Prologue

1.2K 38 0
                                    

SIMULA na ng summer at bahagya ng umiinit ang paligid ngunit hindi nito napigilan na mapuno nang malalakas na musika at matitingkad na ilaw ang buong XYLO at the Palace. Halos lahat ay masayang nagwawala sa saliw nang malalakas at makabagong mga tugtugin na pinapatugtog ng DJ.

Sa isang gilid, habang abala sa pag-inom ng kanyang paboritong whiskey na 'Jameson' ay pinagkukumpulan ng mga kababaihan ang isang hot at g'wapong binata na nakaupo sa isang VIP glassed room na nagmamasid sa napakaraming tao na tila may hinahanap doon. Habang abala ang mga mata nito sa pagmamasid ay nahagip ng kanyang mga mata ang magagandang dalaga na hindi maalis ang mga tingin sa kanya at bahagyang kinikilig habang abala sa kakatingin sa kanyang direksyon.

Lihim na napangisi ang binata. "Found my target," wika ng binata sa kanyang sarili sabay ngiti sa mga ito dahilan para mapatili ang mga dalagang hindi mapakali sa sulok na iyon.

Patuloy na pinagmasdan ng binata ang mga dalaga na tila isa-isa iyong kinikilatis at dahil doon sa kanyang nakakapangtunaw na mga tingin ay hindi nagawang makatiis ang tatlong dalaga at lumapit ang mga ito sa kanyang k'wartong kinaroroonan.

Kumatok ang isa sa mga babaeng kanina pa nagpapantasya sa binata. Mahabang buhok at may matamis na ngiting nakapinta sa mukha nito nang humarap ito sa binata.

"You seem lonely; do you mind if we join you?" tanong nito na may pagkatamis-tamis na ngiti sa kanyang labi.

Pinagmasdan ng binata ang babaeng nasa kanyang harapan at masasabi niyang may angking kagandahan talaga ito.

"Sure," sagot ng binata na tinugunan din nang matamis na ngiti ang babae.

Walang hiya-hiya namang pumasok ito kasunod ang dalawang kaibigan at mabilis na tumabi ang babaeng may mahabang buhok sa tabi ng binata.

"By the way, I'm Jeorgette," pakilala ng babaeng may mahabang buhok. "This is Honey." Turo nito sa payat na kaibigan na nasa kabilang tabi ng binata. "And this is Apple." Pakilala ni Jeorgette sa matangkad na kasama nito.

Tinignan ng binata ang mga ito at napangisi na lamang sa kanyang kaloob-looban. Kapwa may kanya-kanyang kagandahan ang magkakaibigan— may malaki ang dibdib, may balingkinitang pangangatawan at matangkad.

"Hi, ladies! I'm Kai," nakangiting pakilala ni Kai sa dalagang nasa kanyang harapan at isa-isa itong kinamayan.

Hindi magkamayaw sa tuwa ang magkakaibigan nang kamayan sila ng binata. Kapwa sila natatakam sa matipunong pangangatawan nito na tanaw na tanaw sa nakabukas nitong suot na itim na long sleeves. Hinayaan lang ni Kai na pagpantasyahan siya ng mga ito at masayang nakipag-inuman at nakipag-usap ng mga bagay-bagay na gusto nitong ik'wento. Hanggang sa ang simpleng katanungan ay nauwi sa malalanding katanungan dahilan para unti-unti nang nawala sa sarili si Honey at mapangahas na umupo sa mga hita ng binata.

"You know I've been holding back for a while, but I really want to taste you now," malanding wika ni Honey na nagsimulang maglakbay ang mga daliri sa bato-batong dibdib ng binata hanggang sa tiyan nito na damang-dama ang katigasan na dulot nang matinding pangangalaga ng katawan.

Hinawakan ni Kai ang baba at saka ito inangat nang bahagya para magtagpo ang kanilang mga mata at mabilis na siniil ng halik ang dalaga na hindi niya kakila-kilala nang wala man lang halong pag-aalinlangan sa kanyang biglaang ikinilos. Napanganga sina Jeorgette at Apple sa mainit na halikan ng binata at ng kaibigan nilang g na g na maangkin ito. Ilang segundo rin ang lumipas bago kumawala ang dalawa sa kanilang mainit na paghahalikan.

"You're really turning me on, baby," wika ni Honey sa pagitan ng kanyang hininga na pansin na pansin ni Kai dahil sa pag-angat ng mga malulusog na dibdib nito. "Can we fuck tonight?" walang kagatol-gatol na tanong ng dalaga na mabilis ikinaalma ng dalawa niyang kaibigan.

A Taste of You (COMPLETED)Where stories live. Discover now