Chapter 1: The Meeting

788 7 1
                                    

♫ “Lying in my bed I hear the clock tick,
And think of you
Caught up in circles confusion -
Is nothing new
Flashback - warm nights -
Almost left behind
Suitcases of memories,
Time after –“

Ang sarap talagang pakinggan ng alarm ringtone ko tuwing umaga. Instead na magising ako e lalo pa akong inaantok dahil sa pagka slowbeat ng kanta. Mabuti na lang at favourite song ko ito kaya kahit anong bigat ng pakiramdam kong bumangon e nagigising pa rin ako.

Ngayong araw ang appointment ko kay Sir Filimon Abraham kasama ang aking pinakamamahal na Future Husband. Ayaw na ayaw niya akong tinatawag ko siyang Sir dahil gusto niya e Lolo ang itawag ko sa kanya. Hindi ko siya tunay na Lolo pero nung isang araw na nagkrus ang landas namin upang tulungan siya, napalagay na ang loob niya sa ‘kin, maging ako sa kanya. Ang haba at nakakatuwa ang kuwento naming dalawa kung paano kami nagkita at nagkakilala. Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng Lolo (Hindi ko naranasang magka-lolo dahil simula nung ipinanganak ako e pumanaw na sila sa father at mother side ko) sa katauhan niya.

“Ma ‘wag mo na akong pagbaunan. Magla-lunch na lang kami ni Zandrew together,” pangiting sabi ko sa aking ina.

“Sigurado ka? Ang sarap pa naman ng niluluto ko,” paawa niyang sabi habang niluluto ang kaldereta.

“Tirahan mo na lang ako sa Dinner. O siya Ma aalis na ‘ko,” halik ko sa kanya sa pisngi.

“Dito ba kayo magdidinner ng nobyo mo?”

“Tatanungin ko siya. Tawagan na lang kita ‘pag dito kami magdi-dinner.”

“Dito na lang kayo kumain ng hapunan. Marami akong niluto baka hindi maubos,” hirit pa niya.

“O siya sige Ma. Kukulitin ko siya. Sige Bye,” pagpapaalam ko sa kanya.

“Sige mag-ingat ka anak!”

Ang ganda ng gising ko ngayon kahit medyo inaantok pa ‘ko. Sabayan pa na saktong paglabas ko ng bahay e hinihintay na ako ng aking gwapong fiancée. Ang saya ng buhay ko at napakaswerte ko dahil napapalibutan ako ng tunay at mapagmahal na taong gaya ni Zandrew. He’s not just my boyfriend, he’s my bestfriend too. Pitong taon na kami pero hindi ko na-feel na nagsawa ako sa kanya, hindi nga niya ako magawang saktan kahit minsan e may topak ako.

“You looked beautiful Hon,” pangiting sabi niya sa ‘kin habang binubuksan ang kanyang kotse.

“You looked so Handsome honey,” pasweet kong ganti sa kanya sabay pasok sa kotse.

He kissed me when he got inside the car. Parang ritual na naming ginagawa iyon tuwing magkikita kami.

“Sir Filimon Abraham’s Residence?”

“Oo. Hinihintay na tayo siguro ni Lolo kanina pa.”

Hindi mapigilang kumabog ng dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan. May bahid ng kaba ang pagpunta ko sa bahay ni Sir Filimon dahil hindi ko alam kung anong importanteng sasabihin ng Ginoo. Napakamisteryoso niyang tao na hindi ko mawari ang tinatakbo ng kanyang isipan. Bakit niya kaya ako napiling pakitunguhan? At paano siya nabubuhay na siya lamang mag-isa? Wala ba siyang naging asawa, mga anak, o kaya’y  kilalang mga kamag-anak? Sa loob ng tatlong linggo mula ng makilala ko siya, never pa siyang nagkwento sa ‘kin tungkol sa family background niya.

“Sir Abraham is a very interesting old man huh?” ani Zandrew.

“Yeah! He was! Pero kinakabahan ako Hon e. May idea ka ba kung anong sasabihin niya?” Humarap ako sa nobyo ko at binigyan siya ng seryosong tingin habang siya’y nagmamaneho.

“Hmmmm.... Maybe he’ll die soon at baka ipamana niya sayo ‘yung kayamanan niya. I don’t know.”

“Nakakapagtaka nga e pero ayun ‘yung parang feeling ko Hon. It’s a bit odd unless meron siyang tinatagong something. Tingin mo? Baka siya ‘yung tunay kong Lolo na matagal nang nawala? Pero malabong mangyari ‘yun dahil patay na ‘yung mga Lolo ko sa both sides simula nung pinanganak ako.”

“Ang weird nga e pero may point ka. Just imagine, 3 weeks pa lang kayong magkakilala pero pamamanahan ka na niya? Or siguro type ka niya? Gusto niya yata ‘yung mas bata pa sa kanya.”

Napasalubong ang kilay ko ng masabi niya ‘yun. “Grabe ka naman. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya. He’ll never take advantage of me. Alam kong maganda ang intention niya kaya naging magaan rin ang loob ko sa kanya.”

“Well, well, well..... We don’t know kung ano ngang real intention niya ‘till he say it. By the way, nandun naman ako just in case na may gawin siyang masama sayo or something.”

“Stop thinking negative things about him Zandrew,” medyo mataas na tono kong sabi ngunit hindi naman pagalit. “Nararamdaman kong ang sasabihin niya e maayos naman. Pero ewan ko ba, parang hindi ko matantya. Bahala na...”

“Chill ka lang diyan Hon. Malalaman at malalaman mo rin ‘yan.”

After an hour and a half of travel, nakarating na rin kami sa mala mansyong bahay ni Sir Filimon. Bukas ang gate kaya’t nagdoorbell na lamang kami at dumeretso sa main door ng mansyon. Wala akong makitang tao, maging mga maid o guard sa napakalaking mansyong ito.

“Wow Apo! Dumating ka!” masayang salubong sa ‘kin ng itinuturing kong Lolo nang pagbuksan niya kami ng pinto.

“Sorry po Sir medyo na-traffic ng konti,” pagpapaumanhin ko sa kanya.

“What did I tell you?” kunwaring galit na tingin niya sa ‘kin.

“Sorry. Lolo. I’m sorry...”

“No problem Apo. Good Morning,” sabay yakap niya sa ‘kin. “Ehem... pwede mo ba akong ipakilala sa pinakamaswerteng lalaki sa balat ng lupa ngayon?” paubo niyang sabi.

“Oh... Lolo he’s my fiancée Zandrew. Zandrew, meet my Lolo Filimon.”

“Nice to meet you Sir,” pagbati ni Zandrew sabay gesture ng shake hands.

“Please to meet you too Zandrew.”

Naka floral na polo si Lolo at naka white na pants. Ang cool lang niyang tingnan sa suot niyang ‘yun. As usual, napakamaligalig niya tuwing nakikita ako kaya talagang napamahal na siya sa 'kin dahil sa attitude niyang iyon.

“So... Let’s get inside and be prepared Jamie. I want your approval. It’s a matter of life and death if you don’t accept it.”

“H-ho?!” pautal kong sabi dahil di ko magets ang gusto niyang iparating.

“Just kidding Apo. I’m not serious. Tara, let’s get inside,” masigabo niyang anyaya sa ‘min.

Love after Time (A Timeless Story)Where stories live. Discover now