SNEAK PEEK

172 5 1
                                    

                                                  PATAWID na ng kalsada si Trey patungo sa pinagparadahan niya ng motorsiklo niya nang biglang sumulpot mula sa kaliwa niya ang isang humahagibis na puting kotse. Mabilis siyang lumundag paatras upang makaiwas sa kotse. Malakas na napamura siya sa magkakahalong gulat, galit at nerbyos. He was just inches away from certain death or if not that, then a possibly grave physical injury. Nagngingitngit na nilapitan niya ang driver's side ng puting sasakyang agad ding tumigil ilang metro lang mula sa kanya. Malakas na pinukpok niya ang bubong ng kotse.

"Hey, asshole! Marunong ka bang magmaneho?! Makakapatay ka sa---," agad na-drain ang galit niya nang makilala kung sino ang driver ng kotse.

Napalitan iyon ng panggigigil, indignasyon, pagkapikon, iritasyon at lahat ng negatibong emosyong maaring maramdaman ng isang tao patungkol sa isa pang tao.

"I should've fuckin' known! Wala namang iba pang magtatangka sa buhay ko kundi ikaw! Kailan ka pa pinalabas ng kulungan?! Akala ko itinapon na nila ang susi ng selda mo!" singhal niya sa dalagang gulat na napamaang din sa kanya.

Bahagyang kumunot ang noo ni Toni at kumiling pakanan ang ulo na para bang nagtataka. Hindi sa galit na reaksyon niya kundi sa pamilyar na pagbati niya rito. Halatang hindi siya nito namukhaan agad. Bagay na lalong nagpa-igting sa galit niya.

Kung siya nga, isang sulyap lang sa pamilyar na mukha ng dalaga ay agad na nakilala na ito. Bakit ito, hindi siya agad nakilala gayong tatlong buwan pa lang naman mula nang huli silang nagkita. Ganoon ba kaliit ang existence niya sa alaala ng dalaga para makalimutan agad siya nito? They're practically family! Not by blood---thank God for that---but through her father's almost five years of marriage to his mother!

Salubong ang mga kilay na tumitig si Trey sa dalaga. Akala niya ay malilibre siya sa presensya nito ng mga pitong buwan pa dahil sa susunod na taon pa ulit ang scheduled na bakasyon ng babae dito sa bansa. Bakit narito na ulit ito ngayon? Wasn't she supposed to stay with her mother's family in France for seven more months? Did something happen to make her come back earlier than expected?

Masusing binistahan ni Trey ang hitsura ng dalaga. Inaalam kung may pisikal na ebidensyang sasagot sa kuryusidad niya.

Ang alun-alon at natural ang pagkaka-pulang buhok ng babae ay tila mas umikli. Kung noon ay hanggang kalahati ng likod nito iyon, ngayon ay bahagyang lumalampas na lang iyon sa balikat nito. Nakatirintas ang buhok ng babae at nakadantay sa kaliwang balikat nito.

Ayon kay Tito Sheldon, ang ama ng dalaga, isinusumpa daw ng dalaga ang kulay ng buhok nito noong bata pa ito dahil lagi itong inaasar na Tomato ng mga kalaro. Ilang beses nga rin daw nitong pinakiusapan ang mga magulang nito na pakulayan ang buhok nito ng ibang kulay para hindi ito takaw-tukso.

Pero para kay Trey, ang buhok ng dalaga ang pinaka maipagmamalaki nitong asset. It was bright and eye-catching, yes. But it also takes a lot of willpower on his part to resist touching her hair just to make sure if it really was as soft and as silky as it looked.

Kapansin-pansin din naman ang ibang features ng mukha ni Toni. Natitiyak niyang wala itong suot na make-up dahil allergic ito doon pero perpekto pa din ang hugis ng pa-arkong mga kilay nito, mamula-mula ang makikinis na pisngi, nakakatuksong bilangin ang mga pekas sa mukha at singpula ng dugo ang mga labing---

"What the hell happened to your lips?!" kunot-noong dinama niya ng hinlalaki ang pang-ibabang labi nitong nagdurugo.

"Nakagat ko nang mag-preno ako! Bakit bigla-bigla ka kasing tumatawid?! Akala ko tuloy nakasagasa na ako!" asik ni Toni sa kanya.

PETERSONS BATCH 2-BOOK 1 FOLLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon