💖Tenth💖

1 2 0
                                    

A/N:Last chapter na sana nagustuhan nyo. Sa totoo lang di talaga ako maganda gumawa ng story parang naputol ang love story nila. Eh kaso kesa paasahin ko yung iba sa update eh tatapusin ko nalang para happy hahaha😂

AFTER 3 YEARS

Trinity ano ang sched sa bagong building para sa bagong orphanage? Ang tagal na nun pero parang hindi naman nag-babago! Sabihin mo sa kanila na bilisan na yun sabi ng isang babae sa kanyang sekretarya.

Bela nagka-problema  kase, mukhang nasulsulan yung nag-hahandle sa new project kaya umurong kaya nag-hahanap pa  ako ng iba sagot ni trinity ang sekretarya ni bela. Hindi sya sanay na ginagalang sya kaya lahat ng employee nya ay Bela or Ms. bela minsan.

Makalipas ang tatlong taon ay sya na ang nag-handle nga kumpanya nila. Nag-retired na si secretary Lim dahil na din sa katandaan. Pag-katapos nyang mag-aral ay dito na nya ginugol ang oras nya. Kaya kung dati ay malago na ito ngayon ay mas malago pa. Dahil na din na sya ang naasikaso sa mga nag-aaply. Ayaw nya ng kahit anong sakit sa ulo na empleyado kaya naman sya ang humaharap sa mga ito.

At dahil sa pagiging-mabuting C.E.O nya na rin ang dahilan na mas gumanda at umayos pa ang pamamalakad ng kompanya ng daddy nya na ngayon ay sa kanya na.

Si Esther ay nag-tayo ng kanyang sariling Restaurant at si Myka ang namamahala sa mga salon nya. Masasabi nya sa sarili na naging matagumpay sya sa tatlong taon na pag-gugol sa trabaho. Pero tagumpay man ay may kulang pa din na piraso ng pag-katao nya. At hindi maipag-kakaila na ang lalaking mahal nya iyon.

Walang araw na hindi ito nag-kakampo sa utak nya. Palagi nyang tanong sa sarili kung kamusta na nga kaya ito? Sa taon na lumipas wala silang kahit isang kumunikasyon kaya nangungulila sya dito. At palagi nyang iniisip na sana wala pa din itong pinag-bago. At ang isa pang bumabagabag sa kanya ay maaaring may kasintahan na ito. At may pamilya na. Natatakot sya na baka kinalimutan na sya ng taong iyon. Na baka hindi na sya naa-alala ng taong mahal nya.Wag naman sana! Yun palagi ang sinasabi nya sa utak tu'wing sasagi sa utak nya.

Tokkk...Tokkk...

Bumalik lang sya sa katinuan ng may kumatok. At pumasok ang sekretarya nya at may dalang maliit na Envelope na sa tingin nya ay invitation card. Naiisip nya na baka a-attend ito ng isang party at mag-papa-alam lang.

Bela may Invitation Card ka sabi nito at inabot sa kanya na inakala na para ito sa kaharap.

Kunot noo nyang tiningnan ang invitation at binuksan.

You are invited to Adrian And Mia Yzeth's Wedding

Sa loob pa ng sobre ay naka-lagay ang address ng reception ng kasal. Sa isang beach resort gaganapin at malapit lang dito sa kanila.

Trinity kailan lang to binigay? tanong nya sa secretary nya

Hindi nya alam kung matutuwa sya gayon'g kinakabahan sya. So andito sa manila ang mga kaibigan nya at maaaring andito din ang taong mahal nya.

Ngayon lang yan, kaa-alis nga lang ng nagdala  sagot ng kasama

Tiningnan nya ang date kung kailan ang kasal. At agad nyang sinabi sa kanyang secretary na i-cancel lahat ng appointment nya sa araw na iyon.

The Only Exception (Completed)Where stories live. Discover now