CHAPTER FOUR

86 132 73
                                    

Chapter Four: Plan

Shamzie's Point of View

Walang ganang tinignan ko ang tanawin mula sa bintana ng aking silid. Noon ay napapakalma ako ng tanawin na 'yon dahil sa mga sumasayaw na puno na naroroon. Ngunit nang tignan ko 'to ngayon ay mistulang malungkot rin ang mga ito.

Nakaupo ako sa kama ko habang nakayakap sa aking tuhod. Lamig na lamig ako kahit na tirik na tirik naman ang araw. Ang haring araw na sumisimbolo sa panibagong pag-asa ngunit kabaliktaran naman ang nararamdaman ko.

Kakaibang lungkot ang binibigay sa akin ng mundong 'to.

Hindi ko akalain na magiging ganito ako kalungkot ngayon. I used to be happy before.

Hanggang ngayon ay pala-isipan pa din sa akin kung bakit nila kinuha si Asteria. Wala akong nakikitang kasalanang ginawa ni Asteria dahil kung mayroon mang may kasalanan dito ay ako iyon dahil sa ginawa kong pagpatol sa estudyante ng Frell.

Tatlong araw na din ang lumipas mula ng kinuha nila sa amin si Asteria. Tatlong araw na din akong nagkukulong sa kuwarto ko. Wala akong ganang kumain pati na rin ang makipag-usap ay hindi ko magawa, ngunit bukod kay Inang ay palagi pa din akong binibisita ni Shedrix para kamustahin.

"Hijo, ikaw na ang bahala sa batang iyan. Kanina ko pa pinapakain pero sadyang ayaw niya." Nakarinig ako ng mga mahihinang boses sa labas ng pinto.

"Sige po, ako na ang bahala kay Shamzie." Sagot naman ng isa pang tinig.

Maya maya ay nakarinig ako ng mga katok sa pinto ko. Hindi na ako nag-abalang tumayo dahil hindi naman naka-lock iyon.

Bumukas ito at iniluwa nito si Shedrix na may hawak na tray at may lamang pagkain.

"Shamzie.." Tawag nito sa akin ngunit hindi ako lumingon.

"Shamzie, kumain ka muna."
Lumapit ito sa akin at saka umupo sa kama ko.

"Wala akong gana, Shed. Pasensya na." Sambit ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

Rinig ko ang mabigat na pagbuga nito ng hangin.

"Shamzie, hindi naman yata tamang pabayaan ang sarili mo dahil sa mga nangyari. Hindi matutuwa si Asteria kapag nalaman n'ya 'to. Kilala mo naman 'yon, papakainin ka ng sermon kapag may hindi ka tamang ginawa lalo na sa sarili mo."
Sabi sa akin ni Shed.

Mas lalo akong nalungkot sa sinabi nito dahil mas lalo kong na-miss si Asteria.

"Hindi matutuwa? E nasaan ba s'ya? Makikita nya pa ba 'to? Makikita n'ya pa ba tayo?" Mapait kong sabi dito at saka ngumiti ng pilit.

Sandaling natahimik si Shed.

"Shamzie, don't do this to yourself. Unti-unti kang nagbabago. Hindi mo ba 'yon napapansin? Unti-unti kang nilalamon ng kalungkutan to the point na nagiging hopeless ka na sa lahat ng bagay. Hindi 'yan yung Shamzie na nakilala namin." Seryosong saad nito at napalingon naman ako dito.

Nakaramdam ako ng konsensya sa mga sinabi nito. Naisip ko na pinag-aalala ko ang mga taong nagmamalasakit sa'kin.

"Shed, hindi ako matapang. Hindi ko kaya yung ganito. Pinanghihinaan ako ng loob sa tuwing iniisip ko na hindi na natin makikita si Asteria." Unti-unting nangilid ang mga luha ko.

"I know, Shamzie. Ganyan din ang nararamdaman ko pero hindi ka dapat nagpapadala sa emosyon mo. Iyan ang makakatalo sa iyo sa kahit anong laban." Naging mahinahon ang boses nito at tumingin sa akin ng may lungkot.

Mysterious Castle (On-Going)Where stories live. Discover now