Chapter 7

389 13 0
                                    

"Uhh," hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito sa lalakeng bigla bigla nalang akong niyaya na sa kanya sumama.

"We'll have a lunch and we'll meet your brother." sabi niya sa akin ha ang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Huh? Kuya has a flight. Okay ka lang?"

"He has domestic flights only for today,"

"Huh?"

"Anong huh?"

"Huhtdawg," pamomolosopo ko sa kanya at hindi naman niya ako pinansin pa.

Huminto kami sa parking lot ng airport at hindi niya pala sinabing sa loob pala kami ng airport kakain.

"Hoy!" tawag ko sa kanya sabay hila ng kanyang damit nang patuloy-tuloy siyang maglakad papasok ng airport.

Nagulat naman ako na dire-diretso lang siya sa paglalakad at bahagya pang yumuyuko ang mga staff ng airport sa kanya. Regular ba siya dito? Kilala na siya ng halos lahat ng tao ah.

"Miss Amaya, pwede po papicture?" tanong ng isang bata sa akin. Pumayag naman ako at tiningnan si Phoenix na medyo malayo na sa akin at mukhang hindi alam na hinarang na ako.

"Amaya, pwede ako rin? Selfie po."

Dumami ng dumami ang mga taong gustong magpapicture sa akin. Napakagago naman kasi nitong lalakeng gustong kumain dito eh.

Ngunit hindi ko namalayan na binalikan niya ako. Nagulat rin ang halos lahat sa kanyang paglapit sa akin.

The fucker grabbed my waist and pulled me closer to him.

"I'm sorry everyone but Amaya and I wanted to have a peaceful stroll," he said and the people started to murmur and take pictures of us.

"Tara na." he said in boredom and pulled me away from the crowd.

Hindi naman na kami sinundan ng mga ngunit napansin kong may mga escort na kami.

Nang makarating na kami sa isang cafe, kung saan kami kakain, ay hindi ko na nakita ang mga escort na nakabuntot sa amin kanina. Sinubukan ko silang hanapin sa paligid pero hindi ko na sila makita.

"I told them to hide," bigla niya namang sabi habang tinitingnan ang menu.

"Escort mo?"

"Bodyguards." he corrected.

Wow. Edi siya na may mga bodyguards.

"Do you want something? Or I should order for us?"

"Kahit ano na basta huwag lang heavy meal. Strict ang diet ko eh." sagot ko naman sa kanya.

He scoffed and said, "Kahit ano daw pero—"

"Caesar salad, miss. Water for my drink." sabi ko sa waitress nang nakangiti.

Sinipa ko naman ang paa nitong lalakeng nasa harap ko at hindi niya lang man ako pinansin.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin agad ang order namin. Pareho lang kami ng in-order ngunit nag juice siya para sa kanyang inumin.

Ang awkward kasi ako lang mag-isa ang kumain. Tiningnan niya lang ako hanggang sa maubos ko ang pagkain ko.

"Kambing ka ba?"

Naubo naman ako dahil sa tanong niya. Sinakto niya kasi habang umiinom ako ng tubig.

"Bastos ka ba?"

"Baka iyong kliyente mo kahapon ang bastos?"

Na back to me agad doon ah?

"Alam mo nakakabwisit ka—"

Miss Moon (Misses Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon