Chapter 4- Denial & Isolation

163 25 4
                                    


Wang Haikuan POV

Hanggang ngayon di parin gumigising ang kapatid ko nasa St

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hanggang ngayon di parin gumigising ang kapatid ko nasa St.Lukes Hospital kami kasama ang mga kaibigan nya.. Sinisisi nya ang sarili nya sa pagkawala nang asawa at anak nya.

Lumapit si Daddy saakin at pilit akong pinakakalma.

"Anak kumain ka muna.. Pinahahanap nanamin sa buong CCTV footage kung sino ang may pakana sa plane crash"- Daddy

"Natatakot ako baka kung anong gawin nila sa kapatid ko. Papa ang sakit bilang kapatid na wala kong magawa.. "- Yoongi

Tinawag namin si Doctor Yuchen at nagkamalay na daw si Yibo Pumasok ako sa Room nya at nakita ko syang bumangon agad.

"Kuya si Jingyi at Zanilla nandyan na ba sila?? Daddy si Jingyi?? Yung anak ko naibalik naba?? Kuya nasaan si Jingyi.???"

"Hinahanap pa namin ang remains ni Zanilla at Jingyi pero wala kaming mahanap.. Tanging ito lang"- Inabot ni Daddy ang airplane toy ni Jingyi na sa pag kakaalam ko regalo ni Yibo sa anak nya.

Nakita kong humahagulgol si Yibo kaya niyakap ko sya.

"Anak ko.. ibalik nyo ang anak ko... Jingyi anak ko"- Nagwawala na sya kakaiyak.

Pilit parin naming pinapatahan si Yibo pero hindi parin sya tumitigil. Sobrang nahihirapan ako sa kalagayan namin.

Kahit ako nasasaktan sa mga nangyayari. Hindi ako titigil sa pag hahanap sa pamangkin ko at Zanilla.

"Yibo, patibayin mo ang loob mo nandito kami hahanapin natin si Jingyi at Zanilla."

"Handa akong maglabas nang pera ibalik lang nila ang anak ko."

"Yibo mag tatawag ako nang pulis sa buong Pilipinas at gagamitin ko ang Media para mahanap natin ang dalawa."

"Tinawagan ko na lahat nang transportation department ."- Sabi ng asawa kong si Zanjin.

Alam kong malaki ang maitutulong saakin nang kaibigan ko hawak nila ang Media.

"I'm willing to get the best agent kahit sa labas nang Bansa natin"- Zanjin.

Pumunta kami sa Police Station at tinignan ang CCTV Camera nang Buong Cebu Pacific nakita ko yung nakaitim na tao sa likod ng airshift at may nilagay silang bomba sa loob ng Airplane. Bumwelo yung nakaitim na naka suot nang sombrero at Dahan dahan silang umalis ng nailagay na nila ang Bomba.

Halos mangigil ako sa taong gumawa ng malagim na trahedya na ito. At sumakay sila nang Van. Zinoom out nila ang Van at failed kami sa pagtingin nang Plate Number.

Halos magdugo ang kamay ko nung lumabas kami sa Police Station nagsisigaw ako sa galit kaya sinuntok suntok ko yung pader. Inaawat ako ng asawa kong si Zanjin pero masyado akong aggressive para mapatumba nila.

"Honey, kumalma ka.. Kahit kami gusto naming malaman kung sino ang gumawa ng lahat ng ito.. "

*****

1 Week Ago

Hanggang ngayon nakatulala parin sa kawalan si Yibo 1 linggo na syang walang gana at halos hindi na kumakain umiiyak ako sa harap nang kapatid ko at nagmamakaawang Kumain kahit konti. Hirap na hirap ako sa kalagayan nya halos wala na syang buhay habang nakatulala sa kawalan. hawak nya ang airplane toy ni Jingyi.

Si Yibo ang pinaka naapektuhan sa pagkawala ni Jingyi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Si Yibo ang pinaka naapektuhan sa pagkawala ni Jingyi. Miss na miss ko na ang masayang pamilya na meron kami.

Bakit kaya kailangan nyang sapitin ito??? Sobrang hirap na hirap ako habang pinagmamasdan ang kapatid kong nakatulala sa kawalan na halos hindi ko na nakausap.

"Anak sana bumalik ka na saamin.. Anak hahanapin ka ni Daddy kahit anong gagawin ko mahanap lang kita.. Anak mahal na mahal kita"- paulit ulit nyang siansabi ha halos nagpapadurog sa dibdib ko.

"Anak kung nasaan ka man ngayon sana walang masamang mangyari sayo. "

Lumapit ako kay Yibo. Niyakap ko sya nang napakahigpit. Nasa loob sya nang Baby Room at nakikita kong yakap yakap nya ang unan ni Jingyi . Awang awa ako sa kalagayan ng kapatid ko.

"Kapatid ko.. Hindi ako titigil kakahanap sa pumatay sa pamnagkin ko pangako yan kapatid ko"

Pumunta ako sa Nie Telecom at kinausap ko si Mingue nagpatawag ako nang pressconference at mga reporters.

Tinapat nila ang Lente nang Camera saakin at Sinabi ang lahat nang gusto kong sabihin.

"Alam ko kung sino ang may pakana sa pagsabog ng Eroplano na sinasakyan ng Sister in Law at Nephew ko.. Wen Rouhan, Wen Chao kung nanunuod kayong buong pamilya hindi ko hahayaan na magsaya kayo.. Tandaan nyo may kakalagyan kayong lahat..."

Halos madurog nanaman ako ayaw ko man maging emotional pero di ko na kinayanan pa ang sakit.

****

1 Month Later:

Naririnig ko yung kapatid ko na palaging may kausap. Tumatawa nang mag isa at nung isang araw na binuksan ko yung Baby Room ni Jingyi nakita ko si Yibo hawak ang Stuff stoys ng anak nya hinehele at kinakantahan.

"Anak aalis tayo pupunta tayo sa playground gusto mo??"

Parang sinasaksak ang puso ko nung nakita kong unti unti nang nawala sa sarili yung kapatid ko. Sobrang sinisisi ko yung sarili ko dahil isa ako sa mga nakiusap kay Daddy pa mag unwind si Yibo.

Tumawag na ako kay Jiang Yanli ang resident psychiatrist na classmate ko nung high school para humingi nang tulong.

Ayoko man gawin kay Yibo yun pero mas ayoko naman matuluyan syang mawala sa katinuan mahal na mahal ko ang nag iisa kong kapatid.

Pumasok ako sa Baby Room at nakita kong nakaupo si Yibo.

"Bodi.... "

"Kuya.. "- sumilay ang magandang ngiti nya. pero may bakas nang pagdurusa.

"Bodi aalis tayo ahhh"- lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo.

"Shhht wag kang maingay kuya natutulog si Jingyi"

Niyakap ko si Yibo. At tuluyan nanaman akong bumigay.

"Sorry Bodi, Sorry sa lahat "- hinaplos ko ang buhok nya at hinayaan ang sarili kong kayakap sya.

Filled With Intoxicating Love (Yizhan AU- Filipino)Where stories live. Discover now