Chapter 3: Almost Saw Each Other

4.2K 187 1
                                    

Chapter 3

Sam's POV

"Very good, sige pwede na kayong umalis" sabi ng bruhilda kaya agad naman kaming nagsialisan.

"Sus yung bruhildang yun, akala ko pa naman sasamahan niya tayo papunta sa dean eih miski pagturo ng daan ay hindi man lang niya sinabi" inis na sabi ng mga kasama ko.

"Kapag humingi pa tayo ng tulong sa babaeng yun ay malamang hihingi na naman siya ng kapalit. Baka nga pag nagkataon ay library na naman ang lilinisin natin" sabi ng isa pa.

"Wag na kayong mainit ang ulo, heto oh, sainyo nalang itong masè na baon ko" sabi ko sakanila sabay bigay ng mga masè na dala ko.

"Wow, buhay pa pala toh? Tagal konang di nakakatikim nito" sabi ng isa kong kasama.

"Kapag gusto niyo pa, tawagan niyo ako. Nagtitinda ako niyan, pwedeng ako mismo ang magdala sainyo, malalaki ang ginagawa ko kaya sulit naman. 50 pesos per box tapos may 12 pieces per box kaya hindi kayo malulugi at saka free dilivery" sabi ko sakanila.

"Huh? Pano yan, di ko dala yung phone ko" sabi ng isa.

"Don't worry, may Facebook ako, isa akong online seller. Search niyo nalang yung pangalan ko dun tapos message kayo sakin. At saka may phone number din ako dun kaya pwede niyo din akong tawagan" sabi ko.

"Ang bait mo naman, baka abusuhin ka niyan dito" sabi ng isa.

"Sa totoo lang, hindi ako mabait dahil katulad ng mga students dito ay peke ako. Kinukuha ko lang talaga ang trust niyo" sabi ko na ikinagulat nila.

"Ano?" Tanong nila.

"Wala, joke lang yun. Pero mabait ako sa mababait. Saka pangit naman ang ugali ko sa mga pangit ang ugali" sabi ko sabay ngiti.

"Haysss, ano ka ba naman Alice, nahulog tuloy, sayang eih" inis na sabi ng isa kasi nahulog yung masè niya kaya binigyan ko naman siya ng isa.

"Hayaan muna iyan, heto nalang ang sayo, wag muna ulit ihuhulog" sabi ko sabay ngiti kaya nginitian naman niya ako.

"Haysss wag ka ngang ngumiti, natotomboy kami sayo eih, kanina mo pa kami inaakit sa ganda mo" sisi saakin ng isa.

"Owsss andito na pala tayo sa Dean's office, pasok na tayo" sabi ko sabay katok at pasok na sa loob ng Dean's office.

Zam's POV

"Tara na Pres, let's check the set kung prepare naba ang lahat" sabi ni Tim.

"Let's go" sabi ko sabay tayo na.

Nang makalabas na kami ng office ko ay biglang nagsalita si Tim.

"Haysss, oo nga pala, nakalimutan ko, kailangan ko pa palang asikasuhin yung mga scholar students haysss" sabi ni Tim.

"There's a scholar students?" Tanong ko.

"Yeah, gusto kasing baguhin ng dean ang signature ng school, gusto niya na sa pagdating ng evaluation ay pangaralan din tayo ng most kind school kasi tumatanggap din tayo ng scholar at hindi puro mayayaman lang ang nag aaral dito" sabi niya.

"So?" Tanong ko.

"For sure nasa Dean's office na sila ngayon" sabi niya kaya napatingin naman ako sa katabi ng office ko na Dean's office.

"Then let's get in" sabi ko.

"Wag na nga lang, pabayaan nalang natin si Dean ang maghandle dun tutal siya naman ang nagpasimuno nito. Tara nalang nga, bago pa ako makita ni dean dito sa labas" sabi niya sabay lakad ng mabilis kaya sumunod nalang ako sakanya.

"Tell me, what will be the drama?" Tanong ko.

"Iyan kasi eih. Hindi ka kasi dumadating sa practice kaya wala ka tuloyng alam, pshhh. Ayaw nila ng romeo and juliet kaya gumawa sila ng sarili nilang play, at lovestory iyon" sabi niya.

"Just make their performance good if you don't want to stay still in that position" banata ko sakanya.

"Haysss, mga estudyante talaga dito, mga walang modo. Tingnan mo nga naman, kung saan saan tinatapon yung basura" inis na sabi niya sabay turo doon sa isang kulay puti na supot.

"What is that?" Tanong ko sakanya.

"I don't know, but it looks familiar to me" sabi niya kaya napatitig naman ako dun sa maliit na supot.

"Me either" sabi ko.

"Ah alam kona, ang tawag dito ay masè. Hindi ko alam na may manggagawa pa pala nito" sabi niya sabay hawak dun sa supot na ikinagulat ko kaya agad ko naman iyong kinuha sakanya.

"Masè?" Tanong ko.

"Sayang naman iyan, paborito ko pa naman. Sino kaya ang nakahulog niyan dito? Tatanungin ko sana kung saan niya nabili" sabi niya.

"You go first at the set, I will just go there later" sabi ko sabay lakad pabalik sa office ko.

"Huh? Ano?" Tanong niya pero hindi ko nalang siya pinakinggan.

Nang makarating na ako sa office ko ay agad akong umupo sa swivel chair ko.

Kinuha ko yung garapon na nilagyan ko ng masè na ibinigay saakin ni Sam nung nakipaghiwalay ako sabay tabi doon sa maseng nakita ni Tim kanina.

Kung tutuusin, ay may pagkakatulad silang dalawa, maliban nalang sa lasa, kasi hindi ko naman alam ang lasa ng maseng napulot ni Tim, baka kasi may bacteria lalo pat kagagaling ito sa sahig.

Pero posible kayang iisa lang ang manggawa nito?.

The SSG President is my Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon