CHAPTER 25

62 2 1
                                    

Jaz's Pov

PAGBUKAS ko ng pinto ay nakita ko itong nakapamulsa.

"So where are we going?" Taas kilay na tanong ko rito

"Bat ba ang sungit mo. So what's your name first?" Napairap ako sa tanong nito,bat ba curious na curious itong malaman ang pangalan ko.

"Jazmin" maikling sagot.

"Beautiful name that suits you" puri nito at kumindat na kinairap ko lang.

Naglakad kami patungo sa elevator.

"So again, I am Carl Lucas Ruiz, half brother of Ice" pagpapakilala nitong muli. Half brother? May half brother pala si Ice,ngunit di naman iyon nababanngit ni Kylie. Kaya pala pamilyar ang mga mata.

"Jazmin Hilary Alonzo" pagpapakila ko sa aking sarili. Inabot naman nito ang kamay niya

" Nice to meet you my lady" wika nito at kumindat sakin,ngumiti lang ako at di kinuha ang kamay niya, bakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Balasiyajan. Kaya pala mayabang rin ito katulad ni Ice.

Nagpunta kamj sa jsang restaurant na malapit lang sa hotel. Nakakapagtaka lang dahil hindi ko nakikita sa paligid ang aking mga kaibigan. Mag gagabi narin kasi eh.

"So where's your room?" Tanong ko rito, nakaupo na kami ngayon at hinihintay na lang ang order na food na treat niya raw.

"Well, I have my own room na malapit lang rin sa room niyo, which is yung tabing room niyo. Ayaw ko naman makisama sa half-brother ko dahil hindi kami magkasundo n'on. Well, I am just here with myself because I want to relax then I saw you roaming around, you're the only girl that got my attention" medyo may pagka madaldal ito kesa kay Ice pero di maipagkakaila na mas gwapo si Ice----ewww hindi yun gwapo!

"Bakit parang ngayon lang yata kita nakita?" Tanong ko rito. Well kasi nung may family gathering sila I didn't saw him.

"Nasa states ako with my mom, then I decided to go home while mom was stayed on States. Pumayag lang siya na umuwi ako rito because, my dad wants to see me and my half little sister too" kwento pa niya. Well mabait naman pala siya, sadyang pangit lang talaga unang pag uusap namin.

"How old are you anyways?" Tamong kopa rito.

"Now you're starting to get interested on me huh? " Napairap ako sa sinabi nito grabe, nasa lahi talaga nila ang assumero at mahangin.

"I am 19 years old" sagot nito

"So you are 2 years older than me" saad ko na kinataas ng gilid ng mapula niyang labi.

"Age doesn't matter, I am just 2 years older than you, well kahit ganon. You still suit on me" sambit panito at kumindat sakin, napanganga nalang ako sa mga salitang binibitawan neto. Magsasalita na sana ako ng dumating na ang waiter.

"Here's your order ma'am and sir" sabi ng waiter at nilagay sa table ang mga foods na inorder ni Carl.

"So are you close with my brother?" Tanong nito na kinaangat na aking tingin sakanya.

"No, we are just classmate and we are not close" sagot ko.

"Good, baka magselos ako" napatulala nalamang ako ng sabihin niya. Iyon.

"You're crazy" aniko.

"Why? The first time I saw it feels like love at first sight. Cheezy right? But uhh that's true" saad niya at kumindat. Yung totoo, hobbies niya ba talaga ang pag kindat?

Busy lang kaming kumakain ng marinig namin ang ingay. Oamilyar ang mga boses nila kaya naman napatingin ako ro'n at nakita ang mga kaibigan ko. Kaagad nanlaki ang kanilang mata ng makita kami.

"Oh my god, nandito kalang pala Jazmin kanina pa kami naghahanap sayo" sermon ni Chloe at naoatingin ito sa taong kaharap ko.

"Ikaw yung lalaking humingi ng number kay hilary right?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito Kay Carl..

"Yes, so are you girls eat?" Tanong ni Carl sa mga kaibigan ko

" Kuya Lucas, omg! Jazi?! Wow, ang bilis mo naman yata Kuya. Datd agad kayo?" Maisyusong tanong ni Kylie na kinakunot ng aking noo.

Sasagut na sana ito ng biglang dumating ang mga boys

"Oh Pareng Lucas nandito kapa----" di natuloy ni Allen ang sasabihin nito ng makita ako. "Jazmin?" Laglag pangang saad nito at napatingin sa magkabilaan niya.

Si Keane na seryoso na lalo pa itong naging seryoso,at si Ice na may matatalim ang tingin at ilang bese nagtiim bagang.

"Hey bro, what's up man!" Bati nito sakanyang kapatid at inilahad ang kamay ngunit malamig na tinitigan lang iyon ni Ice

"What are you doing here and why are you wuth her?" May diin at seryosong tanong nito.

"Why bro? I am just having fun with This beautiful young lady. Is there a problem with that?" Tanong nito.

"Tss" tanging yun lang ang sinagot niya at hinila ako patayo at dinala sa likod nito. What's happening? Bakit ang seryoso nila.

"Yes, there's a problem with that. Kilala kita Lucas" sambit ni Ice at nakipag sukatan ng tingin sa kanyang kapatid.

"Are you jealous brother? Are you afraid that Jazmin might fall for me?" May halong inis at pang aasar ang tanong nito kay Yelo. Napalunok naman ako. Bakit ako ang topic nila?

"Hindi ako takot" Ice.

"Talaga ba? Kung makaasta ka, akala mo kung sino kang boyfriend niya na sobra ang selos. C'mon bro. You have your Fiancé. You have Bea"

"Bea wasn't my Fiancé" giit ni Ice.

Muling naghari ang katahimikan at nag sukat sila ng tingin, humakbang si Carl kay Ice at lalong naging mainit ang tensyon ng paligid. Ang mga kaibigan ko na nakakapit sa akin damit at ang kaliwang kamy ko na hawak hawak ni Ice.

"This is reminder little brother. I can win her for me and this time I know you'll lose" ngising sabi ni Carl at kumindat ito sakin na kinatigil ko.

"NOTHING change on you Lucas. You're still a loser. Back off lover boy" ani Ice at hinila ako palayo sa restaurant. Rinig ko ang pagtawag ng mga kaibigan ko at maging si Keane na hinahabol kami ay pinigilan siya ni Allen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Rich Lady In DisguiseWhere stories live. Discover now