strikto

8 2 0
                                    

(POEM)

Hinahangad na kalayaan,
Kailan kaya makakamtan?
Gusto lamang sumaya,
Sa labas ng hawla.

Pwede bang pagbigyan?
Na minsan ako'y inyong pakawalan
Ang nakaipit na pakpak ay hayaang ilahad,
Libutin ang mundong nasa labas.

Gustong maranasan ang kakaibang saya.
Gawin ang mga bagay ba ginagawa rin nila.
Na napakaimposibleng pakinggan,
Dahil ni minsan ay di nyo ko pinayagan.

Kaya naman na ang sarili,
Ako'y pagtiwalaan nyong maigi.
Di kayo bibiguin.
At uuwing buo pa rin.

Sana palawakin ang inyong pangunawa,
Na hindi ako habang buhay na bata.
Sa mundo ay dapat na may nalalaman,
Para hindi mapagiwanan.

MKY

Two poems for today! Pambawi hehe I've been very busy this past few days so. Thank you!!

STORY AND POEM COMPILATIONS (mykhll_ky)Where stories live. Discover now