Chapter 9

95 8 0
                                    

Jazmin's POV

Tinignan ako nito at hinila paalis sa cafeteria puro bulongan lang ang naghari sa sulok ng cafeteria.

"Wait Ice ano ba bitawan moko nasasaktan ako!" Sita ko rito.

Tumingin lang ito ng seryoso sakin at kinuha ang mga dalang gamit ko akala ko iyon lang ang gagawin niya ngunit nabigla ako ng buhatin niya ako ng pa bridal

"Hoy Ice ano ba tignan mo ang dami nakatingin ibaba mo nga ako!" Sabi ko sakanya, wahhh ang sama ng tingin sakin ng mga babae.

" Malalagot nanaman ako sa mga fan girls mo eh,bwisit na yelo ka!" Sita ko rito ngunit parang wala siyang narinig at walang pasantabing dinala ako garden ng school at inuupo ako sa isang bench.

Pagkababa niya sakin sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang problema mo? Akin na nga iyang mga gamit ko may pasok pa tayo kung may pupuntahan ka wag mokong idamay!" Sigaw ko rito

" Be my partner" diretsong sabi nito sakin na ipinagtaka ko

"Huh?partner? Saan? May event bang gaganapin? Bat hindi ko alam?" Sunod sunod na Tanong ko sakanya.

"sa school wala,pero sa family gathering namin meron. At sa ayaw at sa gusto mo you will be my partner, you can't say no and No Buts" ani nito na ikinanganga ko. Nagsimula rin magrambulan ang puso ko sa paglapit ng mukha niya sakin "Or else, I will kiss you right in front of mang students here" bulong nito sa tenga ko at ramdam ko ang pagdampi ng malambot niya labi roon. Wahhh hindi ako agad nakagalaw sa ginawa niyang pangmamanyak sakin, at ang puso ko sobra ang bilis tila ba pareng nakikipag karera. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin saka pwersahan siyang tinulak

"Wahhh Pervert! Lumayo ka nga" saad ko ng mahimasmasan ako, agad akong tumayo at kinuha ang gamit saka siya iniwan don pero bago ako malabas sa garden ay narinig ko ang sigaw niya.

"I will pick you up on Saturday night, wear your most gorgeous dress, remember you can't say no Jazmin Hilary!" Sigaw nito na lalong kinabalis ng pagtibok ng puso ko. First time he uttered my name and it sounds sexy just like a music on my ears.

Hindi ko pinansin ang kakaibang nararamdaman ko maging ang mga mainit na mata na nakatingin sakin ay hindi ko pinansin alam kong kahit hibla lang ng buhok ko ay dinila magagawang hilain dahil sila rin ang mapapatalsik sa skwelahan ito. Pero kung sobra ang galit mo at di mo mapalampas maari mo siya hilain ang buhok sa labas ng campus. Tssk! Wag naman sana na saktong paglabas ko ng campus ay may ibubuhos o hihilahin ang alon alon at mahaba kong buhok.

Huminga ako malalim bago pumasok sa roon nandon nasi Kylie at Shaina,maging ang dalawang lalaki na parang bang linagbinagsakan ng langit at lupa at dadala lahat ng problema ng mundo, OA ba wala eh ganon sila idescribe para silang ewan. Sunod na pumasok ang ngiting ngiti at nakangising aso nasi Ice na para bang nanalo sa loto, psh. Bwisit nayan! Akala niya ba matatakot niya ko at akala niya ba nagustohan ko ang ginawa niya? Pwes nagkakamali siya ng akala.

Masama ko itong tinignan pero ng makita nita niya ko at nginitian at kinindatan pako nito na halos makita lahat ng karamihan kaya nagliliyab nanaman ang kanilang mata sa galit.

Si Shaina na nagsusulat sa notebook at si Kylie na nakikinig ng music ay napataas ang kilay na tumingin sakin pero dahil bad mood ako umirap ako at tumingin sa bintana at syempre kinuha ang phone saka narin nag soundtrip pampaalis ng inis.

Natapos ang klase pero wala akong matandaan, sino naman kaya ang lokaloka na magsa soundtrip habang may klase diba? Walang iba kung hindi ako, mabuti nalang at hindi ako napansin ng prof namin dahil wireless gamit kong headset.

Nag mag ring ang bell ay agad kong inayos ang aking mga gamit.

"Uy mauna na kayo ah, may pag uusapan pa kaming mga SSG" nagmamadaling sabi ni Kylie at dali dali rin lumabas diman lang hinintay response namin?

A Rich Lady In DisguiseWhere stories live. Discover now