Synopsis

2 1 0
                                    

"Hihintayin kita.."

"Wag mo na kong hintayin..matagal pa bago ako makabalik dito"

"Hihintayin pa rin kita kahit gaano pa kata---"

"Pag-uwi ko rito papasok pa ako sa military---"

"Hihintayin pa rin kita.."

"Paglabas ko sa military babalik pa ulit ako sa Italy---"

"Hihintayin ulit kita.."

'Ang kulit ng babaing to'

"Siggy..mamimiss kita.."

Napatingin ako sa kaniya matapos niyang sabihin yon.Namumula ang buong mukha niya at pinipigilan na maiyak sa harap ko.

'a-ano bang gagawin ko?'

Tumingin ako sa harap at tinanaw ang papalubog na araw.

Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay bumigat ang nararamdaman ko.Ang tahimik ng lugar,malamig na simoy ng hangin,maingay na guro at lalo na ang katabi ko...mamimiss ko ang mga ito.

"Siggy..mag-iingat ka dun ah.."

'Ikaw rin..'

"Mamimiss talaga kita..yang presensya mo sa room,ang kagwapuhan mo at kaastigan mo"

'mamimiss ko rin ang kakulitan at kaingayan mo'

"Siggy..woi!magsalita ka naman dyan.."

Tiningnan ko siya at saka walang pasabing niyakap.Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko pero pagkalipas ng ilang minuto ay niyakap niya rin ako pabalik.

"H-hihintayin t-talaga k-kita-a ...t-to-t-too yun-n.."gumaralgal ang boses niya.

Niyakap ko siya lalo ng mahigpit,ibinaon niya ang kaniyang mukha sa dibdib ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at gamit ang palad ay pinahiran niya ang kaniyang buong mukha na punong puno ng luha.

"Ang OA mo naman.."inabot ko sa kaniya ang panyo ko.

Kinuha niya iyon at saka ginamit pampahid sa mukha niya.

"Siggy..."

Paglingon ko sa kaniya ay sakto namang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya.

Tatlong dangkal....

Dalawa....


Isa....


"BAWAL YAN DIBA?"

Pareho kaming nagulat ng may magsalita sa likod namin.Nilingon namin ang isa't isa at saka..



Mabilis na tumakbo!!




"HOY BAWAL MAGLAMPUNGAN DITO DIBA!BUMALIK KAYO RITO!!TULUNGAN NIYO NA LANG AKONG MAGTANIM DITO!!"

Pareho kaming natawa habang magkahawak-kamay na tumatakbo.

Oh my,Tenor!Where stories live. Discover now