Panimula

1K 10 1
                                    

Nurse’s POV

“Good Morning po!” masayang bati ko sa aking masayahing pasyente. Natutuwa ako sa kanya dahil sa kabila ng karamdaman niya, palagi lang siyang nakangiti at maraming kwento ‘pag ako ang nakikita niya.

“Good Morning rin iha. Papainumin mo na naman ba ako ng lason?” pabiro niyang sabi habang nakahiga sa kanyang kama.

“Talaga ho kayo. Meron bang lasong nakakagaling?” Inilapag ko ang gamot sa mini table malapit sa kanyang kama at umupo sa silya kaharap niya. “Ayos lang ho ba kayo? May masakit po ba kayong nararamdaman?”

“Wala na iha. Masaya ako dahil ito na ang araw na pinakahihintay ko. Pwede na siguro akong mamatay pagkatapos ng araw na ito,” medyo seryoso niyang sambit.

Hinaplos-haplos ko ang kamay niya at matamis siyang nginitian. “Natutuwa po ako na natupad na rin ang hinihiling niyo. Buong buhay kayong naghintay pero ngayon talaga ang araw na pinakahihintay niyo. Pero, wag naman kayong magsalita ng tapos. Naniniwala po ako na dudugtungan ng Diyos ang buhay niyo dahil napakabuti niyo pong tao. Nakakangiti pa nga po kayo e.”

“Alam kong  pinapagaan mo lang ang loob ko. Hinihiling ko sa Diyos na kunin na niya ako pagkatapos ng araw na ‘to. ‘Pag nakita ko na sila, marahil e tapos na ang misyon ko sa buhay. Masaya na ako at maluwag ang loob na aalis sa mundo,” pangiti niyang sabi kahit nababasa ng luha ang kanyang mga mata.

Love after Time (A Timeless Story)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora