di ko akalaing magiging akin ang babaeng ito, babaeng pinapangarap ng maraming lalaki. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para biyayaan ng isang anghel na katulad ni Melody.

"Hindi mo ba ako susuyuin?!" sigaw nito kaya naman ang ilang malapit sa aming dalawa ay napatingin, ngumiti ako sa mga nito bago nilapitan si Melo.

"Sorry na po. I love you, I love you forever and ever." Yumuko ako ng bahagya para magpantay kaming dalawa, tinitigan ko siya at gano'n din naman ang kaniyang ginawa. Nababasa ko ang saya sa mga mata niya, ganoon din ang aking nararamdaman. Masaya— masaya dahil kasama ko siya.

"I love you more, Kai. You won't leave me, right? Hindi tayo maghihiwalay, 'di ba?" Tumango ako sabay dampi ng halik sa kaniyang noo.

"I will never leave you no matter what," bulong ko sabay ngiti. Ngumiti din siya at ilang segundo pa kaming nagtitigan bago naalalang marami pa lang tao ang nanonood sa amin.

"Nakahihiya." Kumapit siya sa aking braso sabay hila palayo sa mga taong nakatingin sa amin. Hindi naman mapanghusga ang pagkakatitig nila, masaya sila para sa amin.

"Bumawi ka sa akin dahil dinadaya mo 'ko kanina." Kumunot ang aking noo, sa pagkakaalam ko ay hindi ko siya dinaya.

"Ako pa talaga ang nandaya? Sino ba 'yong humingi ng tulong kay kuyang crew?" Pang-aasar ko kaya sumimangot na naman ito. Tumalikod na lang siya at mabilis na naglakad palayo.

Umiling ako saka siya hinabol. Hinawak ko ang isa kong kamay sa kaniyang kanang kamay.

"I love you. Sorry na, ano bang gusto mo?" Bumalik ang ngiti nito sabay ikot ng paningin sa paligid. Dumapo naman ang tingin niya sa isang botique.

"Magshoshopping tayo!" masaya nitong sigaw. Hindi na niya ako hinintay pang makasagot bagkus ay hinila na niya ang braso ko papasok d'on.

Puro damit pambabae ang tinitinda rito. Binitiwan muna ni Melody ang kamay ko saka lumapit sa isang kulay light pink na dress, above the knee ata. Simple lang ang design.

"Bagay sa akin?" tanong niya kaya nag-thumb ups ako. Mas nakadagdag puti ng balat niya ang kulay.

Ilang botique pa ang pinuntahan namin, nagmumukha na akong christmas tree sa sobrang daming shopping bag. Hayaan na nga, basta ba'y ikasasaya niya ay gagawin ko, kahit pa maging christmas tree ako.

Kitang-kita naman kasing masayang-masaya siya at lubos ko 'yong ikinatutuwa. Sino ba namang lalaki ang gustong makitang malungkot ang babaeng kaniyang iniibig?

"Kaya pa?" tanong niya ng umupo kami sa isang wooden bench. Huminga ako nang malalim sabay tango.

Kakayanin ko ang lahat para sa 'yo, Melo.

"Kai, salamat sa araw na 'to. I'm so happy dahil ikaw ang kasama ko." Binaba ko muna sa sahig ang mga shopping bag saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa kaniyang hita.

"Basta sa ikasasaya mo, lahat ay gagawin ko."

Nagkuwentuhan muna kaming dalawa bago naisipang ilagay sa kotse ang mga shopping bag. Akala ko'y uuwi na pero sabi niya'y may pupuntahan pa kami.

"Charann!" masayang sambit niya. Sa tapat namin ay isang room na puro tube, good for two people ang tube na iyon. Madilim ang kabuong room pero dahil sa liwanag sa bawat tube ay lumiwanag ang paligid. May ilang tube na mayroong laman, kumakanta sila pero hindi rinig.

"Tara na dali. Kakanta tayo." Hinila niya ako palapit sa isang tube, may ini-scan siyang card at bumukas ang kalahati nito. Naaastigan ako kaya wala akong masabi.

Umupo ako sa upuan, malambot ito. Si Melody naman ay inayos ang itim na kurtina upang 'di kami makita sa labas. P'wede naman pala 'to, 'di sana ay nagtatakip ng kurtina ang mga kumakanta kanina. 'Di ba nila ang alam na ang e-epic ng mukha nila? Iniwasan ko lang talagang tumawa pero nakatatawa ang itsura ng mga tao sa loob ng tube.

"I wanna hear your voice while singing," aniya at inabot sa akin ang song book. Napanguso akong tinitigan siyang umupo sa kabilang upuan.

"Hindi ako ang screen, Kai." Sandali ko pa siyang tinitigan bago muling humarap sa song book. Hinanap ko r'on ang kantang siguradong magugustuhan niya.

Nang mahanap ay agad kong itong isinalang. Ilang sandali lang ay tumunog ang intro nito, kinuha ko sa harap ang mic at ngumiti kay Melody sabay mouthed ng I love you.

Every night seems, dinner and wine Saturdays, girls
I was never in love, never had the time
In my hustle and hurried world
Laughing my self to sleep, waking up lonely
I needed someone to hold me, oh

It's such a crazy home town
It can drag you down
Till you run out of dreams
So you party all night to the music and lights
But you don't what happiness means
I was dancing in the dark with strangers
No love around me
When suddenly you found me, oh

Tumitig ako sa kaniyang mata at ganoon din ang kaniyang ginawa. Napakaganda niya, nakikita ko sa kaniyang mata ang future naming dalawa. Alam kong siya na, siya na ang itinadhana para sa akin.

Girl, you're every woman in the world to me
You're my fantasy, you're my reality
Girl, you're every woman in the world to me
You're everything I need, you're everything to me
Oh girl

Everything good, everything fine
That's what you are
So put your hand in mine and together we'll climb
As high as the highest star
I'm living the life time in every minute
That we're together
And I'm staying right here forever, oh

Girl, you're every woman in the world to me
You're my fantasy, you're my reality
Girl, you're every woman in the world to me
You're everything I need, you're everything to me
Oh girl...

Pagkatapos ng kanta ay ibinaba ko sa upuan ang mic at lumapit sa kaniyang tapat. Ako ay lumuhod upang magpantay kaming dalawa. Hinawi mo ang buhok niyang may highlight na green na nakakalat sa kaniyang mukha. Tinignan ko ang bawat parte ng mukha niya, kinakabisado.

"Namumutan Ta Ka sa Bicolano. Palangga Ta Gid Ka sa Ilonggo. Gihigugma Ta Ka sa Cebuano. Mahal kita sa Tagalog. Sabihin mo lang kung kulang pa at handa akong kabisaduhin ang lahat ng lengguwahe ng ating bansa, masabi ko lang na mahal na mahal kita."

•••••
11-03-2020

SONG TITLE

1. Every Woman In The World by Air Supply

When Lundi Comes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon