The mistress side

11 2 0
                                    

(ONE-SHOT)

"Bye hon, I love you" I kissed his lips as a bid my goodbye. Ngayon ay uuwi na s'ya sa pamilya n'ya. Yes his family. I'm just a mistress at tanggap ko 'yun. Wala e, mahal na mahal ko. We've been together for 3 years. I can still remember how he courted me with his consistent effort, kung paano n'ya pinaramdam sa'kin na mahal at importante ako sa kan'ya.

Bago kami mag isang taon ay inamin n'ya sa'kin na may pamilya s'ya, masakit sobra pero nung narinig ko ang sinabi nya ay nawala nalang ito na parang bula

"Mahal kita at kaya kong hiwalayan ang asawa ko pero hindi ngayon malapit na s'yang manganak at kailangan kong gampanan ang responsibilidad ko bilang ama"

Sa ikatlong taon ay dapat hihiwalayan n'ya na raw ang kan'yang asawa ngunit tumawag ito dahil sinugod sa hospital ang anak n'ya, of course I let him go I'm not that selfish. And tomorrow is our 4th anniversary, at ngayong naka alis na s'ya ay nagsimula na kong maghanda para hindi mahirapan bukas. I bought cake and cook his favorites. I decorated my house with Spanish vibes because that's his birthplace and his fave country. I sleep with a smile on my lips exited by tomorrow.

With a smile on my lips I fix myself waiting for him to come. I texted him and he said he'll be here at 8:00 and it's 7:30. I re check everything wanting it to be perfect then I heard the knock on the door

"Hi hon! Happy aniver-" 'di ko natapos ang sasabihin ko ng sampal ang sumalubong sa'kin.

"ANG KAPAL KAPAL NG MUKHA MO! WALA KANG HIYA. MAY PAMILYA YUNG KINAKASAMA MO PERO NAGAWA MO PA RING LANDIIN. NASAAN ANG KONSENSIYA MO?! HINDI MO MAN LANG BA NAISIP NA MAY MASISIRA KANG PAMILYA HA?!" galit na boses ng isang babae ang sumalubong sa'kin at sa tingin ko ay asawa ni martin.

"Huminahon ka airene, pumasok muna tayo para hindi makaabala sa ibang tao" mahinhin na pakiusap ni martin sa asawa

"HUMINAHON? MAKAKAABALA? EDI BAHALA NA. MARINING NG KAPIT BAHAY NYA KUNG GAANO S'YA KALANDI AT PATI MAY ASAWA PINATOS N'YA, NA KAYA NAWAWALAN NG ORAS SA'KIN ANG ASAWA KO DAHIL SA MAY KABIT S'YA!"  agad na nagpintig ang tainga ko sa sinabi n'ya

"TANGINA BAKIT KAPAG KABIT MASAMA NA AGAD? NAGMAHAL LANG DIN AKO AT 'WAG MONG ISISI SA'KIN NA NAWALAN S'YA NG ORAS SA INYO. MANIWALA KA O SA HINDI DARATING YAN DITO 30 MINUTOS BAGO S'YA UMALIS PAPUNTANG TRABAHO AT PUPUNTA DITO ISANG ORAS BAGO UMUWI SA INYO. HINDI PARA SA'KIN KUNG BAKIT S'YA NAGTATRABAHO, KAYO LANG ANG SINUSUSTENTUHAN N'YAN. NI BULAKLAK PARA SA AMING ANIBERSARYO HINDI AKO NABIGYAN N'YAN. HINDI MO ALAM KUNG GAANO KASAKIT SA'KIN TUWING NAG PAPAALAM S'YA PAUWI SA INYO. ANG KASIYAHANG HALATA SA KAN'YA KAPAG KINUKUWENTO ANG PAMILYA N'YA SA'KIN." may luha nang pumatak sa mata ko at may piit na hikbi

"Bakit hindi mo s'ya hiniwalayan?" Humina na ang boses n'ya ngunit mababakas pa rin ang galit dito

"Kasi mahal ko s'ya, at sinabi n'ya na iiwan ka niya kapag kaya nyo na ng wala s'ya. Nung 1st anniversary na'min na sayo s'ya. Manganganak ka raw kasi non ang sakit non para sa'kin kasi may relasyon na kami non tapos may nangyari sa inyo pero tinanggap ko. Inisip ko nalang na baka lasing lang si Martin non o baka napagkamalan n'ya na ikaw, ako. Winaksi ko lahat ng mga negatibong pagiisip para 'di ako masaktan." tuluyan nang kumawala ang mga hikbing pinipiit ko

"Pero ang sabi mo nun ayos lang diba?"  Si Martin naman ang nagtanong sa'kin

"Oo, pero hindi ko sinabing hindi ako nasasaktan. Nung lumapit ka sa'kin nung araw na nagpakilala ka kinabukasan yun nung ilibing ang ama ko. Ikaw ang tumulong sa'kin para makabangon muli. Ikaw ang bumuo sa'kin non at pinagpapasalamat ko 'yun pero nakakalungkot na kung sino pala ang bubuo sa'kin at s'ya ring dudurog sa'kin pero tama na, ayoko na. Malaya ka na. Maging masaya ka kasama ang pamilya mo 'wag mo na kong alalahanin kasi kaya ko 'to. Malalampasan ko 'to at aira alagaan mo si Martin please. Mahal na mahal ko 'yan e. Pinapaubaya ko na s'ya sa inyo." Huling sinabi ko bago ko sila talikuran at isara ang pintuan. Napaupo ako sa sahig na umiyak. Tama 'tong ginawa ko. This is me being selfish and selfless at the same time.

STORY AND POEM COMPILATIONS (mykhll_ky)Where stories live. Discover now