tired

19 2 0
                                    

(STORY)

t/w: depression/death

"Kye putangina anong klaseng grades ba to? May line of 8 seriously? Alam mo magmula nung dumating yung babaeng yun sa buhay mo wala ka nang nagawa na tama" bulyaw ng nanay ko sakin nang makuha ang report card ko

"Sige ma, sa susunod pagbubutihan ko na para di na kapusin ng 1 point para maging line of 9" may pagkasarkastiko na sabi ko bago sya talikuran. Agad akong nagpunta sa kwarto para tawagan ang girlfriend ko kailangan ko sya. Ilang beses ko na sya tinawagan pero hindi nya ito sinasagot

'Hays, siguro busy lang' sabi ko sa sarili ko at nahiga nalang at nakakapagod itong araw na to.

Nagaayos na ko pagpasok nang marinig ko ang iyak ng kapatid ko, agad ko syang pinuntahan at nakita ko syang hinahampas ng nanay ko

"Isa ka pang walang kwenta, pagtulong na nga lang sa bahay ang ginawa mo di mo pa magawa ng tama, alam mo parehas kayo ng kuya mo, mga walang kwenta!" Pagkasabi nya non ay umalis din sya. Halo halong emosyon ang naramdaman ko, pagkawa sa kapatid ko, inis sa nanay ko at lungkot sa mga sinabi nya. Agad kong pinuntahan ang kapatid ko at niyakap.

"Shhh andito si kuya ha di kita papabayaan, don't cry na you're a big girl na dibaa. Smile na" napangiti ako ng makita ang ngiti ng kapatid ko, agad kong ginulo ang buhok nya

"Papasok na muna si kuya ha, magingat ka palagi para di ka napapagalitan ni mama bye" hinalikan nya ako sa pisnge bago ako umalis

Pagdating ko sa school ay nakita ko jowa ko nakikipagtawanan sa 'bestfriend' nya. Matinding selos ang naramdaman ko. Agad akong lumapit sa kanila at humalik sa pisnge ng girlfriend ko.

"Hi babe good morning" sabi ko sakanya. Nanlalaking mata napatingin sya sakin

"B-babe morning bakit nandito?" Halata ang kaba sa boses mo

"Ah kasi dito ako nagaaral at may pasok ngayon?" Inis na pagkakasabi ko. Agad ko syang tinatikuran at nagtungo sa classroom. Naramdaman ko na ma umupo sa tabi ko at base sa amoy nya si sue girlfriend ko

"Babe sorry na, hindi ka kasi nagtext e kaya hindi ko alam na dadating ka pala" malambing nyang sabi. At dahil marupok ako bumigay ako

"Okay lang babe hays" pagkasabi ko nun ay agad na pumasok ang teacher namin

Pagkauwi ko ay may nakita akong tao sa labas ng bahay namin. Agad ko syang nilapitan

"Uhm miss ano pong ginawa nyo sa labas ng bahay namin?"

"Ah dito ba si Mrs. Ulenbrugge ? Kanina pa kasi ako tumawag walang sumasagot" 

"Opo, ano pong kailangan nyo sa nanay ko?"

"Kung hindi pa kasi matubos yung bahay at lupa nyo mapapaalis kayo dito, limang buwan nalang ang meron kayo para tubusin yon. Pasabi nalang sa kanya ha Nagmamadali kasi ako salamat" nanghina ang tuhod ko sa narinig bakit hindi ko to alam? Nagmamadaling pumasok ako sa loob. Naabutan ko ang kapatid ko na nakaluhod na umiiyak at doon ko nakita si mama na nakahilata sa sahig. Agad ko syang nilapitan at binuhat. Kasama ang kapatid ko ay dinala namin sya sa hospital.

"Doc. Ano pong nangyare kay mama?"  Kinakabahan ako at natatakot sa maririnig

"Nahimatay siya dahil sa sobrang stress at hindi nya pagkain ng tama at may sakit din sya sa puso at sobra syang napagod"  di ako makapagusap. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.

"S-salamat doc" basag ang boses ko at ang mata ko ay may nagbabadyang luha. Tumango ang doctor bago umalis.Humarap ako sa kapatid ko

"Brianne ikaw muna bahala kay mama may pupuntahan lang ako saglit"  tumango naman sya. Pupunta ako kay sue I need my strength. Pagkadating ko sa kanila ay binati ko ang mga magulang nya dahil kilala nila ako ay pinaderetso nila ako sa kwarto ni sue. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Hindi pa man nya tuluyang nabubuksan ang pinto ay may narinig syang ungol

"V-vann ughh" kilala nya ang boses na yun. 

Binigla nyang buksan ang pinto at nakita nyang half naked ang dalawa at nagm'makeout. Bumigat ang paghinga ko. Nanlaki ang mata nya ng makita ako. Agad nyang kinuha ang damit nya at tinakip ang sa dibdib nya. Lalapitan na sana sya nito pero agad syang umatras.

"Babe let me explain" 

"No need. Gusto lang kita makita kaya ako nandito si mama nasa hospital. Malapit na kami mapaalis sa bahay. Yung kapatid ko iisipin ko pa. I came here because I need my strength pero pinahina mo ko lalo" umiiyak na umalis ako sa kanila. Tumatakbo ngunit di alam kung saan tutungo. Nakaramdam ako ng sakit at alam ko na ito na ang huli.

"Tulungan nyo yung nabunggo!" Huling narinig ko bago tuluyang pumikit. Sa wakas tapos na.

STORY AND POEM COMPILATIONS (mykhll_ky)Onde histórias criam vida. Descubra agora