Two

0 0 0
                                    

"Saang lupalop ba ninyo pinatahi yang uniporme ninyo,sa sobrang hapit ni hindi na makaangat pataas"

sita ng PE teacher sa dalawang estudyante.

"Ayaw mo nun ma'am hindi na kami masisilipan"

sarkastikong sagot ng isa.

"Paano kayo makakalakad niyan?"

mapang-asar nitong tanong habang tinuturo ang pang ibaba ng isa.

"Edi humahakbang!"

sarkastiko ulit na sagot nung isa.

Pinalo siya ng isang guro na lalaki.Maliit ito at hanggang balikat lang ang katangkaran,abot hanggang balikat ang buhok at may bangs.

"Ilang bote ng pampakulay ang naubos mo para diyan sa buhok mo?"

Tanong niya sa kaharap.

"Ang totoo po kasi niyan sir..kulang sa nutrisyon ang buhok ko kaya pinakulayan ko"

sagot ng estudyante habang umaaktong may  luhang pinupunasan sa mukha.

"Ahh ganun ba..at sino namang loko ang nagsabi sayo nyan hah?!..ang dapat diyan kinakalbo eh..bigyan nyo nga ako ng gunting!!"

sabay hablot sa buhok ng estudyante.

"A-aray ko po..a-aray sir..masakit-t!!"

Huminto sa di kalayuan ang isang itim na kotse at bumaba ang isang lalaki.

"Ingat po kayo,boss"

sabay yuko ng tatlo.

"Ayon sa nasagap kong balita may transferee raw tayo..mukhang yan na ata yun,ang laki niya ah"

Bulong ng isa sa katabi.

"Malaki talaga..hahaha"

Tinampal ng katabi niya ang braso niya at nagtawanan sila.

Dumaan ito sa harap nila habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pants niya.

"Sir..bakit siya hindi niyo sinita?"

bulong ng estudyante.

"HOY,IKAW!!"

Napahinto ito at saka lumingon sa kanila.Palihim na kinurot ng guro ang estudyanteng sumigaw.

"A-ako?"

Lumingon-lingon ito sa paligid niya bago binalik ang tingin sa kanila.

"A-ah maaari bang lumapit ka sandali"

hinablot ng guro ang libro na hawak ng kapwa niya guro at saka binuklat ito.

"DIYOS KO!!!"

Nagulat ito ng mag-angat ng tingin ay nasa harap niya na ang binatilyo.

"May problema ba?"

tanong nito sa kaniya.
Binaba niya ang tingin at dumapo ito sa pang-ibabang parte ng kaharap.

"Ah yung sapatos mo kasi..."tiningnan niya ang nakasaad sa libro.

"Pero sa tingin ko..puwede na yan hehe"

nakangiti niyang sambit.
Tumango ito sa kaniya at saka tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.

"Ingat hehe!!"

Sabay yuko ng guro kaya binatukan siya ng kapwa niya teacher.

"Sir,natakot ka sa kaniya noh?"

Mapang-asar na tanong ng estudyante.

"A-ah anong..sinong natatakot?"

Akmang hahampasin niya ang estudyante pero tumakbo na ito kasama ang katabi nito.

***

'Ang bango naman ng buhok niya'

Inamoy ko ang dulo ng buhok niya at saka dahan-dahan itong hinimas.

Nagising siya at dahan-dahang umangat ang tingin sa akin.Nginitian ko siya habang siya naman ay kakamot-kamot sa mukha niya.

"Totoo ba yang kulay ng buhok mo?"

Kumunot ang noo niya at saka umayos ng upo.Inayos niya ang nagusot na damit at gamit ang kamay ay sinuklay niya ang nagulong buhok.

'ang gwapo niya🤤'

"Anong pangalan m---"

"Shut up."

'sheyt..ang swabe ng boses'

"Okay..okay"

Itinaas ko sa ere ang dalawa kong kamay na wari sumusuko at saka tumayo.

Nag-unat siya at saka bumalik ulit sa pagkakadukdok.

"Woi.."

'grabe..snobber pala to'

"Woi---"

"Tatahimik ka o tatahiin ko yang bibig mo?"

may pagbabanta sa boses niya habang nakadukdok parin.

"Sige nga pano?"

Umangat ang mukha niya at nakita kong nagsalubong ang kilay niya.Hinablot niya ako gamit ang necktie ng uniform ko at saka inilapit ang mukha ko sa kaniya.

"Ang.kulit.mo"

may diin ang mga salitang binitiwan niya.
Sa halip na matakot ay natuwa ako dahil ang kyut niya kasing tingnan.

Kumunot ang noo niya at mas inilapit pa ang mga mukha namin.

"Isa akong gangster..hindi mo alam kung ano ang mga kaya kong gawin sayo"

matigas na wika niya.Bumaba ang tingin ko sa ID niya.Sigmund Martyn.

"Ang cool mo kaya,Siggy"

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa necktie ko kaya dahan-dahan akong lumayo sa kaniya.

"Eh ano ngayon kung gangster ka..swabe yun para sakin"

nakangiti kong wika.

"Ah ganun pala ah----"

Tumakbo ako palabas ng room ng hindi lumilingon sa kaniya.

'Siggy...'

Hi, I'm Wynwyn nga pala.17 year old.At yun crush ko yun,ang bagong estudyante ng media arts high,si Sigmund Martyn.And I call him 'Siggy'.

Tumakbo ako papuntang rooftop at tumambay na lang.

Student is life.




Oh my,Tenor!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ