CHAPTER 1

48 2 6
                                    


Masusing pinagmasdan ni Jed si Aris. Ang totoo, matagal na niyang napapansin ang pamamayat ni Aris. Madalas pa ay tulala ito at tila wala sa sariling pag-iisip. Ang dami nitong, 'ika nga ng mga kabataan, 'lutang moments'. Sa sobrang pagkalutang ni Aris, minsang namamasyal sila sa mall kasama ang kani-kanilang mga anak, akala ni Aris ay naiwan nito sa toy store ang bunsong anak na babae. Pero karga-karga naman nito ang bata.

Bago siya masagot ni Aris ay narinig nila ang malakas na boses ng isa sa limang binata. Pero sa haba ng sinabi ng binata, ni isang salita ay wala silang naintindihan. Maang na nagkatinginan sila ni Aris.

"Alien ba iyan? Bakit ganyan magsalita?!" gilalas na bulalas ni Aris.

"He's French sa father's side pero Pinay ang nanay niya. Levi Gautier."

Tumango-tango naman si Aris. "Ah, taga-Canada ang tatay niya."

Blangko ang ekspresyong tinitigan ni Jed ang kaibigan at kabanda.

"Aris, tinapos mo ba talaga ang college o inuto mo lang lahat ng professors mo noon?"

Maang-maangan na itinaas naman ni Aris ang mga palad sabay kibit-balikat. "Marami namang French sa Canada ah. Kaya nga French din halos ang salita nila doon, 'di ba?"

"Well, he's not Canadian, he's Filipino-French. Come on, ipakikilala kita sa kanila."

Humakbang sila patungo sa kinauupuan ng lima. Base sa paangil na tono ng mga ito, nag-aasaran o nagtatalo ang mga ito.

"It's not like he's not into girls. It's just that girls are not into him. No matter what he does. We should take it easy on him," seryoso ang tonong sabi ni Vane Sernadiva, ang unico hijo ni Aris. He was only seventeen but he was already six-one. Higit na mas matangkad na ito kaysa sa amang nasa five-nine lang ang height. His dark blue hair was a mess and his dark brown eyes were dancing with wicked laughter. Kaya mahirap paniwalaan ang sinasabi nito kahit na seryoso ang hitsura nito habang nagsasalita. Nilalaro nito sa pagitan ng mga daliri ng kaliwang kamay ang hawak na drumstick.

"Why would girls wanna be with him? Sabihan ba naman niyang mukhang clown ang isang kaklase niyang babae dahil sa kapal ng lipstick, kahit ako ang babae, hindi ko pagtitiyagaan iyan," sang-ayon ni Levi sa diretsong Tagalog. Kakatwa na kapag English ang salita nito ay may French accent ito. Pero kapag nagta-Tagalog ito, aakalain mong taal na taga-San Pedro ito. Walang French accent at kuha pa pati punto nilang mga born and bred dito sa bayan ng San Pedro.

Habang nagsasalita si Levi ay kumukumpas-kumpas ang mga kamay nito. Ilang beses tuloy nitong muntik na matamaan ng likod ng palad nito ang mukha ng katabing si Ivo. Hindi sigurado si Jed kung aksidente lang ba iyon o sinasadya ng binata. Pero kung pagbabasehan niya ang malditong kislap sa abuhing mga mata ng half-French na binata, pupusta siyang

sinasadya nito iyon. At alam din iyon ni Ivo na padaskol na hinawakan ang braso ni Levi bago pa tuluyang tumama sa nguso ni Ivo ang kumukumpas na kamay ni Levi.

"Problem, mon ami? I am, what you say, just telling the truth!" painosenteng ngisi pa ni Levi kay Ivo.

Kahit si Jed ay maiinis kung sakaling siya ang pokus ng nakakalokong ngisi sa mukha ni Levi. Sa lima ay ito ang pinakamaliit sa height nitong five-ten. Pero pupusta si Jed na kapag nasa stage na ang lima, eighty percent ng atensyon ng mga kababaihan ay tututok sa binata at sa kulay abuhing mga mata nito.

"At least I don't go around kissing men, pal! You're a fuckin' weirdo!" singhal ni Ivo.

Nangingislap ang pagkayamot sa asul na asul na mga mata ng binatang may medyo kulot na dark brown na buhok. Nakasuot ito ng gray sleeveless shirt at medyo kupas at tastas na jeans. Sa panahon nila noon, yagit ang tawag sa fashion statement ng binata. Pero ngayon, uso at fashionable na raw ang mga jeans na ganoon. Mas mukhang gutay-gutay na at isang labahan na lang ay susuko na sa pagiging pantalon, mas mahal sa mga boutique. And since the little hothead was the son of one of the richest clans in the country, Jed knew that the boy's tattered jeans were from an exclusive designer's shop.

Imbes na mapikon ay lalo lang lumawak ang ngisi ni Levi. Ibinuka pa ng binata ang mga braso na para bang balak yakapin ang nakabusangot na kaaway nitong si Ivo.

"Ivo, Ivo, Ivo, my friend, mon ami! It is not weird! It is just because I'm not a robot made of steel and wires, mon ami! I want to show my love to the whole world!" malakas na pahayag ni Levi.

"Whoa! Ivo, man, I find that very offensive. Homophobic ka ba? Sabihin mo na ngayon pa lang dahil hindi ko gustong makisalamuha sa mga homophobic. My older brother's gay and he's a good guy, you know," nakakunot ang noong sita naman ni Trey kay Ivo.

Trey was the oldest at nineteen. But though he was the oldest, he was also the most laid back. He would rather let the other boys lead than be the leader himself. But he would always be the first one to offer help if it was needed. He had all the qualities a good leader needs but none of the desire to lead.

Bagay na sa tingin ni Jed ay namana ng binata sa kanya. O mas tama sigurong sabihing namana nila sa ama nila. See, most people think that Trey was his son from his first marriage to Ryza. Pero ang totoo ay half-brother niya si Trey. Anak ito ng ama niya kay Ryza. Isang bagay na alam niyang matagal nang alam ni Trey. Kaya ang sinabi nito tungkol sa kuya nitong bading ay pang-aasar lang nito sa kanya. Patunay na ang nakalolokong ngising itinapon nito sa direksyon niya. Pinandilatan naman niya ang binata.

Ivo looked at Trey with a shocked expression on his face that was quickly followed by shame. Iwinasiwas pa ni Ivo ang dalawang kamay bilang senyas ng pagtanggi. At hindi pa nakuntento, sinamahan pa nito iyon ng mariing pag-iling-iling.

"No, no, no! Hindi ako homophobic. I didn't mean to offend you or insult your brother, man. I was just---"

"Pero wala ka namang kuya, hindi ba, Trey? Ikaw ang pinakamatanda sa inyong magkakapatid, hindi ba?" biglang sabat ni Sev sa pagsasalita ni Ivo. Salubong ang itim na itim na makakapal na kilay ng tahimik at madalas ay nag-oobserba lang na binata. Nakakunot-noo ito kay Trey na parang nagdadalawang-isip sa nalalaman nito tungkol kay Trey.

Sa lima ay si Sev ang napansin ni Jed na pinakatahimik. Kuntento na itong magmasid lang sa mga nakapaligid rito. He was always calm, a bit distant and he rarely smiles. Kahit na madalas nag-aasaran at nagbibiruan ang mga kasama nito, bihira itong nakikisali. Sometimes, he even looks bored and annoyed by his friends' childish antics when in fact; he was one of the youngest at seventeen. But though Sev was the same age as Vane, they couldn't be more different to each other. Vane was all fun and mischief while Sev was all bleakness and doom.

Bigla namang ngumisi si Trey. "Yeah, I am. I'm just messing with hothead here!" sagot nito sabay mwestra ng ulo sa direksyon ni Ivo.

Napipikong tumayo si Ivo. Kaya bago pa tuluyang magkainitan ang lima ay pumagitna na si Jed sa mga ito. Saglit silang nagkatinginan ni Aris. Yeah, that scene reminded them both of their younger, hotheaded and immature selves. It looks like he really did choose the right guys to be their successors.

"Mukhang tama ang mga pinili mong papalit sa trono natin, man," ang nakatawang komento ni Aris.

"Syempre, ako pa ba," pagmamalaki ni Jed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PETERSONS BATCH 2-BOOK 1 FOLLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon