One

3 1 0
                                    

"Mr.Romano may bagong transfer student dito puwede bang pumunta ka muna dito?"

"Mr.Principal papunta nako diyan"

"Sige,sige mr.romano"

Ibinaba ko agad ang tawag saka nilagay ito sa bulsa ng pantalon ko.

Teka?!

"Day off ko ngayon ah bakit naman ako pupunta ron?" napataas ang kaliwang kilay ko.

Pinatugtog ko ang paborito kong musika at sinasabayan ang tugtog.

Pagkarating sa parking lot ay naghanap agad ako ng ma paparkingan.Pinarada ko ito sa dulo katabi ng itim na sasakyan.

Skkkrrcchhhh!

Napalabas ako ng sasakyan upang tingnan ang nabunggo ko.Lumabas sa sasakyan ang tatlong lalaki at lumapit sa akin.

"P-pasensya na sa i-inyo hindi ko sinasadya..babayaran ko na lang---"

"Alam mo ba kung magkano ang halaga ng nabangga mo?"

Napakamot ako sa batok at tiningnan ang nabunggong parte ng sasakyan.Gasgas lang!

"Gasgas lang mga si---"

"Eh ano ngayon kung gasgas lang!" tumaas ang boses ng isa.

"Ang mahal ng kotse neto na kahit gasgas lang ay hindi da---"

Napatigil sa pagsasalita ang nasa gitna at nilingon ang nasa loob ng kotse nila.Bumukas ang pintuan nito at lumabas ang isang lalaki na naka formal attire.

'Ito na siguro yung boss nila.'

Lumapit ito at sinilip ang parte ng nabangga at saka lumapit sa sasakyan ko at sinilip ang loob nito.

"Ganda ng kanta...Hindi bagay sa patapon mong kotse" tumingin siya sakin bago naglakad pabalik sa kotse niya.

Bago pumasok sa loob,lumingon siya sa tatlong lalaki.

"Kunin niyo ang number niya pagkatapos saka niyo paalisin"

"Opo boss" sabay na sambit ng tatlo at yumuko pa.

'Patapon?..Angas din ng mokong yun ah.'

Binigay ko ang number ko at saka umalis sa parking lot.Pagkarating sa eskwelahan ay dumiretso ako sa principal office at hindi na nag-abalang kumatok.Pinihit ko ang pintuan at saka dire-diretsong umupo sa mahabang sopa.

Umikot ang swivel chair paharap sa akin at bumungad ang nakangiting mukha ng principal ng Media Arts High.

"Kumusta,Mr.Romano?"

Inis ko siyang tiningnan saka binalingan ang papeles na nasa harap ko nakapatong ito sa center table.Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki na naka salamin.

"Good morning mr.principal" nakangiti nitong bati at yumuko.

"Good morning din sa iyo"maligaya nitong bati pabalik at itinuro ang mahabang sofa na kaharap ko.

Ngumiti ito at umupo sa kaharap kong sofa.

"Siya nga pala Mr.lee..ito si mr.romano ang head ng music" pakilala nito sa akin.

Iniangat ng kaharap ko ang kamay niya kaya nakipagkamay ako sa kaniya.

"Good morning mr.romano"

Tumango ako at umayos ng pagkakaupo.
Dinampot ko ang papeles na kanina ko pa tinitingnan at saka binasa ang nakasulat dito.

"Mukhang talentado ang batang tinutukoy mo mr.lee"panimula ng principal.

"Ay naku Mr.principal hinding-hindi po kayo magsisisi sa batang yun" sagot nito pabalik.

"Na expell ang batang to sa dati niyang eskwelahan?"

Lumingon sa aking direksyon ang dalawa.Napakamot sa batok ang nakasalamin.

"Mr.romano hindi talaga maiiwasan ang gulo lalo na sa mga kabataaan hehe"

"May iba rin siyang record mula sa iba pa niyang eskwelahan..matinik ang isang to"

"Mr.romano tingnan mo ang achievements ng bata hindi bat kay gaganda?" Pag-iiba ng principal.

Nilipat ko sa pangalawang pahina ang papeles.Bumukas ang pintuan at tumayo ang nakasalamin.

"Mr.principal ito pala si Sigmund..Sigmund bumati ka"

"Good morning po mr.principal"

"Kay gwapong bata pala ni Sigmund"

Umangat ang tingin ko sa kaniya at saka tinuon uli ang atensyon sa papeles

Teka?!

Binalik ko ang tingin sa kaniya at maging siya ay nagulat din.

"Nagkita na naman ulit tayo,sir."nakangiti nitong wika.

"So mr.romano magkakilala na pala kayo ni Sigmund..bakit hindi mo sinabi?" umayos ng pagkakaupo ang principal.

"A-aray..Ang sakit ng batok k-ko.."hinimas ko ang batok ko.

"Mr.romano ayos ka lang ba?..Kung gusto mo magpahinga ka muna" iminuwestra ng principal ang kamay niya sa direksyon ng pintuan.

Tumingin sa ibang direksyon ang lalaking nagngangalang Sigmund.Lihim akong napangiti.
Tumayo ako at nag-unat.

"Mr.romano bago kayo umalis puwede bang ipa-take mo muna siya ng vocal test" pahabol ng principal.

Naglakad ako at nilagpasan siya binuksan ko ang pintuan at naramdaman ko namang sumunod siya.

Narinig ko naman tumunog ang selpon niya kaya binagalan ko ang paglalakad.

"S-sige po boss.."

Nagkunwari akong may tinitingnan sa relo ko.

"Mr.romano?"

Nilingon ko siya.

"Yung vocal test,sa ibang araw ko na lang gagawin"

Nilapitan ko siya at huminto sa harap niya.

"Hindi ganyan ang paraan ng pakikipag-usap sa teacher mo.."

"Po?"

"Ayusin mo ang pananalita mo.."

Napakamot siya sa tenga niya na waring hindi naiintindihan ang ipinahihiwatig ko.

"Sabihin mo..'Puwede po bang sa susunod ko na lang itake ang vocal test,sir?'..ganun dapat"

Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad.

"Wag mo na lang bayaran yung nabangga mo..gasgas lang naman eh"

Nilingon ko siya pero nakalayo na ito.
YABANG!!

Oh my,Tenor!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora