Chapter 7: Open With The Badboy

3.7K 177 6
                                    

Chapter 7

Sam POV

Agad akong tumakbo papunta sa garden at doon binuhos ang iyak ko.

Alam kong masakit ito para sayo Sam, pero isipin mo sanang, this is for the sake of the both of you.

Alam kong alam mo na ginawa lang niya iyon para makapagsimula ng bagong buhay, nasasaktan din siya kaya isipin mo iyon.

Pero hindi ko maitatangging maguilty, sana pala ay tinanggap ko nalang siya ulit, nagparaya kasi ako sa pride ko eih, akala ko nakamove on na talaga ako at hindi kona siya kailangan pa, pero ang totoo ay masakit pa din pala sakin ang makitang may kasama siyang iba, at higit salahay, may kahalikan siyang iba.

Hindi ko iyon maitatanggi kasi yun ang totoo, pero kailangan kong tanggapin ang lahat, kahit masakit, kalimutan mo nalang siya Sam, kung maaari.

"Hey, what are you doing here?" Tanong ng kung sino.

"N-nagpapahangin lang" sabi ko.

"Nagpapahangin? 2nd day of class mo ngayon, isa ka ding scholar student, gusto mo bang sirain ang reputasyon mo dito sa school ha? Alam mo bang isang malaking offense ang ma late ng kahit 3 segundo lang dito? O baka nga ay may plano ka pang magcutting" sabi niya.

"Problemado ak kaya please lang wag ka ng makisawsaw, alam ko naman ang ginagawa ko" sabi ko sabay tingin sakanya ng masama.

"Wait, are you crying?" Tanong niya kaya agad naman akong umiwas sabay takip ng mukha ko.

"Diba sabi ko problemado ako? Kaya pwede ba ay umalis kana" inis na sabi ko pero umupo lang siya sa tabi ko.

"Here, sayo natoh, nakakawala ng problema ang pagkakain ng matamis" sabi niya sabay bigay saakin ng nilawayan niyang lollipop.

"Baliw ka ba? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Bakit ko naman kakainin iyan eih may laway muna iyan, alam mo bang hindi lang hayop ang pwedeng magkaroon ng rabis? Pano kung may rabis ka? Edi mamamatay ako" sabi ko.

"Kahapon lang ay ang tahimik mo, akala ko pa naman ay shy girl ka, pero katulad ka din pala ng mga estudyante dito, lalabas din ang tunay na anyo" sabi niya.

"Kasalanan ko bang hindi ka marunong kumilatis ng tao?" Tanong ko.

"Hindi, teka, ano bang iniiyak iyakan mo jan ha? May problema ka ba sa pamilya mo? Pera? O baka naman ay lovelife" sabi niya.

"Sabing umalis kana eih, wala kang alam kaya hindi ikaw ang makakatulong sakin, palibhasa mayaman ka, lahat ng gusto mo mabibili mo, lahat ng gusto mong gawin ay magagawa mo, pati tao pwede mo ng kontrolin ng kapangyarihan mo, kayong mayayaman na mga spoil brat ay hindi uso sainyo ang problema kaya wag na wag kang umasang makakatulong ka sa problema ng isang tao" sabi ko.

"Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit ka nga kasi umiiyak?" Tanong niya.

"Wala ka nga kasing pake Ian" inis na sabi ko.

"Meron akong pake, classmate mo ako kaya may pake ako, ngayon, sabihin mo sakin ang problema mo kung ayaw mong ipunas ko sayo itong lollipop ko" banta niya.

"Esshhh kadiri ka" pandidiri ko.

"Sabing sabihin muna eih" sabi niya sabay diin ng lollipop niya kaya napaatras naman ako.

"Oo na oo na, magsasabi na ako" sabi ko.

"Good girl" sabi niya sabay dila ng lollipop niya kaya napangiwi naman ako.

"Problema sa lovelife yung problema ko, ang malas malas ko pagdating sa pag ibig, kasi kusa akong nagdedesisyon ng hindi man lang pinag iisipan, yan tuloy, guilty ako sa bandang huli, napakasakit lang to the point na, tinulak ko yung taong mahal ko na kalimutan na ang dating namamagitan samin, at heto ako ngayon, nagdurusa, ng malaman kong may bago na siyang girlfriend, masaya ako para sakanya, sana nga ay masaya na din siya ngayon" sabi ko.

"Okay" sabi niya na ikinainis ko.

"Eshhh, para akong nakikipagusap sa hangin, bahala ka nga jan, palibhasa kasi mayaman at walang problema" inis na sabi ko sabay tayo.

"Alam kong mayaman ako at gwapo, pero may problema din ako" sabi niya.

"Binabawi kona ang sinasabi ko kanina, nakikipag usap nga talaga ako sa may HANGIN sa utak" sabi ko.

"Umupo ka ulit, ako na naman yung nagkwekwento sayo, at ipapamukha ko sayo na walang tao na walang problema sa buhay, kahit na mayaman man o makapangyarihan, tao din kaming mga mayayaman, at bilang tao, may hinaharap din kaming mga pagsubok" sabi niya kaya umupo naman ako ulit.

"Siguro ay madali lang e solve ng nga problema ninyo, kasi mayayaman kayo" sabi ko.

"Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pero at napapasunod ng pera, katulad nalang ikaw, kung bibilhin kita ng 1 billion para maging girlfriend ko, papayag ka ba?" Tanong niya.

"No way" sabi ko.

"Kaya nga" sabi niya.

"Pero siguro naman ay mas mahirap yung problema ko sayo noh, mukha ka kasing hindi problemadong tao" sabi ko.

"Your wrong, mukha lang akong okay sa panlabas, pero sa loob, malaki ang problema ko" sabi niya.

"Tulad ng ano?" Tanong ko.

"Namatay ang mommy ko through murder, ipinakita sa iba na suicide ang nangyari pero ang totoo ay murder talaga yun, nahinto ang kaso ni mommy at wala man lang ginawa ang daddy ko, sapagkat nag asawa ulit siya, matagal na pala niya iyong kabit kaya iyon ang inasawa niya, sinubukan kong hanapin ang pumatay sa mommy ko, kaya heto ako ngayon, kilala na bilang isang masamang tao, kahit mukha akong inosente sa panlabas ay marami na talaga akong napatay, hindi naman ako nakukulong kasi tinatapakan ni daddy yun, ayaw niya kasing masira ang apilyedo niya ng dahil lang sa walang kwenta niyang anak, at tulad ng sabi mo, mayaman kami kaya walang bakas ang naiwan" sabi niya na ikinagulat ko.

"So mamamatayng tao ka?" Tanong ko.

"Parang ganun na nga" sabi niya.

The SSG President is my Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon