Chapter 4

92 8 0
                                    

It's monday ngayon na ang first day ko sa new school ko, I have my gamit narin, bago kasi ako umuwi rito ay bumili nako ng mga gamit ko.

2 days narin ang nakalipas ng makauwi ako, puro pahinga lang ang ginawa ko para narin ready ako ngayon para pumasok sa school.

At dahil di pumayag si Kuya na wala akong driver kaya ayun wala nakong magawa bahala na, huhu.

It's 7am at 8:30 ang pasok ko nakaligo narin ako at kakain na lang. Wala pa akong Id at uniform kaya siguradong di pipigilan ako ng guard pag pumasok. I am wearing pink dress na hindi gaanon maikli sakto lang ang haba nito and wearing not so high heels, I even bun my hair na bumagay lalo sa damit ko. I don't use make up, powder and lip gloss lang ayus na.

Bumaba nako ng makitang okay na lahat, Kinuha ko ang bag ko saka phone at bumaba na.

"Good morning young lady, handa napo ang breakdast niyo" hay akala ko naman hindi ako gaanong ituturing na prinsesa dito hmp.

" Good morning din Yaya" sagot ko nalang dumiretso ako dining at kumain wala pa si Kuya hindi pa siya gising dahil puyat iyun kagabi nag inoman kasi at wala rin silang pasok ngayon kaya for sure mayang hapon pa ang gising non.

Matapos kong kumain ay agad akong lumabas, pagdating don naghihintay na pala si Manong Ben.

"Papasok napo ba kayo Young lady?" Tanong niya.

"Yes Manong Ben, ah manong ben pwede po bang ibaba niya ko na medyo malayo pa sa gate?" Tanong ko

"ahh bakit po young lady? " Tanong niya.

"May basta manong Ben pwede poba? " I hope pumayag siya.

" Ahh sige po young lady" napakamot na lang ito sa batok niya at pinagbuksan ako ng pinto kaya pumasok nako.

Nang makarating don ay nagpababa nako kaagad kahit ayaw niya ay wala siyang nagawa. Di gaanong kalayo niya ko binaba dahil tanaw na ko na ang mga gusali. Huminga muna ako bago simulan maglakad

After 5 minutes nakarating nako sa tapat nito.

I am standing right now in front of my new school here in Philippines.

'Caden High University' basa ko ngunit sapat na ako lang ang makakarinig.

Unang tingin palang sa school na ito halata mong mayayaman lang ang makakapasok dahil narin sa mga maarteng babae na papasok ngayon sa school. Even the luxurious car in parking lot siguradong sa mga studyante ang mga iyon.

Naka civilian pako ngayon dahil mamaya ko pa makukuha ang aking uniform sa Dean Office. Maganda ang kulay ng uniporme rito kulay red at maikling skirt at ang blouse naman ang long sleeves at may ipapatong kapa roon.

Katulad lang ng style ang uniporme ko sa dating school na pinapasukan ko sa Korea ngunit kulay pink ang kulay no'n.

Huminga ng malalim bago napagdesisyonan pumasok sa loob. Katulad na aking inaasahan hindi ako kaagad pinapasok ng guard dahil wala pakong ID sabay ko kasing makukuha ang ID ko at ang uniporme ko mamaya sa DA.

"Miss Id niyo?" Seryoso at malalim na boses na tanong sakin ng guard. Tumikhim muna ako bago sumagot.

"Transferee po ako kaya wala pakong Id at suot na uniporme" sagot ko rito. Napatango ito ngunit ng akala ko ay makakapasok nako ay siya naman na pag pigil niya ulit saakin.

"Sandali lang miss,pangalan muna. Para makasigurado?" Ani nito habang nakatingin sa laptop na hawak nito.

"Jazmin Hilary Alonzo" maikling sagot ko. Tumango ito at pinapasok nako sa loob. Ngunit pag pasok ko ay nakatingin lahat saakin ang mga studyante at nagbubulongan.

A Rich Lady In DisguiseWhere stories live. Discover now